Chapter 3

612 41 3
                                    


Nagising kaming dalawa dahil sa may parang nabasag sa sala. Nagkatinginan kaming dalawa at laking gulat niya na yakap yakap ako nito, agad na akong kumalas sa pagkakayakap nito at bumangon upang tignan kung anong nabasag pero pinigilan ako ni Noah.

"Dito ka lang! Ako na titingin kung ano yung nabasag." Diyos ko! Napatingin ako sa bandang ibaba nito. Morning erection! Sh*t! Agad akong tumalikod at akma na sanang bubuksan ang pintuan ko nang hinila ako nito pero nabuksan ko na at halos manghina ako dahil sa isang lalaking may kulay ang buhok na gray na medyo may hawig sa height ni Noah at nakangiti ito saamin na kitang kita ang mga dimples na parang sa isang Oppa.

"Nako pasensya na kayo kung nagising kayo sa ingay na nalikha ko. Ako pala yung bagong roommate ninyo. Jhonny nga pala" sabay abot saakin nang isa niyang kamay. Wala na akong nagawa kundi makipagkamay na lang dito at kitang kita ko din yung gulat na gulat na expression nang bago kong roommate. Nagkatinginan na lang din kaming tatlo dahil sa nangyari. Sakit sa ulo.

Nauna na si Noah at nagsabi na lang din ito na susunduin ako mamayang hapon para ihatid ako sa part time job ko. Abalang abala din yung bago kong roommate sa pag-aasikaso sa kanyang kwarto. Pansin ko din na wala siyang masyadong dalang mga gamit liban lamang sa dalawang backpack at isang medyo may kalakihang maleta. Nag-asikaso na lamang din ako sa loob nang kwarto ko at ganoon na din sa ilang parte nang apartment namin. Buti na lang nag-ayos na ako nang ilang mga gamit kagabi kaya kaunti na lamang din ang mga inayos ko hanggang sa nakaramdam na ako nang gutom. Napasilip ako sa bago kong roommate na hula ko ay nasa early thirtys ito habang nagluluto na kung ano. Saktong lalabas na sana ako nang makita ako nito at ngumiti saakin. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin dahil nakatingin lang saakin ito. Nakapangtulog parin naman ako habang nakapusod naman ang buhok ko na mukhang nanay lang ang mood ko ngayong araw.

"Ano pala pangalan mo? Miss?" bakit kaya nakangiti ito saakin? simula pa kaninang unang nagkita kami ay nakangiti na ito saakin. Nagagandahan ka ba saakin? Char!

"Allie po"

"Ah. Nice to meet you ulet at pasensya na kayo kanina sa ingay na nalikha ko. Nakakahiya pati sa boyfriend mo." Natawa ako bigla sa nasambit nitong "boyfriend".

"Bakit ka natawa?" sabay kamot sa kanyang batok.

"Okey lang po. Tsaka yung lalaki kanina na nakita ninyo ay hindi ko boyfriend. Matalik ko po iyong kaibigan." Biglaang natawa na lang din ito sa narinig. Lalaking kaibigan at hindi KAI-BIGAN. Tsk!

"Ganoon ba. Sorry ang akala ko ay magkasintahan kayo. By the way, Kumain kana ba?" sakto naman na tumunog ang tiyan ko sa gutom kaya wala na akong nagawa kundi ngumiti na lang at nagsabay na kami nitong kumain nang niluto niyang spicy adobo at fried rice.

"Nag-aaral ka ba?" muli nitong tanong. Tumayo muna ako saglit upang kunin yung softdrink sa refrigerator at binigyan ito nang isang baso.

"Opo sa Capitol. 3rd year college student sa kursong Political Science"

"Oh? Galing naman. Tsaka wag nang po at opo. Medyo tumatanda ata ako lalo pag iyan ang naririnig ko mula sayo. Jhonny na lang. Jhon Christian Tan ang buo kong pangalan at isa akong college instructor sa isang branch nang inyong university."

"College instructor?" muli kong tanong.

"Yup, nakaasign ako ngayon sa college of education."

"Ah okey. Sir." Siyempre nakakahiya din naman tawagin ko lang siya sa pangalan niya knowing na isa pala siyang instructor sa another branch nang university namin. Natawa na lang ito sa narinig niyang Sir mula saakin.

"Jhonny na lang Allie."

"Hehehe. Okey sige Sir ay Jhonny pala. Nako nakakalito." Bumalik na lang ako ulet sa pagkain nang masarap na ulam. Ang sarap niyang magluto. Minsan napapatingin ako ulet dito pero nahuhuli ako nitong nakatingin sa kanya. Gwapo siya. As in.

Dear NoahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon