Chapter 22

7.8K 109 11
                                    

I was nervous... and excited.

Nakatingala ako sa malaking signage ng club kung saan nakalagay ang salitang "Blast". Unlike from the last time I remembered, the signage was not covered with dancing lights. Wala ring maraming tao na nakapila sa labas at walang maingay na tunog mula sa loob.

Napatingin ako sa cellphone ko para alamin ang oras. It's only 3PM. Literally, I was too early to come in a bar at Saturday.

Huminga ako nang malalim para ipunin ang lahat ng lakas ng loob ko. After that, I walked to the entrance, holding the pass that Sir— Hector gave me yesterday.

Kaninang umaga, bago ako pumunta rito, I went to a clinic where Hector recommended me to go to. Like what we agreed on the contract, I was checked and tested and then the doctor showed me Hector's regular check ups and his clean records. Binigyan din ako ng schedule para sa birth control shot na good for three months daw.

"Kaya mo 'tong gaga ka," I told myself, taking cautious steps towards the entrance.

Kagaya noong unang beses na pumasok ako rito, hinarang ako ng guard. Hindi nakakatuwa 'yung tingin niya na para akong naliligaw na bata.

He was about to say something when I lifted the pass I was holding. The guard was stunned before he faked a cough. "Sorry, Ma'am," sabi niya pa bago gumilid at pinadaan ako.

Sa kabila ng kabang nararamdaman ko, napangisi ako nang tuluyan akong makapasok. The tables and chairs were still not properly arranged as well as the stage. May ilang empleyado na nagma-map, naglilinis, at nagse-set-up ng mga equipments. May ilang lumingon sa akin nang makapasok ako. Kumunot 'yung noo ng iba habang 'yung iba walang pakeelam.

I gulped. This is akward as hell. I averted my gaze to my phone. I decided to message Hector but I was stopped by someone's hand who grabbed my wrist.

"Hey!" A man called.

Nag-angat ako ng tingin at kaagad na natigilan. It took me a few seconds before I remembered the man who grabbed my wrist.

"Bakit ka bumalik dito? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo hindi ka para sa lugar na 'to?"

Tiningala ko ang matangkad na lalaki sa harapan ko. Iwinaksi ko ang pagkakahawak niya sa akin at tinitigan ko siya. Nakaladlad ang bangs sa noo niya at singkit ang mga mata. Matangos ang ilong at ang liit ng mukha niya. Para siyang may lahing koreano pero moreno siya.

"Ikaw ba ‘yung pakielamerong bartender dito?" tukoy ko sa huling beses na naaalala kong nagkita kami.

Warren. I think that was his name.

"Ma'am Clarisse, sabi ko naman na huwag ka nang bumalik—" natigilan siya bago bumaba ang tingin sa kamay kong may hawak nung pass. Nanlaki 'yung mga singkit niyang mga mata. "Sa 'yo ba 'yang pass? P-Paano mo nakuha 'yan? Sino'ng nagbigay sa 'yo?"

Akmang kukunin sa akin ni pakielamerong Warren ang pass pero mabilis kong itinago 'yon sa likuran ko.

"Hoy! Hanggang ngayon, pakielamero ka pa rin talaga 'no?"

"Concern lang ako sa 'yo, Ma'am Clarisse. Alam mo ba kung para saan 'yang pass na 'yan? Kung ano'ng ibigsabihin kapag meron ka niyan?"

What's with Ma'am Clarisse? Nakakatanda 'yung tawag niya sa akin!

At bakit siya ganiyan tumingin sa akin. Halatang nanunumbat. Sino siya para sumbatan ako?

"Excuse me, Mr. Warren. Kung ano mang business ko rito, wala ka na ro'n." Inirapan ko pa siya bago sinamaan siya ng tingin. "Concern ka sa akin? Akala mo ba hindi ko naalala 'yung huling beses na nandito ako? Kung concern ka, hindi mo dapat ibinigay sa akin 'yung alak na binigay ng kung sino'ng pontio pilato. Alam mo ba kung ano'ng muntik nang mangyari sa akin?"

RenegadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon