Chapter 9

509 32 0
                                    


Uwian na ng biglaan akong yayain ni Terry sa kaniyang sariling mini coffee shop. Nagulat din ako dahil sa hindi pala basta basta itong si Terry. Working student din siya like me, sa umaga eh call center at paghapon naman na ay siyempre sa Capitol siya then tuwing gabi ay kanyang inaasikaso ang mini coffee shop niya, suportado naman daw siya ng kanyang parents kaso mas pinili niyang maging independent at ayaw niya yung umaasa lang sa mga magulang niya, luckily nag-grow naman daw ang mini business niya dahil na din sa sahod niya sa call center na naging paunang capital niya. Nilibot ko yung buong shop niya gamit ang aking mga mata na probably masasabing kong aesthetic talaga. Maliit ang space sa loob pero okay na okay sa labas lalo pa't dinagdagan din ng simple lights na tila mga tala ngayong gabi. Ang cute! Sinisilip silip ko din yung sa counter at medyo busy din si Terry pero meron naman siyang dalawang kasama na guy na katuwang niya. Ilang minuto pa ako nag-antay ay dumating na din si Terry na suot ang kulay brown na apron niya na may nakalagay na Sweet Treats by Terry dala ang kapeng siyempre libre niya HAHAHAHA at dalawang slice ng ube cake, siyempre request ko din HAHAHAHA. Masanay na kayo, mahilig talaga akong magpalibre.

"Thank you. Congrats uy! Grabe sana all na lang ako sayo Terry" sarap ng kape huhu lalo na ang cake.

"Masarap? Actually, binake ko yang Ube Cake" Nako napakaswerte ng girlfriend nito, bukod sa balang araw eh Lawyer ito, masarap din gumawa ng kape at cake.

"Oo masarap. Thank you."

"Welcome" isang napakatamis na ngiti ang nakikita ko mula rito. Pogi siya, kung tutuusin eh ang katawan at aura niya eh parang isang sundalo o pulis. Matangkad na maputi. Ang buhok nito ay parang army cut bukod pa dito ay ang pabango niya na malalaglag ang panty mo.

"May boyfriend ka Allie?"

"Hehehe, yan ang wala pa ako. Crush meron" tas sabay kindat sa kanya. Malandi!

"Oh? Talaga? Ang ganda mo kaya. Hindi din mahahalata na isa kang transgender. Kung single nga lang ako eh baka niligawan na kita ngayon." Confirm. May girlfriend ito.

"Luh? Weh? Seryoso?" natawa na lang din kami parehas nito sa reaksiyon ko.

"Oo nga. Promise. Bakit wala?"

"Eh sa walang pang nagpaparamdam tsaka focus na lang din muna ako sa studies ko ngayon. Crush meron kaso taken naman na siya. By the way, saan yung girlfriend mo?"

"LDR kami Allie. Nasa province siya ngayon at currently studying din ng BS Pharmacy. Ka year natin" Nice. Mahilig pala sa gamot ang girlfriend nito. Pero nasense ko dito na parang di siya masaya. Hindi naman sa manghuhula ako pero minsan kasi nafefeel ko sa isang taong kausap ko yung nasa loob niya. Check natin!

"Okay ka lang ba?" hindi ito agad nakasagot pero parang may something na nangyari. Di ko lang sure. Isang mahabang buntong hininga na lang din ang pinakawalan nito.

"Nope. Last week pa kami walang communication due to some misunderstanding. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali kasi palagi na lang ako yung may mali sa kanya. Ewan ko lang Allie kung maniniwala ka pero ako yung palaging nag-eeffort kahit na LDR kami kaso ang balik lang saakin eh wala. Lagi niyang sinasabi na hindi ako mature mag-isip o di kaya ay isip bata daw ako." Ramdam ko siya. Hindi naman kasi parati na babae lamang ang palaging iniintindi, men also have their own feelings. There are silent sometimes but silent means sadness or being trap in a dark room. Hindi ko din alam ang maisasagot ko kaya hinayaan ko na lang siyang magsabi pa ng kanyang nararamdaman.

"Masakit lang kasi sa part ko na tila wala lang ako sa kanya. Makikita ko na lang na may kasama siya na kung sino sino at pag tinatanong ko naman eh palagi niya lang sasabihin na mind your own business.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon