Noah's Point of View
Maski naman ako ay nagulat sa biglaan inannounce ni Ynah. Hindi ko sukat akalain na isa na akong ama. Ang bilis. F*ck! Inaamin ko din na sobrang saya ko ngayon na tila may nakalimutan akong espesyal na tao sa buhay ko.
"Noah" nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng alak ng kinalabit ako ni kuya at alam kong may malakas na kong tama dahil kung ano-ano na lang din ang hinalo ni Melvin sa inumin namin. Asan ba yung mokong na yun?
Hinalikan ko na muna sa pisngi si Ynah ng tinignan ko si kuya. "Oh? Shot kuya"
"Ipahatid mo na si Ynah kay Paul, tignan mo itsura mo pulang pula ka"
"Ako? Lasing? Haha hindi ah" sabay hinalikan ko si Ynah na gumaganti din sa halik na binibigay ko. Ah sh*t! May naaalala ako sa ganitong halik. Pero sino?
"Umayos ka nga" alam kong naiinis na si kuya kaya tinawag na din nito si Paul upang ihatid na din si Ynah hanggang sa naiwan na lang kami ni kuya sa labas ng gate namin. Akma na din sana akong papasok upang makipag inuman muli nang may sinabi saakin si kuya na nagpawala talaga ng amats ko.
"Si Allie ba? Nakita mo ba siya?" ah sh*t! oo si Allie!
Agad kong hinanap si Allie kaso hindi ko siya makita ng may nakapagsabi saakin na magkasama sila ni Melvin. Sa sobrang hilo ko ay nagpunta na muna ako sa CR upang ilabas ang lahat ng nainom ko at to the point na halos mapaupo na din ako sa lapag. Ilang minuto ko din inayos ang sistema ko at umakyat sa taas ng sakto naman na bumaba ang dalawa. Nagtama ang mata namin ni Allie. Si Allie at Melvin. Si Allie at Melvin na magkasama. Nakaramdam ako ng inis at selos. Anong ginawa nila?
"Tapos na kayo mag-usap?" medyo naiinis kong sambit sa dalawa. Tinitigan ko lamang si Melvin at alam kong alam na niya ang gagawin ngunit hindi ako pinansin ni Allie hanggang sa "Uuwi na ako Noah. Wag mo na akong ihatid." halos mag-init ang ulo ko sa narinig ko.
"Sa kwarto ko"
"Noah!"
"Isa" medyo ubos na talaga pasensya ko.
"Uuwi na ako" muli nitong wika saakin pero hindi ako nakikinig sa kung anong rason kung bakit ito uuwi.
"Dalawa. Wag mong paabutin nang lima Allie baka kung anong magawa ko sayo ngayon." ramdam ko ang takot sa mukha nito pero kailangan kong kausapin ito dahil sa nangyari kanina.
"Tatlo. Sa kwarto ko Allie."
"Noah!" wala akong nagawa kundi hilain ito papunta saaking madilim na kwarto at doon ay tinulak ko ito papasok sa loob. Agad kong nilock ang pinto at wala sa isip kung buhayin ang ilaw dahil sa-
"Noah?" tang*na! bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.
"Uy. Anong nangyari Noah? Bakit? Lasing ka ba?" hinubad ko ang suot kong damit at agad kong pinunasan ang mga luhang hindi ko maipaliwanag. Hinila ko din ito at mahigpit kong niyakap.
"Sorry Allie sorry. Hindi ko sinasadya sorry" ang b*bo lang dahil kung anong dahilan bakit ako nagsorry sa taong alam kong ni minsan hindi ako pinabayaan. Ilang minutong ganoon ang set up namin magkayap na nakatayo.
"Alam ko" malungkot na tugon ni Allie. Kumalas ito sa pagkakayakap saakin at hinawakan ang isa kong kamay. Naaaninag ko ang maamo nitong mukha dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa maliit kong bintana. Napakaganda nito ngayong gabi. Sobrang ganda ng taong ngayon ay mahal ko na.
Oo.
Mahal ko na si Allie.
Pero may takot akong sabihin ang totoong nararamdaman ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dear Noah
RomanceAllie is a transgender. Noah, her bestfriend and probably ang taong nagpatibok ng kanyang puso at ng kanyang back pussy. This is kind of story that will keep your imagination stuck in a red room of love, lust, and pain.