"Allie?" boses ito ni Jhonny. Nakahiga parin ako at sobrang sakit ng ulo ko. Namamanhid ang buo kong katawan at nilalamig kahit na nakaoff ang aircon sa loob ng kwarto ko. Sinubukan kong bumangon pero hinang hina ako.
"P-pasok" halos pabulong ko na itong banggit.
"Okay ka lang ba? Papasok na ako sa kwarto mo." Pagkabukas ng pintuan ng kwarto ko ay nakita ko itong nakauniform at halatang ready na magturo sa unang araw ng semester sa Capitol. Gulat na gulat ito at agad akong pinuntahan sa kinaroroonan ko.
"Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba? Allie?" hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at ganoon na din ng katawan ko. Sinapo nito agad ang noo at pisngi ko. Ang init ng kanyang kamay.
"Inaapoy ka ng lagnat Allie. Ano ba kasing nangyari sayo kahapon sa lakad mo? Huwag ka na muna pumasok. Saglit lang bibilhan lang kita ng gamot" at nagmadali na itong lumabas upang bumili nga ng gamot. Ano ba kasing nangyari sayo kahapon sa lakad mo? Tumulo na naman ang walang silbing luha pababa saaking mga pisngi. Huwag ka nang umiyak Allie! Makakalimutan mo din siya! Pinilit kong bumangon upang magpalit ng damit dahil punong puno na ng pawis ang buong likuran ko at nasa kaligitnaan ako ng pagpapalit ng sakto naman dumating si Jhonny na humihingal.
"Nako! S-sorry. Lalabas na muna ako" nahihiyang wika nito saakin sabay talikod.
"Wag na. Patapos naman na ako." Hindi na ako nagsuot ng bra. Nagsuot ako ng ternong pajama na spongebob at medyo halata din ang utong ko sa tshirt pero hinayaan ko na lamang.
"Ito Allie" binigay nito saakin ang ready to eat food na may kasamang malaking fresh milk at anim na piraso ng advil.
"S-salamat. Bayaran ko na lang sayo sa next na sahod ko. P-pasensya na din sa abala." Sakit na ng lalamunan ko pati.
"Wag na. Kaya mo ba? Tsaka huwag ka na munang pumasok ngayon." mukha siyang nag-aalala saakin. Bakit naman kaya? Ito na naman. Iwasan mo na ang mag-isip ng mag-isip ng kung ano ano. Matamlay na ngiti ang tangi ko na lang naiganti rito. Ininom ko na agad ang isang piraso ng advil kasabay ng binili nitong fresh milk. Sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiyak.
"A-anong oras na pala?"
"5:30 a.m"
"Nako sige na Jhonny. Mahuhuli kana sa klase mo. Maraming salamat."
"Sigurado ka bang kaya mo? Pwede naman na-"
"Kaya ko. Sige na."
"Kunin ko number mo kung pwede. Kung sakaling lumala parin ang lagnat mo eh matatawagan mo ako agad" inabot nito ang phone niya at agad ko naman sinave ang phone number ko sa kanya. Ilang saglit pa ay umalis na din ito at naiwan na akong nag-iisa sa kwarto ko, wala akong ganang kumain kaya pinikit ko na lamang ang aking mga mata at mahimbing na natulog.
Nagising na lamang ako bandang alas tres na ng hapon at maririnig din ang sobrang lakas ng ulan sa labas. May bagyo ba? Napatulala ako ng ilang minuto at dinadama ang aking sarili, buti na lang nabilhan ako ni Jhonny ng gamot at kung hindi siguro ako nito nakita na nagkakaganito ay malamang sa hospital ang abot ko nito. Medyo kaya ko naman na kaya agad akong nagpalit ng damit. Dalawang araw na din pala ako hindi nakakainom ng pills ko kaya feeling ko na nababawasan ang dibdib ko at bumabalik ang tunay na anyong panlalaki saakin pero bukas na ako iinom nito dahil sa need ko muna magpahinga lalo pa't ngayon lang din ako nilagnat na naman. Tinignan ko ang phone ko. Missed calls at ilang texts.
Kamusta Allie? Si Jhonny ito.
Okay ka na ba Allie? Text back please.
Allie??
Kumain kana ba? Allie?
Allie? Okay kana ba?
Pauwi na ako Allie. Hindi ko na pinasukan muna yung pang 6 to 9pm na klase ko. Baka may ipapabili ka or gusto mo kainin? Antayin ko reply mo at papunta ako ngayon sa mini grocery.
BINABASA MO ANG
Dear Noah
RomanceAllie is a transgender. Noah, her bestfriend and probably ang taong nagpatibok ng kanyang puso at ng kanyang back pussy. This is kind of story that will keep your imagination stuck in a red room of love, lust, and pain.