Chapter 43

4.2K 69 5
                                    

CLARISSE'S

***

"Sure ka ba na dito lang gusto mong pumunta, Clarisse?"

It took me a few seconds before I nodded at Alex's question. I forced myself to smile before I tightened my hold in his hand. "Hindi pa ako nakaka-experience ng date since ikaw ang first boyfriend ko." I stepped closer to him and then kissed his cheek. "Sorry na kung ganito kasimpleng date lang hindi ko pa na-experience."

Alex's eyes finally lit up with happy emotions when I initiated the conversation again. Mabilis niyang ipinalibot ang braso sa bewang ko 'tapos ay hinalikan ang noo ko. A wide grin spread on his lips as we started to walk holding each other hands.

Sa wakas, natuloy na nga ang date na ilang beses ko ring iniatras gamit ang iba't ibang dahilan.

"I would love to be your first for everything, Clarisse." Hinalikan pa ni Alex ang likod ng kamay ko.

Natigilan naman ako bago tumango. "Mukhang malaking achievement sa 'yo kung ikaw ang magiging first ko sa mga bagay-bagay ah," biro ko sa kaniya na ikinatawa niya naman.

"I intend to also be your last in everything, Clarisse," he added, winking at me. "Sa susunod hindi na lang tayo sa mall magde-date. At siyempre paghahandaan ko iyong date natin sa first anniversary natin."

"F-First anniversary?"

Alex excitedly nodded at me. "Oo na. Ako na malayo ang natatanaw para sa future nating dalawa." He hopped like a child, advancing ahead of me. Paatras siyang lumakad habang nakaharap sa akin at mahigpit ang hawak sa kamay ko. "Actually, sa sobrang advance ko, naisip ko nang ikaw iyong ihaharap ko sa altar. Please, don't tell me I'm corny. I already know it." Saka siya tumawa.

Napakurap naman ako sa mga sinabi niya. He is Alex, the notorious playboy of our campus and the same guy who used my bestfriend to cheat on me. Pero sa kaniya ko rin naririnig ang mga ganitong salita. Is he still fooling me?

Pero hindi.

"Your eyes," I murmured, stopping on my tracks.

Natigilan si Alex at lumapit muli sa akin. "What do you mean? Ano'ng meron sa mata ko?"

"You're not lying."

Alex smiled at me before he wrapped both of his arms around my waist. He kissed my forehead again and slightly bent his legs to level his face on mine. "I never felt anything like this to anyone, Clarisse. I am dead serious with you. Handa akong gawin ang lahat para magtagal tayo at mas maging masaya ka sa piling ko."

Biglang nanlambot ang mga binti ko sa sinabi ni Alex kaya napahawak ako sa kaniyang mga braso. I gulped, feeling nothing towards him amidst of knowing that this time, he meant the words he said.

I forced a smile and then cupped his face. Okay. I need to be a girlfriend to him.

For one last time.

"No one knows about the future, Alex. Hindi natin sigurado kung tayo ba talaga hanggang sa huli."

"Alam ko, Clarisse. Pero hanggang gusto natin ang isa't isa at wala tayong gagawin ikakasira ng relasyong 'to, magtatagal tayo." Dumiretso siya ng tayo 'tapos ay inakbayan ako. We started walking again towards the cinema where we decided to watch a movie. "Di ba?"

My smile froze. Tiningala ko si Alex na bumibili ng ticket namin. "Wala ka bang ginawa na pwedeng sumira sa atin, Alex?"

He stiffened. Alanganin ang ngiti niya nang tagpuin ang tingin ko. He kissed my forehead before he shook his head. "Ayaw kitang mawala sa akin, Clarisse. Kaya wala akong gagawin na magtutulak sa 'yo para iwan ako."

RenegadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon