Chapter 12

508 30 1
                                    

"Chat kita mamaya Allie" nasa labas na kami at ready to go na din ito. Ayoko pa sana siyang umalis kaso nagchat din daw ang girlfriend niya na nagpapasamang gumala sa mall. Ngumiti na lang din ako dito pero bakas din sa mukha ko na ayaw ko din sana itong payagang umalis pero sino ba naman ako? Mahirap na din. Binigyan ko na din pala ito ng duplicate ng susi kung sakaling biglaan itong makikitulog muli at gawin ang gusto niyang gawin saakin.

"Uy, Allie?" napansin ng mokong kaya walang anumang hinila ako nito papunta sa kanyang bisig. Ang bango bango niya.

"Allie?"

"Ano? Oo na, sige na hinahanap ka na niya" pagkasabi ko nito ay hinalikan ko ito sa pisngi. Haysss. Mamimiss kita agad Noah.

"Kiss mo ko sa lips Allie"

"Para kang tanga. Sige na." ang pogi talaga nito kung nagpapacute. Haysss.

"Sige na ah! Kiss mo ko sa lips kasi Allie" mas lalo akong natawa sa itsura niya ngayon na hindi ko talaga maimagine na si Noah ba talaga ito? kaya hindi ko din sinasadyang may tumalsik na laway mula saakin at sakto naman na napunta ang laway ko sa labi niya. Natawa na lang din ito saakin pero imbes na punasan nito ay muli niyang dinilaan ang kanyang labi dahilan upang matikman niya ang laway na tumalsik. Ilang minuto pa ay hinalikan ako nito saaking labi. Isang mainit na naman na halik ang binigay nito saakin. Napapikit na lang din ako sa ginawa niya. Napakasarap.

"I love you" nakatingin ako sa kanyang mga mata at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Mas mahal kita Noah. Mahal na mahal kita." At muli na naman ako nitong hinalikan.

Naiwan na lamang ako na nakatayo sa labas habang papaalis na ito ay bumisina ito ng tatlong beses sa kanyang motor at sumigaw na "I LOVE YOU!" KINIKILIG AKO! SH*TTTTTTTTTTTTTTT!

Kumaway na lang ako dito at isang matamis na ngiti ang tangi ko na lang ginanti. Papasok na din sana ako sa loob ng nagulat akong nasa likuran ko na pala si Jhonny.

"Jhonny, kanina ka pa diyan?" nakatitig lang ito saakin at ngayon ko lang siya napansin na hindi ito nakangiti. Palagi itong may ngiti sa kanyang labi pero ngayon, ibang Jhonny ang nakikita ko. Nangyari?

"Kanina pa" anlamig ng boses niya.

"A-ah eh, kumain kana ba? Ipagluluto kita ng almusal kung gusto mo" nakatitig lang ito saakin. Anong nangyari? Hindi kaya nakita niya din kanina yung halikan period namin ni Noah? Tsk!

"Ang saya mo ngayon ah. Nagkabati na kayo ng kaibigan mo?" walang ngiti ngayon sa kanya, ibang Jhonny ang kausap at kaharap ko ngayon. Wait. Hindi kaya?

"Oo, okay na kami" pagkasabi ko nito ay tumalikod na siya at dumiretso na lang din papunta sa apartment pero may sinabi ito bago paman tuluyang siyang nakapasok.

"Tuloy tayo sa sabado Allie. Wala na ding ayawan yun." Hanggang sa di ko na ito nakita. Anong nangyari dun? Biglaan na lang din siyang wala sa mood makipag-usap saakin. Minsan din ay inaantay ko itong lumabas sa kwarto niya upang kausapin din sana kaso parang tulog naman o di kaya napapaisip na lang din ako na baka pagod lang din ito kaya ganoon ang pakikitungo niya saakin kanina. Nakakapanibago. Nagluto na lang din ako ng makakain niya dahil anong oras na din at hindi pa siya nanananghalian tsaka maaga din ang klase ko ngayon sa Capitol.

Nasa harap ako ng pinto niya ngayon upang katukin sana at sabihin na nagluto ako ng makakain niya kaso naririnig ko ang hilik na nagmumula sa kwarto niya. Pagod talaga siguro. Tinext ko na lang din siya at hoping mamaya ay magreply din ito.

Hindi na ako dumaan sa laundry shop upang kunin sana ang sahod ko ngayon kaso anong oras na din kaya nagmadali akong pumunta sa first subject ko today. Late din ang dating ni Terry at agad naman itong tumabi saakin. Inabutan din ako nito ng isang lunch box. Sweet naman ni Terry. Kinindatan ko na lang din ito at ang mokong naman ay ngumuso na para akong hahalikan. Sobrang tagal din ng discussion bago ang naturang quiz at buti na lang mahilig ako magtake notes ng mga sinasabi ng professor namin kaya naperfect ko din ang quiz at siyempre may libre akong coffee at slice cake sa shop ni Terry dahil na din sa nagpustahan kami nito na kung sino ang may mataas na score ay siyang manlilibre bukas. Score niya? 10/50 HAHAHAHA. Bad! Antok daw ang loko. May isang oras pa kaming vacant time bago ang next na major subject namin kaya sinabihan ko na muna si Terry na umidlip. Nasa may lilim kami ngayon ng malaking puno na malapit sa building namin. Marami rin naman ang nakatambay ngayon tsaka nakakaantok pati ang hangin at init ngayong araw. Nakatulog na din ito na ngayon ay nakasandal ang kanyang ulo saaking balikat. May ilang ding napapatingin saamin pero wala naman akong pakialam lalo pa't kaibigan ko lang din ito. Habang tulog ito ay may earphone na nakasabit sa isa niyang tenga at yung isa naman nito ay nasa akin kaya hindi din ako masyadong kinuha ng antok dahil sa playlist ni Terry. Menina se prepara ang pinapakinggan namin ngayon.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon