Brian's POV
Almost 30 minutes na syang nasa CR. Bat ang tagal naman nya? Teka! Baka nasiraan sya ng tyan!
"Oy, tikman niyo nga kung maayos" binigyan ko si Ram at Raf.
"O, masarap naman ah! Hindi nagustuhan ni Kat?" Ram
"Ayaw niya? Sa amin na lang!" Raf
Matakaw talaga yang si Rafael! Pag ayan tumaba pag balik ni Steph! Naku!! Mahaba habang sermon makukuha niya
"BRI! BRI!!"
May humahangos na lalaki na ang lumapit sa amin. Di ko naman to kilala eh. Iba talaga pag famous noh?
"o, bakit?" Ako.
"Yung girlfriend mo! Si Kat!! Nasa CR—"
Hindi ko na sya pinatapos at kumaripas na ako ng takbo papunta sa CR ng mga babae. Pagdating ko doon ay nakita ko si Kat na pinapaypayan ng mga babae sa loob ng CR. Agad akong lumapit tapos binuhat ko sya. Bridal style syempre! Para sweet.
"What happened to her?" Tanong ko sa mga kababaihan sa loob.
"I think, nadulas sya sa sahig tapos nawalan ng malay" sagot nung isang girl.
Nag thank you ako sa kanila tapos agad agad ko syang dinala sa sasakyan tapos pinaandar papuntang ospital. Medyo malayo ng konti yung ospital.
"Shit! Traffic!" Napahampas ako sa manibela.
No choice na ako kaya tinakbo ko yung ospital habang buhat buhat si Kat. Pinag titinginan nga kami ng mga tao eh.
Pagdating ko sa ospital ay may sumalubong agad na nurse tapos nilagay sa ER.
Nakatanaw lang ako habang hingal na hingal. Napaupo ako ng maramdaman kong nahihirapan ako huminga.
"No please. Not now" nasabi ko sa sarili ko habang hirap parin huminga.
"Sir tubig po!" Inabutan ako nung nurse at ininom ko kaagad yun.
Pinapakalma ko yung sarili ko at paulit ulit na sinasabi sa isip ko na
'Please, wag ngayon. She needs me'
"Sir, okay na po kayo?" Tanong nung nurse.
"Thank you" sabi ko.
Umalis na yung nurse. Ako naman ay nagdadasal na sana walang masamang mangyari kay Kat. She's too precious for me.
"Hey! Anong lagay nya?" Bungad agad ni Jo.
Nag datingan naman yung iba pang barkada. Even Ferguse and Thena.
"Di ko pa alam" sabi ko.
"Bri, okay ka lang? Parang namumutla ka yata?" Sabi ni Fielle.
Oh shit. Wag ngayon.
"Ano ba Fielle, baka sa sobrang kaba na naramdaman ni Brian kaya sya namumutla" sabi ni Iro.
Umupo silang lahat. Hinihintay namin yung doktor. Nung lumabas na yung doktor ay lumapit kaagad ako.
"Doc, how is she?" Kabado kong tanong.
"She's fine now. Pwede na syang ilipat ng kwarto. I think nadulas sya then tumama yung ulo nya sa matigas na bagay kaya nawalan sya ng malay. Don't worry, she's safe." Doktor
"Doc , sa private room niyo po sya ilagay" sabi ni Zero.
Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
BINABASA MO ANG
WCFILWB 2: When she Fall in or out
Fiksi RemajaThis is the book 2 of "When catwoman fall inlove w/ bataman" kindly support this story, ??? please!??