CHAPTER 13: The Co-Founder

59 2 1
                                    

Pumara ako ng taxi. Yeah, sa sobrang pagmamadali ko nalimutan ko yung kotse ko na nasa parking lot.

"Sir, saan po tayo?" Tanong nung driver

"Ahhm. Sa pinaka malapit po na Hospital" sabi ko.

Habang umaandar yung taxi, inilabas ko yung capsule na sinasabi ni Zero.

Bakit kaylangang gawin to ni Bruce? Nakuha niya na nga si Kat diba?! Alam ba to nila Tito at Tita?

Napatigil ako sa pag iisip nung sinabi nung taxi driver na nandito na daw.

Bumaba na ako at dali daling pumasok. Pinatest ko na yung capsule.

"Sir, bukas niyo pa po malalaman. Busy po kasi ngayon si Doc" sabi nung Nurse

"Ahh. Sige" lumabas na ako ng Hospital.

So saan na ako ngayon pupunta??

*bzzzzt*

1 message FROM: +63936646****

Hi Brian. I know you miss me.

O, sino naman to?

Irereply ko pa sana pero na lowbat na. Minsan naiinis ako dito sa cellphone ko. Kung kelan kaylangan tsaka malolowbat. -_-

Nakalabas na ako ng ospital. Hindi na ako pwedeng bumalik sa school.

Pumunta muna ako sa isang coffee shop. Umuulan na din kasi.

Pagpasok ko, amoy na amoy na agad yung kape. Umupo ako sa may bandang likod. Umorder na din ako.

"Hanggang kelan pa ba to ha?"

"Konti na lang to! Tsaka wag mong sabihin sakin na mahal mo na talaga yun?"

Hindi ako chismoso pero nakikinig ako sa usapan nung mga nasa likod ko, relate much kasi.

"Paano kung sabihin kong oo?"

"HINDI PWEDE YUN"

Nagsisigawan na yung sa likod ko. Ayoko mangialam baka sakin pa magalit.

"Hindi pwede? Wag mo kasing patagalin! Habang tumatagal nahuhulog na ako sa kanya!"

"Nahuhulog ka sa kanya, BJ? Sa tingin mo ba pag nahulog ka sa kanya sasaluhin ka niya?"

"Yun na nga yun Russ!! Habang tumatagal nahuhulog na ako sa kanya. Habang tumatagal lumuluwag na yung kapit ko sayo. Habang tumatagal minamahal ko na sya! Pero walang kasiguraduhan na saluhin niya ako! Kasi may mahal syang iba Russ.. kaya please, wag mo ng patagalin ang laro mo"

Seriously? Nagmamakaawa yung BJ?! NAYSWAAAAN! ANO TO TELENOBELA?! XD

"Matatapos din to BJ. Maigaganti ko din si Mommy"

Nayswaaaaan ulit! Revenge!

Umalis na yung dalawa na nasa likuran ko kanina. Kunyare nag sa-soundtrip ako sa cellphone kong lowbat pero naka plug in yung ear phone para kunyare di ko sila narinig!

Nakaka curious yun ha!! BJ at Russ..

Russ?

Russ?

Russ?

Russ?

Russ? Sya ba yun?! Ayy! Hindi! Coinsidence lang yun! Ininom ko na yung kape na inorder ko.

New Character's POV

Gwapo ako. Mabait. Matulungin. Mayaman. Ideal man. Sino ako?

I'm Zero. Zero Kyrone Tyler. Half-local and Half- imported ako. Transferee na ako sa QLEA. My Grandmother specifically on my father side own this school. She is Quardins Levosada. I'm only child, so pinagpaplanuhan sa sakin ito ipamana ni Lola.

WCFILWB 2: When she Fall in or outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon