Chapter 28

394 27 1
                                    

Medyo nahihilo na ko sa ilang baso ng beer na parang sunod sunod na pinainom saakin ni Noah. Walang tama pero alam ko pa naman ginagawa ko. Lahat kami ay namumula na. Pansin ko rin si Noah na tila tahimik lang pero palagiang nakatingin saakin. Himas sa legs ko at minsan naman ay may pagkagat saaking braso.

Lasing na ba ito?

"Noah"

"Oh?" Sabay kindat saakin. Ngumiti ito saakin at akma na sana akong hahalikan nito ng nginuso ko si papa na nakatingin saamin. Di naman ito galit pero alam kong may gustong sabihin ito saakin.

Hinila ako bigla ni Noah papunta sa kanya at napatingala ako mula rito. Lasing na nga ang loko.

"Bakit baby?" Nang aasar na naman ito.

"Tama na. Umakyat kana sa kwarto at matulog kana" ayokong malasing ito ng malala. Magsasalita pa sana ito nang biglaan akong tawagin ni papa. Agad namang umayos ng pagkakaupo si Noah at ganoon na rin si Alcen na tawa ng tawa. Lasing na din ang mokong.

Lumabas kami ni papa at may dala itong yosi na agad naman niyang sinindihan. Naupo ako sa may bakanteng upuan habang si papa ay nakatayo ngunit malapit saakin. Humithit na muna bago nagsalita.

"Okay ka lang ba Allie?" napatingin ako sa kanya pero di ito nakatingin saakin.

"Oo naman po papa"

"Yung totoo Allie" hindi na ko nagsalita. Ano nga ba talaga ang sagot sa tanong ni papa? Okay ba ako? O okay pa ba ako?

"Nag usap kami ni Noah kanina about sa nagyayari na sainyong dalawa." Hindi na ako magtataka sa sinasabi ni papa dahil sa alam ko naman na doon din ang bagsak ng lahat. Malalaman din ng lahat ng nakapaligid saakin o saamin na may namamagitan saamin ni Noah. Sa ngayon lang eh di ko alam kung ano kami lalo pat biglaang naging mapangahas ang ginagawa saakin nito.

"Ayokong makialam sa pakikipag-relasyon mo nak. Dahil pinalaki ka namin ni mama mo na naaayon sa mayroon tayo. Alam ko din naman na di ko maibibigay ang kaligayahan na nais mo nak. Kaya kung ano man ang desisyon mo sa mga bagay na ito eh susuportahan kita ngunit mangako ka saakin" di parin ito nakatingin saakin knowing na lumuluha na ko. Agad kong pinunasan ang ilang luha na nasa mukha ko.

"Ipangako mo na kung darating man yung araw na kailangan mong ikulong muli ang sarili mo sa dilim dahil sa ano pamang pwedeng mangyari ay umuwi ka saakin. Umuwi ka rito. Andito lang ako palagi nak maghihintay sayo." Walang anumang bumuhos muli ang mga luha saaking mga mata at doon ay niyakap ko mula sa likuran si papa.

"Mahal mo parin talaga si Noah ano?" humarap na ito saakin at pinunasan yung mga luha sa mukha ko at hinalikan ako sa noo ko.

"Kung wala mang magmahal sayo totoo ay tatandaan mong may isang taong magmamahal sayo nak kung sino at ano ka paman"

"Si papa mo. Mahal kita Allie. Mahal na mahal kita anak ko." May parte sa puso ko na tila labis akong nadurog sa bawat sinabi ni papa. Parang tila ayoko na ding umuwi na dahil sa pag-alam kong malapit lang saakin si papa ay alam ko sa sarili ko na okay na okay ako.

Mga ilang minuto din ay bumalik na kami sa loob, kita rin sa mukha ni Noah ang pag-aalala. Napaisip din siguro ito kung ano yung masinsinang pinag-usapan o sinabi man saakin ni papa. Nagpaalam na din si papa na magpapahinga na siya at sinabihan na lang yung dalawa na ubusin na ilang alak pa na natitira nang makatulog na din ng maaga.

Tumabi akong muli kay Noah at agad nitong hinawakan ang isa kong kamay at walang anumang hinalikan ako sa pisngi at sinabihan akong isang bote na lang ay okay na at pwede na daw kaming umakyat.

"Insan, Noah. Mauna na ko sainyo. Maaga pa ako bukas hehe." Pagpapaalam ni Alcen samin.

"Andaya eh. Di pa nga ubos itong nabuksan na natin. Ubusin na natin oh pre" di na daw talaga kaya ni Alcen kaya no choice kundi tulungan na lang ang katabi ko na maubos ang isang malaking bote ng beer.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon