CHAPTER 41: Her last dance

18 1 0
                                    

Lorianne's POV

Ako na lang ang naiwan dito sa sofa nila Steph. Nakaalis na sila Kat at Brian.

Buti nga at ayos na ulit sila.

Sino kaya susundo sa akin dito? Baka may date na sila Vanz. Wag na lang kaya ako pumunta? Wala naman akong gagawin doon eh.

"Lorianne!! Lorianne!! Eto na yata date mo! Labas ka na dyan dali! Ang gwapo gwapo! May bonus pa na isa!!" Sabi nung mama ni Steph.

Nandyan na siguro.

Inayos ko na yung suot ko na black fitted gown na may silver na design. Tapos killer heels yung kapares. Mabubuhay pa kaya ako nito pag uwi? Kasi naman si Fielle eh!

Lumabas na ako at nagulat kung sino yung sumundo. May kaharap akong dalawang anghel.

"Woah. Di mo naman sinabi ganito kaganda date mo" sabi nung kasama ni Zero.

"Manahimik ka Jem." Sabi ni Zero

Lumapit si Zero tapos inalalayan ako sa paglalakad. Ano ako baldado? Chos. Mabait itong si Zero noh! Walang awkward moments sa amin.

"Lorianne eto nga pala si Jem, tropa ko. Jem si Lorianne—" Zero

"First love mo? Korni mo. Hi Lorianne!" Sabi ni Jem

binatukan sya ni Zero.

"Tarantado" Zero

Pumasok na ako sa kotse na dala ni Zero. May sariling sasakyan si Jem eh.

"Naks, gwapo mo ah! Akala ko si Fielle ang date mo?" Tanong ko.

"Salamat. Ikaw ang ganda mo parin. Si Vanz date nun. " zero

Habang papunta kami kila Kat ay sa labas lang ako naka tingin. Di ko maiwasan isipin na, paano kaya pag si Ferguse yung kasama ko ngayon? Paano kaya pag sya yung nagsasabi na ang ganda ko? Hay, kaylangan ko na syang ibalik sa totoong nag mamay ari sa kanya.

"Pupunta sya. Excited pa nga eh" sabi ni Zero.

"Ahh. Salamat pala, Zero ha" sabi ko

Ngumiti sya tapos saglit na tumingin sa akin then balik ulit sa daan yung tingin

"Okay lang yun. Alam mo naman na nasa tabi mo lang ako diba?" Zero

"Salamat talaga." Sabi ko

Maya maya ay dumating na kami. Nananadya yata ang panahon dahil sabay ang pagdating namin nila Ferguse at Thena. Ang bongga ng suot ni Thena. Bagay sa kanya yung pula niyang gown.

"Oops. Pathetic is here too" parinig ni Thena.

Nakatingin lang sya sa akin. Nakatingin lang yung lalaki na gusto kong kasama ngayon. Ang sakit isipin na kaylangan ko na syang ibalik.

Napakapit ako kay Zero ng mahigpit nung hinalikan sya ni Thena.

"Tara na, wag mo na i-torture sarili mo" sabi ni Zero.

Nauna kaming pumasok sa kanilang dalawa. Pagpasok namin nakita namin na nakangiti si Brian habang kausap parents ni Kat. Buti naman okay na sila. Lumapit kami sa table kung nasaan yung BD at umupo dun

"Grabe mahal na mahal mo talaga ako Zero! Ikaw lang okay na eh! Pero ngayon nagdala ka pa ng isa pa!" Iro

"Naks, bagay sila!" Sabi nila.

Namula naman ako.

"Irene oh! Date mo! Balato ko sayo" sabi ni zero kay Irene

Nanlaki mata ni Irene

WCFILWB 2: When she Fall in or outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon