Chapter 22

426 27 1
                                    

Paalis na sana ako ng apartment upang magduty na muna sa laundry shop at siyempre attendan ang dalawang subject ko sa Capitol ng biglaan naman akong tinawag ni Jhonny. Mabilis itong lumapit saakin at hinalikan ako sa aking labi. Tanging ngiti na lamang ang naibalik ko sa kanya pero alam kong may sasabihin ito na hindi lang niya saakin masabi. Ano naman kaya? BJ o HJ? Charot!

"Ano oras tapos ng klase mo mamaya?"

"Mga 8pm na din siguro eh magkikita din kami mamaya ni Terry. Bakit?" Ngumisi lang ito saakin at muli akong hinalikan sa pisngi ko.

"Sige sige. Chat ako sayo mamaya ah?"

"Okay" nagpapacute ito saakin ngayon na natatawa na lamang ako sa kanya.

"I love you Allie" Ito na naman. Ano ba dapat kong itugon sa ganitong mensahe saakin?

"Sige" Sa kagagahan ko eh yun na lamang sinagot ko pero hinalikan ko ito sa pisngi hanggang sa umalis na ako at agad ng dumiretso sa laundry shop. Pagdating ko sa laundry shop ay agad na akong nagtrabaho dahil sa ilan din pala ang hindi pumasok ngayong araw. Mahirap din kasi pati lalo pa't lunes din ngayon. Sa sobrang busy ko ay nakalimutan ko ng mananghalian kaya nagchat na lang din ako kay Terry na baka pwedeng bilhan na lamang ako ng makakain sa canteen kung sakali man malate ako. Magkasunod din kasi ang dalawang subject ko ngayon at mahirap na baka biglaang bumula ang bibig ko habang nasa klase.

Late na din ako ng 15 minutes sa first subject ko kaya dali dali akong nagtungo sa building namin ng nakasalubong ko si Noah kasama ang girlfriend niya. Hindi ako tumingin kay Noah kundi sa tiyan ng girlfriend niya. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko that time dahil sa ang mga mata ni Noah ay nakatingin saakin at may gustong sabihin na kung ano.

Tapos na tayo Noah.

Malaya kana at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.

Ngumiti na lamang ako at agad agad na pumasok na sa building namin. Narinig ko din na tinawag ako ni Noah pero hindi na ako lumingon pa at dumiretso na lang na tila hindi kami nagkita o hindi kami magkakilala. Pagpasok ko sa room ay saktong pinatawag yung professor namin kaya agad akong pumasok sa room at sakto namang kumaway si Terry saakin.

"Nangyare? Ba't ka nalate?" tanong nito saakin sabay abot ng rice in a cup. Hinalikan ko na lamang ito sa pisngi at bumulong ng "salamat sa libre babe". Nagtawanan na lang kami nito hanggang sa ilang minuto pa ay dumating na muli ang professor namin.

After namin sa first subject ay kalahating oras din siguro kaming nag-aantay sa sunod na professor namin kaya wala sa husyong naikwento ko lahat lahat kay Terry ang ilang kaganapan saaking buhay. Bakas din sa mukha ni Terry ang lungkot at hindi rin alam ang sasabihin saakin.

"So bali kayo na nung ka-roommate mo? Ano ulet pangalan niya?"

"Jhonny. Oo... Siguro." Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ko.

"Sa tingin mo ba Terry? tama ba yung ginawa kong desisyon?" tanong ko dito at nagbabakasakaling mayroong akong makuhang gabay mula sa kanya.

"Alam mo Allie, tama naman ang naging desisyon mo dahil sa ayaw mong maging option lang at tsaka tama na pinutol mo na yung ugnayan ninyong dalawa ni Noah dahil sa huli ikaw lang din naman ang masasaktan lalo na ngayon na magiging tatay na pala siya. Totoo talaga yung ilan sa mga narinig ko ng payo sa ilang kaibigan ko na ang isang tulad talaga ninyo ay totoo at wagas magmahal pero sa huli eh labis kayong nasasaktan.

The fact na wala na kayong ugnayan na ni Noah ay much better na din sigurong bigyan mo ng chance yung isa. Nararamdaman mo naman siguro Allie na talagang seryoso sayo yung tao kahit na may past siya. Bilang kaibigan mo, sundin mo yung kung anong nagpapasaya sayo." Nakatitig na lamang ako sa kanya at di ko alam ang isasagot ko. Gustuhin ko mang umiyak eh hindi ko na din magawa dahil sa tila ubos na din ang lungkot na nararamdaman ko.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon