Chapter 14

7.2K 78 0
                                    

CLARISSE'S P.O.V.

***

[Five years ago]

"Proud na proud kami sa 'yo ng Papa mo, Clarisse."

Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Nakaupo ako sa backseat habang nasa shotgun seat si Mama at nagda-drive naman si Papa. Papunta kami ngayon sa piano recital ko. Isa ako sa mga napili para sa mag-perform during Cecille Licad's piano concerto na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines.

"Excited ka na ba na makapagpa-autograph kay Ms. Licad?" tanong sa akin ni Papa.

Mas lumawak ang ngiti ko bago excited na tumango. Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang mahigpit na hawak ang magazines, CD's, at ilang merchandise ko ng pinakahinahangaan kong Filipino classical pianist.

Para sa isang fifteen-year-old na aspiring pianist, wala nang makakahigit sa saya na mararamdaman mo kapag nakita at nakilala mo ang pianist na naging idolo at inspiration mo para ipagpatuloy ang pagpa-piano.

"Kami na ang pinaka-proud na magulang ngayong araw, Clarisse. Masaya kami na unti-unti mo nang naaabot ang mga pangarap mo," sabi ni Mama bago niya ako nilingon at inabot ang kamay ko. She squeezed it endearingly like she always do. "Huwag kang kabahan mamaya ha? Kayang-kaya mo 'yan. You're talented and a star in everything you do, Clarisse."

"Aba siyempre naman. Anak ko yata 'yan," sabi naman ni Papa bago nag-thumbs up sa akin. Kita ko sa rearview mirror ang malawak niyang ngiti at sa totoo lang, isa 'yon sa mas nagpasaya ng araw na 'to.

Hindi lang ako masaya ngayon dahil makikita ko si Ms. Licad pero dahil na rin proud na proud sa akin ang mga magulang ko.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'to, Ma, Pa. Pakiramdam ko lahat ng mga pinaghirapan ko sa mga nakalipas na taon, may napupuntahan na." Napatingin ako sa mga kamay ko. May mga kalyo ang ilan sa mga daliri ko at kitang-kita rin do'n ang ilang marka ng peklat dahil sa pagkurot ko ro'n sa tuwing nagkakamali ako sa mga tinutugtog kong musika.

Lahat ng frustrations, disappointments at pagtitiis- lahat 'yon nasuklian ngayong araw.

"Mas maraming opportunities ang magbubukas sa 'yo ngayon dahil nakasama ka sa concert na 'to." Napahagikgik si Mama at pumalakpak. "Nai-imagine ko na, Anak. Tatawagin ka ng mga tao na piano genius at susunod na Cecille Licad."

Si Mama ang pinaka-consistent kong cheerleader habang si Papa ang pinakamatatag kong sandigan kapag napapagod na ako. Wala ako ngayon dito kung wala sila.

"Thank you, parents." Sinabi ko 'yon nang simple pero sapat na 'yon para maluha si Mama. Natawa ako kaagad. "For sure, matutuluyan 'yung iyak mo, Ma kapag sinabi kong mahal ko kayo ni Papa?"

Bumuhanglit kami ng tawa ni Papa nang talagang bumagsak ang mga luha ni Mama.

My tears pooled in my eyes but I tried my best not to cry. "Mahal ko kayong dalawa. Salamat sa pagiging parents na kailangan ko. Salamat sa lahat. I mean it."

Pero hindi ko inaasahan ang sunod na mga nangyari. Iyong araw na akala kong magiging pinakamasayang araw sa buhay ko ay nauwi sa trahedya.

Mabilis ang mga sunod na nangyari. One moment, I was telling my parents I love them and I am thankful for everything they did to support me with my passion and then the next moment...

Narinig ko ang nakakabinging tunog ng busina; napapikit ako nang biglang tumabingi ang sinasakyan namin; at sunod kong naramdaman ang matinding sakit sa buo kong katawan nang tumilapon at tumaob ang sasakyan.

RenegadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon