Katatapos lang ng isang major ko at papunta sana ako sa cafeteria. I had to buy some snacks before I would proceed to the library to read some books for my thesis.
Pero bago pa ako tuluyang makapasok ng cafeteria, narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Then, the next thing I knew, Warren was walking beside me.
Kaagad akong napangiti. “Finally. Nagkita rin tayo rito sa campus.” Siniko ko pa siya bago ko inangkla ang braso ko sa braso niya.
He stiffened before he rubbed his nape. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
“Wag ka ngang masyadong pahalata na crush mo ‘ko," biro ko sa kaniya bago ko pinitik ang namumula niyang tenga. Mas lumakas ang tawa ko nang tingnan niya ako nang nanlalaki ang mga mata at parang nag-loading pa sa ginawa ko. Kaya pinitik ko ulit iyong tenga niya.
“Ay grabe!” Nanlalaki ang mga mata niya na humiwalay sa akin ‘tapos ay tinakpan ang mga tenga niya. “Hindi ko alam na mapanakit ka. Nabawasan iyong pagka-crush ko sa ‘yo nang one percent.”
“Ang dami mong alam na kalokohan,” naiiling kong sabi bago hinila ang laylayan ng damit niya para muli siyang lumapit sa akin.
“Oy, oy, oy. Baka makita na naman tayo ng boyfriend mong seloso,” naiiling na saad niya bago ngumisi sa akin. “Selos na selos sa akin ‘no? Wagas makabakod kahapon e.”
“Hayaan mo ‘yon. Hindi nakainom ng gamot e,” pabiro kong sagot kay Warren bago namin narating ang tapat ng cafeteria. Napataas ang kilay ko dahil sumunod pa rin siya sa akin. “Ano’ng bibilhin mo?”
“Wala. Dito ka kasi papunta kaya sumunod ako.” Then, he opened the cafeteria door for me. “Ano nga ulit ang degree program mo, Clarisse?”
Dumiretso kaagad ako sa counter para bumili ng pagkain. Nakabuntot pa rin sa akin si Warren and I don’t mind. “Agri Biotech. Ikaw?” Pinili ko lang iyong sandwich at isang bar ng chocolate bago dumiretso sa cashier at nagbayad.
“MST,” sagot niya na ikinatigil ko naman.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago nagsimulang maglakad muli palabas ng cafeteria. “Seriously? Math and Science Teaching?”
“O bakit? Hindi mo ba ako nakikitang magiging teacher in the near future?” natatawang tanong niya habang sumusunod pa rin sa akin. “By the way, saan ka sunod na pupunta at bakit ako sumusunod sa ‘yo?”
I rolled my eyes before chuckling on what he said. “Sinusundan mo ako kasi crush na crush mo ako.”
“Woah, ang hangin.” Exaggerated siyang humawak sa braso ko. “Baka tangayin ako, Clarisse!”
“Hinayupak ka! Ang corny mo! Bitaw nga!”
"Ang dami mo nang sinabi tungkol sa akin a! Una, hindi ako bagay maging teacher, ‘tapos tinawag mo akong buang, hinayupak, at corny.” Binilisan niya nang bahagya ang paglalakad hanggang sa bahagya na siyang nauna sa akin. Patalikod siyang naglakad kalaunan habang nakangisi sa ‘kin. Kitang-kita mo ang pang-aasar niya. “Anong sunod na itatawag mo sa akin? Babe?”
“Wow na wow. Ang hangin! Ang lakas ng hangin! Kapit ka, baka tangayin ka rin!”
We both ended up laughing so hard. Ang gago ay nagtatalon-talon pa na para ba talaga siyang tinatangay.
“Clarisse! Nililipad ako!”
At tuluyan na nga pong nawili si Warren sa pang-aasar at pagiging isip-bata niya.
Okay... OA na.
“Warren!” saway ko sa kaniya nang mapansin ko na napapatingin na iyong mga kasabay naming maglakad.

BINABASA MO ANG
Renegade
RomanceR-18 EROTIC ROMANCE ‼️ READER'S DISCRETION IS ADVISED What if you met the guy who starred from the porn you watched? Clarisse Drake Marquez did and she didn't know how to react. She found herself just staring at his peculiar set of eyes; hazel gree...