CHAPTER 16: That moment

41 3 1
                                    

Kat's POV

Naglalakad na ako sa corridor. Medyo konti palang yung tao. Paano kasi 7:30 pa yung klase ko tapos, 6:00 palang kaya! Nakaka leche kasi yung picture. Ilang beses ko na ngang hinampas yung lampshade sa ulo ko eh. Nag head bang pa ako. Chos lang.

"Haay.. ang lamig" ang tanga ko pa! Nalimutan ko magdala ng jacket.

Dumiretso ako sa may open field. Inilapag ko yung bag ko tapos kinuha yung earphones ko sa bag

Nahiga muna ako. Maaga pa naman eh.

Feel na feel ko ang pagsabay sa kanta ni Taylor Swift na Blank Space. Ganda kaya!

"So it's gonna be forever~ Ulul walang forever!" Ganyan ako lagi sa part na yan. Ewan ko ba bakit nagiging amapalaya ako diyan!

"Hey, ang aga mo ah!"

Nagpalinga linga ako. Hala ka Kat! May multo ka na kasama.

"Stupid! Tumingala ka" aba't sabihan ba ako na stupid!!

Tumingala naman ako.

"O, ikaw na naman? Mag co-confess ka ulit? Naks naman! Haba ng hair ko ah!" Umayos ako ng upo. Si Brian naman tumabi sakin.

"Oy! Oy! Oy! Teka lang! Dapat may barrier!" Inilagay ko pa yung bag ko sa pagitan namin.

"Di ka ba naniniwala sa akin?" Sabi niya.

Nakatingin lang ako sa malawak na field. May ilan-ilan na din naglalakad

"Bakit? Kaylangan ba? Tsaka ano ba big deal dun?" Sabi ko.

"Wala naman. Tinatanong ko lang"

Tiningnan ko sya. Nakangiti sya. Pero malungkot yung ngiti niya

"Ahm. Bri, alam ko na love mo ako. Pero kasi... hindi ko talaga matandaan. As in. Kahit ano wala akong matandaan sa sinasabi mo" sabi ko

"I know. Pero kung sakali ba na mag banggit ako sayo ng moments natin, okay lang?" Sabi niya.

Nakatingin na din sya sa field. Tch. Gaya-gaya. Wala yata tong originality eh

"Yeah, ofcourse. Pero pwede ba na wag mo sabihing 'natin'? Ipagpalagay mo na lang na ikinukwento mo sa akin yung moments niyo ni Kat. Yung Kat na girlfriend mo, at hindi yung Kat na hindi makaalala sayo. Nakakailang kasi eh. Alam mo naman na may boyfriend ako diba. Pero teka ano username mo sa Clash of clans? Baka pang jejemon yan ha!" Sabi ko

"Username ko, KATIAN S4pH4t N4. Ikaw?" Tanong niya naman

"Ang baho ng username mo. Akin Mhixz Qtqt. Ang cute noh?! Add kita sa clan namin?" Sabi ko.

"Sige sige."

Inilagay ko sa notes ng cellphone ko yung username niya.

"Mag start ka na mag kwento" sabi ko.

"Ah. Sige. Si Cherryle Mhae Kat Rivera. Sya yung first love ko. Bata palang kami pinagtagpo na kami ni Destiny pero ewan ko kung may destiny. Tanda ko nun nung nawala sya sa SM. Pa-tanga tanga kasi. May picture pa nga kami together eh. Pero nung lumaki na kami medyo nawala na sa isipan ko yun. Naging black sheep ako ng pamilya-"

"Eh? Naging sheep ka? Ang lupit mo naman!! Paano mag transform?"

Binatukan niya ako. Badtrip to ah!

"As I was saying, naging black sheep ako. Parang nawalan ng direksyon yung buhay ko. Yung tatay ko din kasi mukhang pera. I met Russien. Nung mga time na yun gustong gusto ko talaga sya. Pero sya pa-chixx effect pa. Choosy! Ni-reject niya ako. Dahil sa paulit ulit na pag reject nuya naging womanizer ako."

"Ay, teka! Bat ang gulo?! Sabi mo Black sheep ka tapos ngayon naman naging BABAE ka?! Kaloka to ha!" Inayos ko pa yung bangs ko.

"Boplaks to. Wag ka na magtanong! Makinig ka na lang!" Binatukan niya ulit ako.

"Sem-break nun. Kaka-break lang nung flavor of the week number 6 ko. Kaya medyo badtrip. Tumawag si Russien. Ako naman, syempre tuwang tuwa. May sinabi sya sakin na kaylangan daw may ligawan ako tapos pag sinagot ako at totally na fall yun i-break ko. Ang tatay ko at tatay kasi ni Russien ay close. Pero may kinaiinggitan sila. Yun yung tatay ni Kat. At yung girl na sinasabi ni Russien na ligawan ko ay si Kat din"

"Ay, gaga pala yang si Russien! Mahadera sya!"

Pinitik niya yung noo ko. Ay, shet! Nagulo bangs ko.

"Sinunod ko si Russien kasi gusto ko nga sya. Pinapunta ako ni Dad sa Tarlac nun para makita kung sino yung Kat na yun. On the very first place wala akong gana. Pero nung bumukas yung pintuan ng bahay na sinabi ni Dad, para akong na excite. May naramdaman akong pag ka-miss kahit di ko alam kung bakit"

"Ay ganun? Alam mo na ba nung panahon na yun na si Kat at yung batang babae ay iisa?" Nakaka curious to ha!

"Hindi. Nalunod ako nun kay Russien. Nakipag close ako kay Kat pati sa buong Blue Dimenxiorie. Nainggit ako sa grupo nila kasi near from perfect. Akala ko sabi sabi lang na all members ng BD ay gwapo't magaganda. Totoo pala. Naalala ko yung first call sign namin ni Kat ay PARDZ. Nung medyo nakuha ko na yung loob niya sinabi ko kaagad kay Russien"

"Ay, sira ulo ka pala. Napaka ulaga mo! Maganda ba yung Russien? Patingin nga nung picture" sabi ko.

Nilabas niya yung cellphone niya. Maya maya ay ipinakita niya yung picture.

"Hmm. Maganda sya. Pero mas maganda ako" sabi ko.

"Alam mo ba na si Kat gustong gusto niya ng snoopy?!" Dagdag pa niya.

Binalik ko na yung cellphone. Ganda pa naman ng features. Maganda pang selfie! Malinaw front camera

"May candy cam ka diyan? Or retrica?" Tanong ko.

"Wala eh. Perfect 365 at Camera 360" sabi niya.

"Ay, bulok na yun! Candy cam i-install mo! Maganda yun!" Sabi ko.

"Ay, sige sige" sabi niya.

"Favorite ko dati snoopy? Eh ang hilig ko ngayon Hello Kitty eh. Yung si Kitty na hindi naman pala pusa, tao pala! Kaloka yun ha!"

"Tanda ko pa nun sa kwarto niya, ang dami niyang snoopy stuffs. Nagnakaw pa nga ako ng picture niya eh. At dahil dun sa gabing yun nalaman ko na sya at si CATWOMAN ko pala ay iisa lang"

Parang proud na proud sya. Ganyan niya ba ako ka-mahal dati? Eh bakit nakalimutan ko sya?

"Magnanakaw ka pala eh. Ano pangalan ng group niyo? Malaki ba ang nakukuha niyong pera? Pa-recruit naman ako oh!"

Binatukan niya ako tapos pinitik niya noo ko. Aba! Battered girlfriend na ako ah!

( Ay, shet! Girlfriend ka niya? Girlfriend ka niya?! Assuming to!) Epal tong konsensya ko.

"I'm not, okay? Nagustuhan ko lang yung picture. Wala talaga akong balak kunin yun pero nung biglang dumating yung Ate niya, nataranta ako kaya nailagay ko na sa bulsa." Sabi niya.

"Epal pala si Ate Telle nun?! Sus, kahit ngayon naman eh! Porket may boyplen syang 'kano', hindi na niya ipinahihiram iPad niya. Ang ganda mag COC dun noh?!" Sabi ko

"Stupid idiot. Come on. Malapit na mag 7:30 baka ma-late pa tayo" inilahad niya yung kamay niya.

"Ayan sige! Paki dala nung bag ko ah" sabi ko at isinukbit sa kamay niya yung bag ko.

Nag inat inat ako. Pero nahagip ng mata ko si Fielle binubully. But, OMG! may gwapong nagtanggol sa kanya. Omg talaga.

Pupuntahan ko sana sila pero hinatak na ako ni Brian. Aba'y bastusin to ah!!

WCFILWB 2: When she Fall in or outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon