Chapter 47

4K 88 88
                                    

CLARISSE'S

***

Tapos na.

Finally, everything ends here.

Akala ko mabubunutan ako ng tinik kapag nagkaalaman na at nagkaharap-harap na ang lahat. Pero bakit ang bigat pa rin? Bakit ang sakit pa rin?

I found myself staring at nothingness as the empty playground where I was, the creaking sound of the swing I was sitting on, and the cloudy weather made me realized everything that happened in the past two months. I lost three people; someone I was with almost all my life; someone I offered my heart and affection throughout my college; and someone I just met and yet would probably change my perspective for the rest of my life.

Hindi ko inaasahan na ganito lang pala kabilis mawala ang mga taong pinahalagahan ko at akala ko’y mananatili sa buhay ko.

People come and go, they say.

“Pero ang masakit do’n, iyong mga umaalis na tao ay iyong buong puso mong hinihiling na sana manatili,” I whispered through the afternoon wind as my hands on my lap continuously shook. I was trying my best not to cry but the tears on the sides of my stinging eyes were on the brink of falling.

Ilang segundo akong natulala habang tinitiis ang mabigat na pakiramdam. Ayokong umiyak para sa mga taong hindi naman dapat manatili sa buhay ko. Hindi dapat ako nanghihinayang. Hindi ako ang nawalan kung hindi sila.

“Ano ba, Clarisse?” I grunted, slightly tugging at the end of my hair, feeling the frustrations over my pathetic self.

“Hindi mo magugustuhan iyan kapag nabunot talaga lahat ng buhok mo kakasabunot mo sa sarili mo.”

Natigilan ako nang bigla na lang may umupo sa bakanteng duyan sa tabi ko. I frowned at him as he settled himself on the swing. Ibinaba niya ang dalawang malaking bagahe na dala niya sa lapag. Ni hindi niya alintana na madudumihan iyon ng buhangin ng playground.

Ilang beses akong napakurap habang tinitingnan ang weirdong lalaki bago ko nagawang makapagsalita, “A-Ako ba ang kinakausap mo?”

Napabuntong hininga siya bago tuluyang tumingin sa akin. He stared at me for a few seconds before his gaze were clouded with realization. “Nakipag-break ka ba? O ikaw ang binreak?” Saka siya umiling bago hinimas ang tuktok ng ulo niya na semi-kalbo ang gupit. Rinig na rinig ko ang sarkasmo sa boses niya na lalong nagpatindi sa negative emotions ko.

Tinaasan ko siya ng kilay.

I found the piercing on his right brow bothering tapos may sugat pa ‘yung bridge ng ilong niya at halatang basag dahil medyo baliko. May pasa siya sa panga at nakabenda ang kamay.

Sunod na bumaling ang tingin ko sa dalawang maleta niya. “At ikaw? Bukod sa bugbog sarado ka, mukhang naglayas ka pa sa inyo,” I responded with the same level of sarcasm

Judging from his looks, mas nakakaawa siya kesa sa akin pero heto siya at tinatanong ako ng gano'ng klase tanong.

“Ako unang nagtanong.”

Tumiim ang panga ko bago napairap. “Hindi tayo close para sagutin ko ang tanong mo, Mister.”

“Ah, binreak ka.”

RenegadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon