Chapter 14

439 27 8
                                    

"Allie" nagising ako sa boses ni Noah. Nakatitig ito saakin ngayon at bakas sa kanyang mukha ang saya sa ilang beses naming ginawa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Alas singko na din pala ng madaling araw. Tatayo na sana ito pero hinala ko siya ulet pabalik sa kama. Natawa na lang din ito sa ginawa ko at ngayon ay nakapulupot ang buo kong katawan sa kanya. Alam ko na ito.

Aalis na naman si Noah.

"Bakit ang aga mo na naman aalis?" tanong ko dito habang nilalaro ko ang isa nitong ut*ng. Inaantay ko ang sagot nito kaso isang mahabang buntong hininga na lamang ang tangi kong narinig mula rito.

"Kailangan ka na ba ni Ynah?" dineretso ko na siya dahil alam ko namang iyon din ang sasabihin nito. Naramdaman ko na lang din na kaya baka ayaw nitong sabihin eh baka magalit ako. Honestly, hindi naman na ako nagagalit o ano pa man pero parang sapat na din saakin na mayroong oras saakin si Noah na nilalaan na katulad ngayon. Masasabi ko na lang din siguro na masaya na ako kung ano mang meron kami ngayon kahit na walang katiyakan. Ang mahalaga na lang din ngayon ay maayos ang relasyon na meron kami o kung ano mang tawag sa ginagawa namin. Mahal ko si Noah. Mahal na mahal. Pero ang tanong mahal na ba niya ako?

Ngumiti na lang din ito at hinalikan ako sa aking labi. "Ipagtitimpla na muna kita kape" kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kanya ngunit pumulupot na lang din bigla saakin itong muli kaya ang end ay nakahiga kaming parehas ngayon at nakatitig sa bawat isa.

"Uy? Ano ipagtitimpla kita ng kape"

"Wag na. Doon na lang kila Ynah" oh diba? Tama ang hula ko. Kailangan siya ngayon ng totoong girlfriend niya. Tumahimik na lang ako at minudmod ang mukha ko sa dibdib nito. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa utak ko ngayon dahil biglaan na lang akong umiyak. Bakit ganun? Parang ang sakit sakit parin na tulad noong gabing nagkasagutan kami. Hinaplos niya ang likuran ko at hinahalikan ang aking ulo. Agad kong pinunasan ang mga luhang hindi ko alam kung bakit bumaba. Kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kanya at umiba na ng pwesto na ngayon ay nakatalikod na ako sa kanya. Ilang minuto din ang katahimikan na namagitan saamin. Naramdaman ko na lamang din na kinumutan ako nito at ilang saglit pa ay hinalikan ako nito sa pisngi.

"Alis na ako Allie" wala naman na akong magagawa.

"Sige. Ingat sa biyahe" halos pabulong kong sambit. Hindi ko na din mapigilan ang luha na lumalabas mula saaking mga mata.

"Dito na ko"

"Noah" ilang segundo akong natulala at hindi alam ang sasabihin. Ano pa ba ang sasabihin ko?

"Mamayang gabi, dito ka ba ulet matutulog?"

"Oo" sana nga. Sana nga.

"Alis na ko. I love you" lumapit muli ito saakin at hinalikan ako sa pisngi. Hanggang sa umalis na ito. Naiwan na lamang ako sa kwarto na pinaghahawakan ang sinabi nito na oo at ang salitang I love you. Maraming pumapasok sa isip ko na kung ano-ano pero ayoko na munang bigyang diin ang lahat. Pinili ko na lang din munang makulong sa pagmamahal na meron ako para sa kanya. Narinig ko na lang din ang pag-andar na kanyang motor at ayun na nga, tuluyan na siyang umalis. Wala akong ginawa buong umaga hanggang sa bumangon na lang ako mga alas dos na ng hapon. Sobrang init na pati sa labas at tirik na tirik ang araw. Pagkalabas ko ng kwarto ay rinig na rinig ko ang hilik na nanggagaling sa kwarto ni Jhonny.

"Anong oras na kaya ito dumating?" binuksan ko ang pinto nito ang jusko hindi man lang nagpalit ang loko ng damit. Kung ano ang damit at sapatos na suot nito kagabi na umalis ay siyang suot niya parin ngayon na natutulog at isama mo na ang sobrang lakas na hilik nito. Patawarin ka Jhonny. Lasing na lasing na din siguro ito at bakit sobrang lakas na lamang ng hilik nito.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon