Chapter 10

530 32 1
                                    


Allie.

Patawarin mo ako sa ginawa ko. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Gulong gulo ako ngayon sa nangyayari. Bakit? Bakit?

Bakit ako pa yung taong minahal mo maprend? Bakit? Ang sakit. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Litong lito ako sa desisyon ko sa buhay. Allie. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa buhay ko. Patawarin mo ko. Patawarin mo ako Allie.

Mahal kita Allie pero bilang kaibigan lang Allie at alam mo iyan pero bakit ako parin ang minahal mo? Bakit?

Maprend sorry. Hindi ko kayang suklian ang lahat lahat ng pagmamahal na binibigay mo saakin. Mahal na mahal kita maprend. Ikaw lang ang taong kailanman ay hindi ako iniwanan pero bakit maprend ramdam ko na ang ilang paparating na araw na darating na iiwas ka saakin? Na hindi nakita muling makikita? Na hindi ko na maririnig ang boses mo habang tinatawag mo ang gag* kong pangalan.

Tang*na! Tang*na!

Sorry Allie.

Patawarin mo ako.

Huwag mo akong iwan Allie. Nakikiusap ako.

Patawarin mo ako.

Noah.

Kailangan ako ni Noah. Unti unting tumulo ang luha sa mga mata ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit? Kailangan niya ako.

Kailangan ako ni Noah.

"Allie" nanigas ako sa kinauupuan ko ngayon. Kilala ko ang boses na ito. Hindi ako pwede magkamali. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa duyan at doon ako lumingon sa kinaroroonan ng boses na iyon at dito ko nakita ang lalaki na noon paman ay minahal ko ng palihim. Ang lalaking minahal ko ng lubos.

"Noah" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hinayaan kong dumaosdos ito saaking pisngi. Hindi ako makagalaw mula saaking kinatatayuan. Naghihina ako. Lumapit ito saakin at dito ay nakita ko sa mga mata niya ang tanong na gumugulo sa kanya.

"Ano bang ginawa mo saakin Allie? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Gulong gulo ako sa nararamdaman ko. May kulang Allie" pagkasabi nito ay niyakap niya ako. Mahigpit na yakap. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanya. Ang pintig ng puso niya. Bakas sa mukha ni Noah ang pagod at pagmamakaawa. Hindi ko masabi pero alam kong kailangan ako ni Noah. Niyakap ko siya.

"M-mahal pa rin kita Noah." Hinaplos nito ang buhok ko at doon ay bahagya siyang kumalas sa yakap ko at tumitig saaking mga mata. Pinunasan niya ang mga luha ko. Doon ay hinalikan niya ako sa noo. Natulala ako sa kanyang ginawa. Kinuha nito ang aking mga kamay at hinawakan ng mahigpit.

"Alam ko. Alam ko. At alam ko na kung ano kulang saakin." Ngumiti ito saakin. At hinawakan ang isang pisngi ko. Unti unti akong napapaso sa init ng kanyang kamay. Hinawakan ko ito at dinama. Pumikit ako at dito ay may luha paring bumaba. Hindi lungkot pero sabik at saya na muli siyang makita at mahawakan.

"Ikaw ang kulang sa buhay ko Allie. Hindi ko man kaya pang suklian ang pagmamahal mo pero palagi mong tatandaan na narito lang ako parati."

Isang mainit na halik ang binigay nito saakin. Halik na ngayon ko lang naramdaman na may pagmamahal. Mahal kita Noah. Mahal na mahal. Nagtagal ng ilang minuto ang halikan na ginawa namin at pagkatapos nito ay muli ako nitong hinila at isang mahigpit na yakap ang binigay nito saakin. Nawala lahat ng sakit, pait at hapdi na nararamdaman ko. Ang saya ko.

Ang saya saya ko.

"Na miss mo ko?" tanong nito saakin.

"Alam mo na ang sagot diyan." At muli nito akong hinalikan.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon