Kat's POV
Lesson lang ng lesson. And guess what?! Papansin masyado si Thena. Grabe plastic sya masyado! Ayoko na sa kanya!
"Kat, tara na?" Tanong ni Brian.
"Ay, uwian na pala!" Inayos ko na yung bag ko.
Sabay kaming naglakad sa corridor. Pero di ko maintindihan kung anong mga problema ng mga studyante kasi pinag bubulungan nila kami.
"Oh my god! Sila na ulit?"
"Oh no!! Wala na naman akong pag asa kay Brian!"
"Kelan pa bumalik 'yan babae na yan?"
"Bri" kinulbit ko sya.
"O?"
Ang haba ng sagot niya noh?!
"Bat nila tayo pinag uusapan?" Tanong ko.
"Baka hindi tayo yun" hindi sya tumitingin sakin.
"Anong hindi tayo! Narinig ko nga pangalan mo eh!"
"O, edi ako lang pala ang pinag uusapan!" Sabi pa niya.
"Ayy, oo nga noh? Bat di ko naisip yun! Teka! Famous ka pala dito eh!" Sabi ko.
"Hindi ah. Popular lang" ngumiti sya sakin.
*dug..dug..*
What's that?! Charr.
"Bri!!! Narinig mo yun?" Sabi ko
"Ano yun?" Parang naguguluhang tanong niya naman.
"Yung dug dug" sabi ko.
"Para kang timang diyan. Tigilan mo na nga yan!" Natatawa niyang sabi.
Paglabas namin ng school ay todo smile sa amin si Manong Guard.
Nasa waiting shed na kami ngayon.
Tinawagan ko si Bruce.
"Hello babe.... asan sya?.... ganon ba, paki sabi mag co-commute nalang ako.... No, don't worry, I'll be okay.... Yeah, may kasama naman ako dito....Sige, bye" binaba ko na yung tawag.
"O, ano sabi niya?" Tanong ni Bri.
"Hindi niya daw ako masusundo. Yung secretary niya pa nga sumagot eh." Nakabusangot na sabi ko.
"Mas inuna niya pa yun?!" May bahid ng inis sa sinabi ni Brian. Ay taray bahid!
"Hayaan mo na. Busy lang talaga sya" sabi ko.
"Gutom ka ba?" Tanong niya sakin.
"Medyo"
"Tara kain muna tayo" aya niya
"Eh? Seryoso?" Sabi ko.
"Oo, gutom din ako eh"
Sumakay kami sa kotse niya. At pumunta sa Shakey's
"Bri, mabait ka pala noh?" Bigla ko nalang na sabi.
"Bakit, ano akala mo sa akin masama?" Concentrate parin sya sa pag da-drive
"Di naman. Slight lang. Kasi naman parang ang sungit sungit mo sakin nung first day. Parang ayaw mo sa akin." Sabi ko.
"Ahh.. Ikaw kasi si Kat. Yung Kat na kilala namin, at hindi yang Kat na kasama namin ngayon."
"Bakit ano ba ako dati?" Tanong ko.
"Ano ka dati? Well, abnormal ka eh" straight forward na sabi niya
BINABASA MO ANG
WCFILWB 2: When she Fall in or out
أدب المراهقينThis is the book 2 of "When catwoman fall inlove w/ bataman" kindly support this story, ??? please!??