Chapter 5

552 41 5
                                    


Nasa pila na ako nang counter habang minamasdan ko ang mokong sa gilid na matiyagang nag-aantay saakin. Habang nasa biyahe din kami kanina ay di ko maiwasang mapangiti dahil sa nakayakap ako dito at buti na lang naka white off shoulder tops ako at siyempre fitted jeans kaya babaeng babae ang lola mo ngayon. Malapit na ako sa counter ng nagkatinginan kami nito. Hindi siya umiwas at ang tangi lang nitong ginawa ay ang malupitan nitong ngisi saakin at isang nakakakilig na kindat.

"Boyfriend mo?" tanong saakin ng nasa likuran ko na trans din. Ano nga ba isasagot ko? Yun bang palagi kong sagot o yung bago naman? Ako lang din naman nakakaalam kaya ngumiti ako dito.

"Oo" tumingin muna ako ulet sa lalaking kailanman ay hindi magiging akin. Siguro. Bahala na.

"Oo, boyfriend ko siya sis" at hanggang ako na ang sunod sa counter. Ngayon ko lang nasabi ang kasinungalingang iyon, na boyfriend ko ang lalaking nakablue jacket na naroon ang name ng school namin at naka gray jagger na bagong gupit ngayong araw na ito.

"Ba't ang pogi mo ngayong araw na ito?" tanong ko dito habang sabay na kaming lumabas sa pharmacy. Totoo naman kasi at amoy na amoy ko ang paborito nitong mens perfume. Matapang pero nakakaakit.

"Palagi naman yan Falcunit" sabay abot saakin nung helmet.

"Tss. Ngayon lang uy! Hahaha" biro ko at agad na din naman na akong umangkas sa kanya at yumakap agad.

"Aba, feel na feel sis?" pagkasabi niya nito at kinalas ko agad ang pagkakayakap ko.

"Edi don't"

"HAHAHAHA, ito naman hindi mabiro. Sige na yumakap kana at nang maramdaman mo ang aking abs." siyempre sinabi naman niya kaya agad ko namang ginawa.

"Gutom na ko. Daan na muna tayo sa isang UKB na malapit lang sainyo tsaka pwede ka bang uminom ng soju ngayon?"

"Pwede naman basta't libre mo lahat Noah"

"Tsk. Siyempre. Ano pwede kang uminom ng soju? Hindi ba naman iyan makakaapekto sa iniinom mong pills?" Concern huhu.

"Hindi naman siguro tsaka ngayon lang din naman ako makakainom ng alak. Ang pinakalast ko eh yung birthday mo noong 4th year high school pa tayo." hinigpitan ko ang yakap ko dito at agad na siyang umarangkada sa malawak na kalsada nang Quezon City.

"Sige. Tignan natin kung sinong maunang malasing saatin mamaya maprend." Napalunok ako bigla dahil sa sinabi niya. Sana nga lang wala akong gagawing pagsisisihan ko mamayang gabi.

Nasa UKB na kami pero hindi pandalawahan ang kinuha nito kundi pang-apat na tao. Aba? Sino naman kaya ang inaantay namin kaya di ko na din magawang manahimik na lang dahil sa 30 minutes na itong nakatitig lang sa kanyang phone at samantalang ako ay kanina pa pawis na pawis dahil sa medyo mainit na ang nasa loob ng Korean restaurant.

"Pssst! Hindi ka pa kukuha ng iluluto natin dito sa malaking lutuan ng meat?"

"Saglit lang maprend may inaantay akong makakasama natin." Sabay tingin ulet ng kanyang f*cking phone. Sa totoo lang eh kanina pa ko naaasar. Hindi ko lang masyadong pinapahalata dahil sa alam ko ding pwede kaming mag-away nito ngayon. Patience Allie! Patience!

"Sino naman inaantay mo at hindi ng salitang natin?" naiinip na din ako at grabe ang pawis sa likuran ko. Idagdag pa yung paminsan minsan na natatalsikan ako ng mantika nang katabi naming na magjowa. Tumingin ako ng masama sa babae at nahalata naman ng jowa nito kaya hininaan nila bigla yung apoy. Ang galing talaga. Sobrang galing.

"Andito na sila!" napatingin ako dito at may paparating na isang magandang babae at may itsura ding lalaki na sinalubong naman ni mokong. Sino naman kaya itong dalawang ito? Pero ang nakakagulat sa lahat ay magkaholding hands na sina Noah at nung babae papunta saakin.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon