Chapter 16

446 27 1
                                    

"Good morning" ito ang bungad saakin ng nakasalamin na si Jhonny. Mukhang busy nga ito ngayon dahil sa andaming paper works ang nakapatong at ilang nakakalat sa mesa. Makikita ko sa mukha nito na tila wala lang din sa kanya ang nangyari samin kagabi kaya hindi na lang din ako masyadong nag-isip pa ng kung ano-ano. Ang naiwan na lang din sigurong katanungan sa isipan ko ay kung bakit ako hindi pumayag na may mangyari samin nito kagabi. Bakit nga ba? At ano ang dahilan ko? Ano o sino?

Hindi ko alam.

Ngumiti na lang din ako at siyempre nag-good morning na din. Dumiretso na muna ako sa cr upang siyempre magbawas at medyo masakit pati ang tiyan ko. Tamang tama na din ito dahil sa balak ko din ngayon maglinis ng aking back pussy. Mga 30 minutes din siguro akong natapos nang parang tila nakabili na ng almusal si Jhonny. Meron kaya ako?

"Almusal na Allie, binilhan na lang din kita" binigyan ako nito ng carbonara.

"Salamat Jhonny. Kape?" tanong ko dito at isang kindat na lang ang sagot nito na agad na din akong nagpakulo ng tubig para sa kape naming dalawa. Kanina din pati pa tumutunog ang cellphone ko kaya agad kong kinuha muna ang phone ko at hindi talaga ako nagkakamali sa iniisip ko dahil sa naka 10 missed calls na si Noah saakin. Nagchat na lamang ako dito na kagigising ko lang at bukod pa doon ay nagdagdag ako ng nakakaasar na chat dito.

Noah di ko sure kung makakapunta ako diyan mamaya. Anyways, happy birthday sayo maprend.

Ilang minuto pa ay nagtimpla na ako ng kape naming dalawa ni Jhonny at binigay ang isa sa kanya na kape habang kinuha ko na din yung nakaplastic na almusal namin at nilagay sa bowl. Nagpasalamat din ito saakin agad ng nilagay ko na sa malapit sa working table niya. Busy ito sa kakatype ng kung ano-ano sa laptop niya. Habang ako ay kumakain na nang binili niyang almusal. Ang sarap!

"Busy?" pagkasabi ko nito ay tumingin siya saakin at tanging ngiti na lamang ang sagot niya. Nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa habang ako eh tinapos ko ng kainin ang almusal ko. After kong kumain ay dumiretso na muna ako sa kwarto ko upang mag-ayos ng ilang kalat ko at hanapin na din yung isusuot kong damit sa birthday ng mokong. Speaking of mokong ay nagreply ito sa chat ko at halatang naasar.

Talaga ba? Subukan mo lang hindi pumunta mamaya. Sunduin kita diyan mamaya ng 3pm. Umayos ka Allie.

Hindi na ako nag-reply at mahirap na baka mag-away pa ulet kami nito. Tumawag na din ako kay kuya Mark na makakapunta ako sa birthday ng kapatid niya. Tuwang tuwa naman daw si tita Alex dahil gusto gusto na din daw ako nito makita. Habang nag-aayos ako ng kung ano-ano ay biglaan kong nabitawan yung storage box ko dahilan upang kumalat yung ilang piraso ng condom at lubricating jelly sa sahig.

"Allie? Okay ka lang? Nangyari?" si Jhonny. Hiyang hiya din ako dahil sa nakita niya ang mga ito kaya agad ko namang pinulot lahat.

"Collection?" pabirong tanong nito saakin.

"Maybe" at isang kindat na lang din ang ginawa ko sa kanya. Nagpatuloy parin kami sa kanya kanya naming ginagawa. May oras din na pasimpleng sumisilip ako kay Jhonny pero still busy parin kaya napagpasyahan kong umidlip na lang muna dahil medyo masakit ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang isusuot ko. Isa't kalahating oras din akong nakatulog at pagkagising ko ay may isang brown box ang nasa tabi ko na at may maikling letter. Agad ko namang binuksan ang laman ng box at nakita ko ang isang napakagandang gold . Napakaganda at halatang babagay sa kutis ko. Galing ito kay Jhonny. Agad akong lumabas upang hanapin ito kaso wala naman siya. Nakatambak parin ang bundok bundok na papers na kanyang inaasikaso. Asan kaya siya? Binasa ko na din yung letter at sulat kamay din ito ni Jhonny.

Allie,

Early gift ko sa birthday mo. Ang aga no? hahaha. Wag mo ng tanungin kong paano ko nalaman kung kailan ang birthday mo. Wear it today for your special someone. Alam kong maiinlove siya sayo pag iyan ang suot mo. Hoping na magustuhan mo. Btw, thank you kagabi and sorry sa inasal ko. Don't worry hindi na iyon mauulet.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon