CHAPTER 17: new classmate

60 3 3
                                    

Brian's POV

Pumasok na kami sa room. Binigay ko na din yung bag ni Kat. Magkahiwalay kasi kami ng upuan.

"Thanks ha" sabi niya

Nginitian ko lang sya.

"Good morning class" pumasok na yung teacher namin sa MAPEH.

"Good morning Sir" sabi namin.

Nilibot niya yung paningin niya sa room.

"May kulang pa ba?" Tanong ni Sir

"Sir, si Lopez po" sabi ni Jo.

Oo nga naman, wala pa si Fergs.

Magsasalita sana si Sir, ng may biglang kumatok.

"Excuse me lang class" pumunta si Sir sa may pintuan at nag Harlem Shake. Joke lang. May kinausap sya

Dalawang estudyante yun-isang babae at isang lalaki.

Tumango-tango si Sir.

"Class, may magiging bago pala kayong classmate. And nandito na rin si Mr. Lopez, kasama niya yung transferee" sabi niya

Tumingin ako sa BD. Parang nagtataka din sila. Tapos kay Kat, nakatungo lang sya. Napangiti ako. Naalala ko kanina na magkasama pala kami.

"Hi, My name is Thena Darzuelo. Nice meeting you" sabi nung babae. Familliar sya.

Narinig kong napa-OMG si Irene. Si Kat din ay biglang napatingin sa babae.

"Thanks kay Ferguse, kasi sya naghatid sakin. Actually kakarating ko lang nung Saturday from Paris" nakangiti niyang sabi.

"Diba ikaw yung sikat na model sa Paris?" Sabat nung classmate ko.

"Yeah, akala ko walang nakakakilala sakin dito. Meron parin pala" sabi niya.

Okay, mahangin sya. -_-

"You may pick your seat Ms. Darzuelo" sabi ni Sir.

Lumibot yung paningin niya. Tumabi sya kay Ferguse. At si Ferguse halatang masaya.

"Oh, mukhang may kapalit na" parining ni Iro.

Nag start na mag lesson si Sir.

Hindi naman masyadong marami ang lesson kaya may 15 minutes pa kaming natitira. Kaya nakipag kwentuhan nalang si Sir.

Dahil epal si Thena may itinanong sya kay Sir

"Sir, where is your Campus Princess?" luminga linga pa sya

"ay. Oo nga noh? Nasan kaya si Lorianne?"

"Baka nag transfer!"

"hala naman! Paano nalang si Ferguse!!"

Nagsunod sunod na din yung mga classmate ko.

"Silence!" sabi ni Sir.

Nagsitahimik naman sila.

"Wala din akong balita kung nasan si Ms. Ramirez. But, Mr. Pador may balita ka ba sa kanya?" Tanong ni Sir kay Vanz

"Sorry Sir, pero wala din po eh. Wala po nakakaalam kung nasan sya." Sabi niya

ako! Alam ko!! Pero! Di ko sasabihin! Baka masuntok ako ni Lorianne pag sinabi ko eh.

"Mr. Lopez, do you know where is she? She's your girlfriend, right?" Tanong niya kay Ferguse

Hindi ito sumagot.

"Okay, ayaw niyang pag usapan. Mukhang hindi niya din alam" sabi ni Sir

Maya maya ay nag ring na yung bell.

Tumayo at nagpaalam na kami kay Sir

Pumunta ako kay Kat. Nakatingin lang sya dun sa babae na kasama ni Ferguse.

Nag senyas din ako sa BD na ako na bahala kay Kat. Tumango naman sila

"Hey, okay ka lang?" Tanong ko

Namamawis sya. Tapos parang unwell yung mukha niya.

"Hey, magsalita ka naman" sabi ko

"Brian..." tumingin sya sakin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Why?"

"Na.....na je-jebs ako" sabi nya.

"Ano?! Kadiri ka!!!" Sabi ko.

"Hehe. Joke lang. Tara na sa canteen" lumabas na kami ng room.

Pagdating namin sa canteen ay may free pa na table for four

"Ay, dun tayo!!" Hinatak niya ako.

Napangiti na naman ako. Sana ganto nalang lagi.

"Ah sige. Ano gusto kainin?" Tanong ko.

"chocolate cake nalang tapos isang coke. Libre mo naman diba?" Tinaas-taas niya pa yung kilay niya

"Ano pa nga ba?!" Dumiretso na ako sa loob.

Kat's POV

Yayks! Ililibre ako ni Brian!! Ang bait niya naman pala eh! Binabawi ko na yung pagtawag ko sa kanya ng Leche. Hihi.

Naghihintay ako dito sa table namin, ng mapansin ko si Fielle na may kasamang gwapong lalaki. Naghahanap sila ng bakanteng pwesto pero wala na.

"FIELLE!!! YUHOO!!!!" Tinawag ko sya.

Agad naman syang lumapit

"Uy, pwede kami maki share?" Tanong niya.

"Sure!!" Sabi ko.

Umupo na silang dalawa.

"By the way. Kat this is Zero. And Zero this is Kat" pagpapakilala ni Fielle.

"Hi! Taga IV-A ako. Ikaw anong section ka?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam" nakangiti niyang sabi.

Ang gwapo talaga niya.

"Kat, eto na" nilapag ni Brian yung pagkain ko.

"Hi! I'm Fielle and this is Zero" sabi ni Fielle.

"I'm Brian" sabi niya

Kumakain lang kami ni Fielle pero si Zero at Brian nag ku-kwentuhan

"Uy, close kayo?" Tanong ko.

Nagtinginan naman sila.

"Nakilala ko kasi si Brian nung isang araw na nag e-emote" sabi ni Zero.

Tumango tango lang si Brian.

"Fielle boyfriend mo ba si Zero?" Tanong ko.

Naubo si Fielle.

"Hindi ah." Namumula sya.

"Asus. Asus. Namumula ka! Ang harot nito! Kayo ba?" Tanong ko ulit

"Hindi nga" ininom na lang niya yung juice niya.

Denial ang nerd na ituuu!! Kaloka! Swerte naman sya kay Zero! Ang gwapo eh!


WCFILWB 2: When she Fall in or outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon