Excerpt from "Dear Allie"

276 17 2
                                    

Possible Chapter 1: Noah's POV



"Hey"




Umiiyak parin ako sa di ko malamang dahilan. Halos araw araw ay tila gusto kong balikan yung literal na kami noon. Kami na alam kong masaya, mahal ang isa't isa at higit sa lahat ay kuntento sa kung anong mayroon saamin.




Isa sa mga pagkakamali ko noon ay iyong di ko siya hinanap at ipinaglaban. Tanggap siya ng pamilya ko. Tanggap siya ng mga taong nakapaligid saakin pero, naiwan ako sa imahinasyong kami pa yung magkasama at mas pinili kong magpaloko at magmukhang tanga.




Binuksan ko yung last na beer na iinumin ko ng biglaang tumabi saakin si Kuya Mark. Inakbayan niya ako at inilapit ang ulo ko sa balikat nito. Alam kong saksi si Kuya sa lahat nang naging maling desisyon ko sa buhay pero heto siyang muli. Nasa tabi ko at binibigyan ako ng pag asa na magiging maayos pa ang lahat, na magiging okay ang lahat kahit na alam ko naman sa sarili ko na malabo na. Sobrang labo.




"It's not your fault Noah, mga bagay lang saatin na alam na nating ito yung nangyayari saatin dahil ito yung pinili natin. Pinili na in a way na we're avoiding the negative scenarios in our life but andito parin. May outcome at may outcome parin sa buhay natin yung mga literal natin o ginustong pinili." Umiiyak parin ako at di ko gustong ipakita sa kanya na hinang hina na ako sa buhay.




"Andito lang ako para sayo. Kung ano man ang magiging desisyon mo ngayon ay susuportahan kita. Kapatid kita. Ayokong nagkakaganyan ka na parang gusto mo na namang ulitin yung pagpapakamatay dahil sa mga nangyayari na saiyo. Wala man siya sa tabi mo pero tatandaan mong may pamilya kang nagmamahal sayo Noah."




Noong time ng graduation namin ay tanging si Allie lamang nasa isip ko noon specially nung tinawag na ang buong pangalan nito. Mula sa pagtayo, paglakad sa entablado para kunin ang pinaghirapan niyang diploma at hanggang sa bumaba ito ay nakatingin ako sa kanya. Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakita at may times din noon na pabalik balik ako sa apartment niya pero parang walang anino niya ang nakikita ko.




Magaling siyang magtago at heto ako na baliw na baliw na sa kakahanap sa kanya pero nung nakita ko siyang nakangiti at kasama yung taong bagong nagpapasaya sa kanya ay alam kong nasa loob ng pagkatao ko ay literal ng durog. Durog sa paraan na ako lang naman ay may malaking pagkakamaling nagawa sa relasyon naming dalawa.




Natapos ang graduation ceremony na siya lamang yung tinitignan ko hanggang sa magkita nga kami. Bakas sa mukha niya yung pagbabago sa lahat at lalo na sa pakikitungo niya saakin. Wala na yung dating dating Allie Falcunit na kilala ko  Pero, masaya ako na literal na siyang nakamove on at alam kong di na siya nasasaktan.




That day din ay sinundan ko sila ng kanyang  papa, pinsan at yung bago niyang boyfriend. Masakit saakin na kasama niya yung bago niyang kasintahan knowing na dapat ako noon ang kasama nila pero hindi kaya matiyaga kong binantayan sila hanggang si Allie na lang din noon ang bumalik sa apartment. Yung babaeng kasama ko noon sa graduation ay hindi ko talaga iyon literal na girlfriend. Ginamit ko lang din yung tao para sabihing okay ako. Okay sa lahat. Pero hindi.




Naglakas ako ng loob noon na kumatok sa pintuan niya. Gusto kong sabihin na ako na lang muli. Na ako na lang yung piliin niya. Na ako na lang yung dapat kasama niya habang buhay pero hindi.




"Allie, p-patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayong mali"




"Wala na iyon. Nakalimutan ko nang lahat iyon. Masaya ako sa bagong nangyayari na sa buhay natin Noah." Sa puntong ito ay di ko naiwasang manlambot sa harap niya at dito ay umiiyak ako sa harapan niya. Lumapit ito saakin at niyakap niya ako ng sobrang higpit. Ilang minuto na ganoon lamang yung nangyayari hanggang sa kinuha ko ang isang kamay nito at dinala ko saaking pisngi.




Hindi ko man sabihin sa kanya ay gusto kong muling magmakaawa na ibalik na namin yung dating kami. Bakas na din sa kanyang mga mata yung lungkot na kinabibilangan namin.



Hanggang sa hinalikan ako ni Allie saaking labi. Uhaw kami sa isa't isa. Kaya huling pagkakataon ay muli kong pinaramdam sa kanya ang pagmamahal na kaya kong ibigay muli sa kanya.



Iyon ang huling pinaramdam ko na kaya ko na siyang piliin. Kaya ko nang ipaglaban yung relasyon na mayroon kami at higit sa lahat ay handa na akong makasama siya habang buhay.



Pero.




Pero nagising na lamang ako na nasa kwarto na ako na hubo't hubad at halata pa saaking katawan yung ilang katas na lumabas saakin kagabi. I imagine that day, kissing and fucking Allie passionately.




Sinapo ko yung ulo ko na tila lalagnatin ako sa estado ko ngayon kaya agad kong hinila yung kumot at binalot saaking katawan despite na amoy amoy yung katas ko saaking katawan. Kinuha ko yung phone ko at tinagnin yung ilang pictures na mayroon kami ni Allie. Ang last selfie na lang din namin nito ay yung pumunta kami sa papa niya.



I search again her Facebook account. Di ko na maopen yung dati kong account so i created a new one nito lang ilang araw na sunod sunod ang laklak ko nang alak. Laking pasalamat ko din na hindi private yung account ni Allie. I stalk her and the fact na sobrang saya niya sa bagong buhay na mayroon siya na makikita sa mga ilang pictures niya ay parang di na niya ako naaalala.



Nakatitig din ako sa isang picture nito na parang birthday niya at naroon si Terry ang kanyang best friend at siyempre ang kanyang boyfriend na abogado. Ahki. Nakatitig lang nang may ngiti at siguro may pagmamahal si Ahki kay Allie na nakatingin ngayon saakin sa picture.


Dear Allie,

Kamusta kana?
Sana kilala mo pa ako. Sana kilala mo pa ako na noon ay naging matalik mong kaibigan. Naging crush mo. Naging pinakamamahal mo at higit sa lahat ay yung naging bangungot saiyong buong pagkatao.

Alam kong huli na ang lahat saatin pero may blangko sa puso't isip ko na tila ikaw lamang yung makakapagpuno nitong muli. Alam ko ding paulet ulet na ako nang sinasabi sayo ito na patawarin mo ako sa lahat ng naging kasalanan at pagkukulang ko sayo Allie.

Ito din yung unang liham na mababasa mo at nawa' y ang liham na ito ay makarating sayo.

I still love you Allie. I love you.



"I miss you maprend. I fucking miss you Allie"



Allie Falcunit accept your friend request.


To be continued...

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon