Chapter 13

440 24 4
                                    

Yung letter. Naisulat ko noon iyon dati sa bahay nila Noah. Naglalaro kasi silang magkakapatid at ilang tropa ni kuya Mark noong araw na iyon at sa sobrang boring ko eh nagsulat ako ng medyo mahaba habang letter para kay Noah. Ang tanong eh asaan na iyon? Baka nasa province pati iyon sa kwarto ko. Hinatid na din ako ni kuya Mark at ilang saglit pa ay nagpaalam na din ito saakin kaso

"Pupunta ka naman siguro sa sabado diba?" hindi ako makasagot. Hindi ko na din alam ang gagawin ko dahil sa nakaoo na din ako kay Jhonny. Ang mali ko lang talaga ay sa dinarami-rami ng pwedeng makalimutan ay bakit pa yung birthday ni Noah. Tsk.

"Andoon din siyempre si Ynah." Wala parin akong matinong isasagot.

"May problema ba? Allie?" bumuntong hininga na lang din ako at sinabi sa kanya ang naturang kasunduan namin ni Jhonny. Napakamot na lang din ito ng ulo dahil totoo namang naipit talaga ako sa medyo mahirap na sitwasyon. Kumbaga pinapili ako kung si Noah o si Jhonny. Sinabi na lang din ni kuya Mark na kung ano man daw ang desisyon ko eh susoportahan na lang din daw niya ako tsaka kinuha na din nito yung pera na dapat ipapambili ng cake ni Noah. Siya na lang daw ang bibili at ipapaliwanag na lang din niya kay tita Alex na hindi ako sigurado kung makakapunta man ako sa birthday ni Noah o hindi. Ang sakit pati ng ulo ko na kakaisip kung sino sa dalawa yung pupuntahan ko. Bahala na talaga.

Nasa loob na ako ng apartment ng makita ko si Jhonny na nagbibihis at parang may pupuntahan. Nakatitig lang ako rito habang sinusuot na niya ang pantalon pero sunod sunod ang lunok ko dahil sa ang laki ng alaga nito. He is wearing red brief na talagang napakamasculine ng datingan at ngayon ko lang din napansin na may tattoo pala ito sa kanyang dibdib. Japanese words ang nakaukit dito at siyempre hindi ko naman alam ang ibig sabihin nito. Ilang saglit pa akong napatitig dito ng napansin na niyang nakatitig ako sa kanyang alaga na nakatago sa red na brief.

"Pwede mo namang hawakan ito Allie kung gusto mo." Sambit nito saakin na agad akong namula. Loko talaga ito. Kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Mukhang may lakad ka na naman ah" pagbabago ko sa tempo ng aming usapan. Nasuot na niya ang pantalon niya at naka-tshirt na din ng light grey at biglaan itong lumapit saakin dahilan upang mapaattras ako. Napakabango niya ngayong gabi. Sobra.

Hinawakan nito ang isa kong kamay at lumapit ito saakin na tila may ibubulong na kung ano saakin. "Allie. Pwede mo bang isara ang zipper ng pantalon ko?" nanlaki ang dalawa kong mata dahil sa sinabi niya. WTF! Hindi ka ba marunong magtaas ng zipper ng pantalon mo?

Hindi ako naimik at ramdam kong pinagpapawisan na ako ng malamig. "Sige na. Allie. Please?" nakakaakit ang boses nito at walang anumang hinawakan ko ang zipper nito kaso kinuha nito ang kamay ko at pinahawak saakin ang matigas na niyang alaga. Ah sh*t! Naramdaman ko ang tila pagtibok tibok ng kanyang alaga kaya ang tangi ko na lang ginawa ay ang agad na isara ang zipper niya at hinalikan ito sa pisngi.

Yeah. Hinalikan ko ito sa pisngi at agad kong binawi ang aking kamay mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. Halata sa mukha nito ang labis na pagkagulat sa ginawa ko.

"Ingat na lang sa lakad mo" mahina pero may natatanging lamig ang pagkakasabi ko nito at hanggang sa tuluyan na akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Wala na akong narinig pa mula sa kanya maliban na lamang sa muling bukas at sara ng pintuan namin. Umalis na din siguro ito pero ilang segundo din ay nagtext ito saakin.

Inaasahan kong makakasama kita sa sabado Allie. Good night. At ayun na nga tuluyan na ding sumakit pa lalo ang ulo ko. F*ck!

Hindi ko na namalayang nakatulog na din pala ako pero laking gulat ko ng may biglaang humalik saaking noo.

"Noah" hinawakan nito ang pisngi ko at ilang saglit pa ay hinalikan na ako nito sa aking labi. Napahawak na lang din ako sa kanyang ulo. Ilang minuto din nagtagal ang halikan namin hanggang sa tumabi na ito saakin. Niyakap ako nito ng sobrang higpit. Siyempre muli kong inamoy ang katawan ni Noah. Napakabango niya.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon