Kat's POV
Naging maayos naman si Lor kahapon. I hope na nabawasan yung pagkakaroon niya ng broken hearted stage 4.
"Kelan ba kasi start niyang election na yan?" Ako
"This week. All candidated have 3 days to campaign" sagot ni Zero habang abala sa pag aayos ng registration.
Silang dalawa kasi ni Fielle nag o-organize.
"Bakit ba election magaganap? Diba dapat contest?" Tanong ni Brian.
"Sabi kasi ni Lola kaylangan ang mapipiling new Campus Queen ay gusto ng nakararami." Zero.
Napatango na lang kami. Nandito kami sa may table kung saan nag reregister mga sasali. Haba nga ng pila eh.
"Sa Campus Queen ako mag reregister" sabi ni Thena.
Kaasar talaga tong babae na to. Banas na banas ako.
"Pa-fill up na lang nito" walang ganang sagot ni Fielle.
Kinuha ni Thena yung form at nag fill up na.
"Campus King?" Tanong ni Zero kay Ferguse.
"Yeah" maangas na sagot niya.
I admit. Nag iba na talaga si Fergs. From head to toe iba na sya. Mukha na syang bad boy at dahil dun mas naging gwapo sya
"Sasali pa ba si Lor?" Tanong ni Brian sa akin.
Inabutan ko sya ng tubig at panyo ko. Pawis na pawis na eh. Tinanggap naman niya yun.
"I don't know. Pero sana oo" sabi ko
Kaya lang naman kami nandito eh, hinihintay namin mag register si Nettezie Lorianne Xien Ramirez. Pero kanina pa kaming tanghali dito at ngayong ay alas kwatro na, wala pa rin sya. Tatlong babae na lang ang nakapila.
Hindi pala makakasali si Geric at Joyce. Dati na kasi silang Campus King and Queen.
"Ces, saan ka sasali?" Fielle
"Campus Love na lang. Hehe" Ces.
Binigay ni Zero yung form. Last na si Ces sa pila kaya pagkatapos niya ay dahan dahan na kaming nagligpit. Konti na lang din tao dito sa campus. Half day lang kasi
"Mukhang hindi yata sasali eh" Fielle.
"Kasi naman yang pinsan mo eh. Napaka bait" Zero.
Inaayos na nila Bri yung upuan kami naman ni Fielle yung mga papel na naka kalat ang nililinis namin.
"OMG. Sorry guys. Late ako. Traffic kasi. Zero, akin na yung form"
Napatingin kaming apat sa kanya. Magulo buhok. Mugto mata at mamula mula ilong
"Sasali ka?" Zero
"Oo naman! Sayang ganda ko pag hindi na-expose. Akin na yung form" nilahad niya yung kamay niya
"Anong form? Saan ka sasali?" Fielle
"Hmm. Saan ba maganda?-Sa Campus Queen na lang!!!" Sya
Nanlaki mata namin. Seryoso sya? Hindi pwede sumali pag wala kang partner.
"Insan kasi-ano eh. May partner ka ba? Bawal kasi sumali pag wala" Fielle
Nalungkot expression niya pero ngumiti din ulit.
"Ganon pala? Hehe. Sorry di ko alam eh. Wag na lang pala. Tutulungan ko na lang kayo mag ligpit" sya
Tutulong na sana sya pero inabot ni Zero yung form sa kanya kaya natigilan sya.
BINABASA MO ANG
WCFILWB 2: When she Fall in or out
Teen FictionThis is the book 2 of "When catwoman fall inlove w/ bataman" kindly support this story, ??? please!??