Chapter 19

6.9K 95 33
                                    

CLARISSE'S

***

The laboratory was arranged for the move-system practical exam later in the afternoon. May walong stations na dapat masagutan o kaya magawa ng students to pass the exam.

Nakikita ko 'yung ilang equipments sa bawat station, so I assume this was literally more on practical application rather than simply answering questions per station.

Wala pa si Sir Zaragosa kaya nandito pa rin kami ng mga classmates ko sa may lobby area ng lab kung nasaan ang mga lockers. We could not enter inside because of the set-ups. Bawal pa rin naming makita ang mga nasa stations.

"Clang, may extra gloves ka? Nabutas 'yung sa 'kin."

Mula sa loob ng lab, nabaling ang tingin ko kay Garnet. I was still uncomfortable with her but this time, it was more tolerable.

Nagagawa ko na ulit ngumiti sa kaniya- kahit peke lang. Pero hindi ko na kayang ibalik 'yung dati kong pakikitungo sa kaniya. I could not talk to her about everything like I used to do. I could not even go home with her now. Ilang beses akong nagdahilan para lang hindi kami magkasabay umuwi at napansin niya yata 'yon kasi pagkatapos ng tatlong araw, siya na ang kusang tumigil sa pag-aya sa akin.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" But I tried to still talk casually to her. Siyempre, may ibang tao. Ayoko namang gawing awkward ang buong class namin dahil sa personal na issue naming dalawa. "Sandali lang. Check ko sa bag-"

"Here. May extra gloves sa bulsa ng lab gown ko."

Natigilan ako at napatingin kay Alex. He gave Garnet the gloves. No. Hindi niya lang ibinigay iyon, isinuot niya pa sa kaniya.

Jealousy ate me. My jaw clenched in annoyance and hatred.

"Ang liit pala ng kamay mo, Garnet." Alex laughed before he placed his hand on top of Garnet's. "Tapos ang lakas mo akong balaan na susuntukin mo ako kapag niloko ko si Clarisse?"

Umingos si Garnet sa sinabi ni Alex at pabirong inambahan ng suntok. "At talagang mananagot ka sa akin kapag pinaiyak mo ang best friend ko!" Then Garnet turned to me with a wide grin. "Di ba, Clang? Lagot sa akin 'tong kumag na 'to kapag sinaktan ka."

"Paano mo ako masusuntok sa liit ng kamay mo?" Natawa nang malakas si Alex bago bumaling din ng tingin sa akin. "Di ba, Clarisse?"

I didn't answer.

I stared at the two of them. Nakatayo ako sa gitna nilang dalawa. Both of them were grinning widely at me while I could not even give a small smile.

Kumuyom ang mga kamao ko at nagsimulang manginig ang mga ito dahil sa inggit, selos at galit.

Grabe sila... Paano nila nasisikmura 'to?

"Isuot mo na sa akin 'yung gloves! Aayusin ko pa 'yung ponytail ko pati ni Clarisse!" utos ni Garnet sa boyfriend ko.

Alex, on the other hand, chuckled. Isinuot niya ang gloves sa kamay ni Garnet at pagkatapos no'n, kaagad namang inayos ni Garnet ang pony niya.

That's when I watched Alex... Watched her.

And that's when I also confirmed it.

Sabi nila, kung gusto mong malaman kung ano'ng tunay na nararamdaman ng isang tao, kailangan mo lang tingnan kung sino ang tinitingnan niya nang palihim.

And for Alex... It was Garnet.

I was his girlfriend and yet he watched my best friend with adoration in secret.

Oo nga pala. Hindi niya pwedeng gawin nang lantaran kasi ako ang syinota niya habang kinakama niya ang best friend ko.

Our situation was definitely from a drama made up by a lunatic writer.

RenegadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon