Epilogue

568 23 6
                                    

Bonus Chapter :)

Ahki's Point of View

"What? Sigurado ka?" Medyo natulala ako nung nalaman ko na transgender pala yung palaging kasama ni Terry.

Terry is one of my best friend sa law field ng Capitol. Isa akong professor and at the same time may hawak akong maliit na law firm. Nacurious lang ako nung time na nakita ko sila ni Terry at nung trans sa isang lilim ng mataas na puno at knowing na alam kong heartbroken din kaming parehas na magkaibigan.

Kaya nung time na dumaan ako sa coffee shop niya knowing na nawala ito ng ilang araw ay agad kong tinanong kung sila na ba nung trans na iyon.

Actually I am also a LGBTQIA+ advocate at anti discrimination lawyer sa lahat ng gender. May mom kasi is a transman din. Dad actually.

"Luh haha. Bat di makapaniwala pre?"

"Pero girlfriend mo na?" Kinindatan ako nito at biglaang umakbay saakin.

"Pag sinabi ko bang oo eh ano gagawin mo?" Napakunot ang noo ko sa tanong nito.

"Ano nga Arroyo?"

"Bro bat galet? Haha"

"ARROYO!"

"Chill haha. Nope. Gustuhin ko man eh kaibigan lang turing saakin ni Allie" Atlas! Allie pala ang name niya.

Allie. Allie. Allie.

"Wait wag mo sabihin na siya yung kasama mo ng ilang linggo?"

"Yup. She make a big decision in her life na alam kong magpapalaya sa kanya sa sakit at pait ng nakaraan."

Kwinento pa ni Terry lahat ng nangyari that time at doon ko lang narealize na bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ay bakit yung mga taong kayang ibigay at magmahal ng totoo ay sila pa yung nakakaranas ng labis na kalungkutan at nasasaktan?

The fact na alam naman natin na transgender like Allie can assure you na ikaw at ikaw lang yung mamahalin nito.

Haysss. Bakit ba ngayon ko lang din nakilala si Allie?

May 6 years past relationship ako noon. Di lang kami nagtagal dahil sa di ako gusto ng parents niya and also dapat daddy na din ako ngayon pero this real woman chooses to abort our own child na wala man lang pasabi saakin o ano paman.

It was a nightmare at trauma na hanggang ngayon ay dala dala ko pa rin.

The next 2 days ay nagpasya akong magpakilala kay Allie. Salamat kay Arroyo dahil sa nabigyan ako ng chance na mameet siya at makilala na din.

Siguro mga isang buwan din kaming nagtatawagan, chat at every Sunday ay sinasama ako ni Allie magsimba. Minsan ay tinatakas na din saakin ni Terry si Allie dahil sa tila ayoko ng ding hindi ito kasama pag may biglaan kaming gala.

This was love actually. A pure love na muli kong naramdaman dahil kay Allie. Sa una ay nagdadalawang isip ako at di ako nagparamdam ng ilang araw pero di kaya ng utak ko na di makita ito.

Nasasaktan ako pag nakikita ko itong umiiyak. Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito pero ayokong nakikita siyang umiiyak at nasasaktan.

Nasa bus kami papuntang SM nito. Buti na lang ay busy si Terry kaya dalawa lang kami ngayon nito.

Binigay ko sa kanya yung panyo ko at inabot at hinila ko ang kanyang ulo papunta saaking balikat.

"Tahan na. Tahan na." Bulong ko rito. Hinawakan ko ang kamay nito at dinala saaking labi upang halikan. Nagulat din ito saaking ginawa pero lalo ko ng nilakasan loob ko upang sabihin ang totoong nararamdaman ko sa kanya.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon