Chapter 4

562 37 3
                                    

"Masarap ba?" tanong saakin nito habang hinihipan ko yung binigay nitong mainit-init pang carbonara. Tumikim ako nang kaunti hanggang sa sunod sunod na ang kain ko at siyempre alam na niya ang sagot ko sa kanyang tanong kaya natawa na lang din ito saakin habang pinapanood akong inuubos na yung binigay nitong pagkain.

"Gusto mo pa? Hindi ko din naman mauubos lahat ng ito. Tsaka baka dumating din yung kaibigan mo." Sino yun? Char! Naaasar parin ako doon kaya hindi na ako masyadong kumibo about sa mokong na iyon.

"Pwede ba?" pagkatanong ko ay tumawa lang din ito ulet at agad na kinuha yung natitira pang carbonara at binigay saakin. Sorry na. Pagod at gutom lang talaga ang nararamdaman ko ngayon. Isama na din ang pagkaasar ko kay Noah na hanggang ngayon eh wala parin chat saakin.

"Ang akala ko talaga ay totoong babae ka Allie. Tignan mo naman. Napakaganda mo at babaeng babae kana tignan." Napainom ako nang softdrinks dahil sa sinabi nito. Diyos ko! Talagang effective na effective talaga ang tinatake kong hormones ngayon.

"Sana all sinasabi saakin iyan. Anyways, salamat." sabay kinindatan ko ito. Harot!

"Totoo nga Allie kaya nga napaisip ako kanina doon sa kasama mong lalaki kaninang umaga na boyfriend mo iyon. Pero nakakapagtaka kung paano mo naachieved iyang ganyang feminine look at maski ang voice mo."

"Kung sasabihin ko sayo ang sikreto ko ay pwede bang maging tayo?" What? G*ga! Pinagsasabi mo? Kaya agad akong nag-isip nang palusot eme ko. Gutom ka girl!

"Charot lang hahahaha." Sana nga effective kaso nakatingin lang din saakin ito at hindi ko mabasa ang ekspresyon nang mukha niya. Ano ba naman kasi ang lumabas sa bunganga ko. Halatang pagod na talaga ako at patuloy na umaasa sa true love kaya agad na akong nagpaalam dito kahit na hindi ko naubos yung binigay niyang carbonara.

"Nako sige na. Maraming salamat. Bukas ako naman. Salamat ulet." Nakatalikod na ako nang nagsalita ito at hindi ako pwedeng magkamali sa sinabi niya.

"Pwede naman Allie." Mahina ito pero maririnig mo parin. F*ck! Parang nabuhay bigla lahat ng dugo sa katawan ko.

Agad na akong pumasok sa loob nang kwarto ko at doon ay nakahinga ako nang maluwag. Ano ba naman kasi ang nasabi ko? Haysss. Pagod ka lang Allie, pagod ka lang. kaya nagpalit na ako nang damit pantulog at uminom na din nang pills. Makalimutan ko nang hindi suot ang panty ko wag lang talaga ang mga mamahaling pills na ito. Habang nasa higaan ako ay pabalik balik yung sinabi niya saakin na Pwede naman Allie, Pwede naman Allie, Pwede naman Allie. Why naman ganoon? Huhuhuhu.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may tumawag sa phone ko.

Papa is calling... Si papa!

"Hello pa? Napatawag po kayo"

"Kamusta kana? Nakaenrol kana ba?"

"Opo pa. Kayo po ba kamusta kana? Okey lang naman po ako, huwag po kayong mag-alala." Namiss ko bigla ang boses ni papa at walang sadya na dumaloy ang mga pinipigil kong mga luha na pababa sa mga pisngi ko na mabilis ko ding pinahid gamit ang mga daliri ko. Matagal ko nang hindi nakikita si papa simula pa noong first year college ako. Kung may pera lang din akong naipon ay agad akong pupunta sa probinsiya namin upang makita lang siya, mayakap at sandaling makasama siya.

"May problema ba nak?"

"W-wala po. Medyo masama lang pakiramdam ko papa hehehe."

"Nako anak ko. Kung ano mang iyang nagpapahirap sa puso mo ngayon eh tatandaan mo na nandito lang ako palagi sayo. Mahal na mahal kita anak. Alam mo iyan Allie anak"

"I love you too papa"

"Magtext ka lang saakin kung may kailangan ka. Huwag kang mahiyang magsabi saakin lalo pa't hinahanap ka parati ng mga tita mo dito at mga pinsan mo. Magsabi ka lang saakin nang mga kailangan mo at bukas din ay magpapadala ako sayo."

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon