[Five years ago]
Hector's P.O.V.***
“Hector Vincent, my man!” Kinuha ni Max ang baso ng alak na hawak ko bago niya ako inakbayan. He drunk the liquor before he grinned at me. “Dude, how could you be the top of our midterms while being an asshole at the same time?”
I chuckled. “May swerte lang talaga ako sa pag-aaral at sa pagiging gago,” sagot ko bago muling kumuha ng alak sa lamesa namin.
I'm with my boys in a club called Lilith. Katatapos lang ng midterms at as usual, nag-top ako sa mga exams. I am celebrating.
But my friends are not.
“Lintik na ‘yan, Hector. E pati sa mga babae, sinuwerte ka. Girls are giving themselves to you, freely,” biglang saad ni Aldrin na ikinatawa ko naman.
“E paano, humaling na humaling sila sa mata ng gagong ‘to. Putik. E mukha ngang pusa!”
Sinuntok ko ang balikat ni Max dahil sa sinabi niya. “Sabi nang tigilan mo nga ang mga mata ko!”
Nagkatawanan kaming tatlo bago itinaas ang kaniya-kaniyang baso. Sumigaw si Max ng 'Cheers' na lalong ikinalakas ng tawanan namin.
We were in our first year in taking our masters degree in molecular biology minor in plant breeding. Medyo mababa ang grades nila Aldrin at Max pero ayos lang naman ‘yon. Midterms pa lang naman, kaya pang bawiin.
“By the way, Hector.”
Napatingin ako kay Aldrin. Naningkit ang mga mata ko nang sundan ko kung saan siya nakatingin. “Stop eyeing my twin, Dude,” banta ko sa kaniya.
Tumawa naman si Max. “Bakit mo pa sinama si Hestia kung hindi mo naman pala sa amin ipapakilala?” tukoy niya sa kakambal kong babae.
I snorted. “Sabi ngang hindi ko siya sinama. Nagkataon lang din na dito sa club na ‘to nag-celebrate ng birthday ‘yung kaibigan niya.”
Max nodded before a smug smirk spread on his lips. “Hestia’s friend that you are talking about is on the stage right now, dancing the sexiest dance I’ve ever seen. Man, she’s driving every man’s head right now.”
Sinundan ko ang pinapanood ni Max at napangiwi nang makita ro’n si Philo, one of Hestia’s friend, an undergraduate student in our university. Nakilala ko na siya dahil pumupunta silang magkakaibigan sa bahay.
“Halatang lasing na siya,” sabi ni Aldrin na sinasang-ayunan ko naman.
I sighed. I am supposed to stay until this club closes down but I think I can’t because of my sister and her friends.
“Mukhang kailangan ko nang iuwi sila Hestia.” Tinungga ko ang alak sa baso ko bago tumayo.
Napailing ako nang makita ko ang kakambal ko at ang mga kaibigan niya na nagbabasaan na naman ng alak. I can't really understand why they are doing this every time someone is celebrating her birthday.
“Hector, the girls just wanna have fun,” pigil sa akin ni Max bago ako muling pinaupo. “Isa pa, nandito naman tayo para bantayan sila.”
“Hestia is too much when she’s drunk,” I reasoned out before heaving a deep sigh. “And her friends are much worse crazy drunks.”
Aldrin chuckled. “Hayaan mo na. Nandito naman tayo. Saka sabi mo sasamahan mo kaming ipagluksa ang mga lumagapak naming grades.”
I had no choice but to stay longer. Gusto ko rin kasi talagang mag-unwind dahil hindi rin naman basta-basta ang dalawang linggo ng nakakabaliw na midterms. Kaya sa huli, tinext ko na lang si Hestia at sinabing ‘wag masyadong gumaya sa mga kaibigan niyang tinotodo ang inom.

BINABASA MO ANG
Renegade
RomanceR-18 EROTIC ROMANCE ‼️ READER'S DISCRETION IS ADVISED What if the man you've only seen in your darkest fantasies-the one who set your skin on fire through a screen-suddenly stood before you in the flesh? Clarisse Drake Marquez never imagined that a...