Lorianne's POV
Naka lagay sa mukha ko yung palad ko at patuloy na umiiyak.
Masakit. Sobrang sakit kasi sobra kong mahal yung taong pinakawalan ko.
"Tumahan ka na" zero
Kino-comfort nila ako.
"Kung kaya ko sana, Zero edi tumahan na ako. Grabe ang sakit sakit." Sabi ko.
Naalala ko yung araw na umiyak din ako dahil kay Ferguse. Yung time na yun si Brian nag comfort sa akin at sinabi niya na kunyari sya daw si Ferguse at sabihin ko sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Minura ko ng minura si Ferguse.
"B-Bri....Hindi ko nasabi sa kanya yung mga gusto kong sabihin. Hindi ko sya minura" sabi ko.
Lahat sila na sa akin yung atensyon. Nalulungkot din sila at ayoko ng ganon.
"Zero, pwedeng paki hatid na ako sa bahay?" Tanong ko.
"Ah sige." Zero.
"Oy, bruha ka. Eto panyo, punasan mo nga yang mukha mo na ang pangit na!" Iro
Nginitian ko sya ng isang malungkot na ngiti.
"Sis, magiging okay din ang lahat. Bukas pupunta kita sa bahay niyo ha?" Sabi ni Kat.
Niyakap ko sya bago kami umalis ni Zero.
Nung makarating na kami sa sasakyan ay doon ulit ako umiyak.
"Ayokong nakikitang ganyan ka. Hindi ako sanay" zero
"S-Sorry. Hindi ko kasi kayang pigilan. Pinakawalan ko na sya, Zero. Binalik ko na yung pinsan mo sa may ari niya. Hindi ko pinaglaban yung pagmamahal ko." Tuloy tuloy ko na sabi.
"Magiging okay din ang lahat. Tandaan mo yan." Zero.
Hindi na ako nag salita at umiyak na lang.
Namatay na yung puso ko, wala na yung buhay niya. Wala na yung Ferguse niya.
Bat nga ba ako iyak ng iyak? Kasalanan ko naman eh. Pinakawalan ko sya. Kung kasama ko sana sya edi sana happy happy, pero ano ba ang mapapala nya sa akin? Wala diba? Mas mabuti na yung sundin niya yung lolo niya.
Pagdating sa bahay ay sinalubong ako ni Mama.
"Ay, Zero salamat ha." Mama
"Okay lang po yun Tita. Paki alagaan na lang po sya." Zero
"Salamat Zero" sabi ko
Nginitian niya ako tsaka pumasok sa sasakyan niya at umalis.
"Mag pahinga ka na. Pagod na pagod ka na" sabi ni Mama.
Tumango ako at pumasok sa kwarto ko. Narinig ko pa yung boses ng kapatid ko
"Ma, ang panget ni Ate. Mukha syang Zombie!" Andria
"Sshh. Broken hearted ate mo! Baka masipa ka nun mamaya! Matulog ka na!" Mama.
Humiga ako sa kama ko at hindi na nag abala mag palit ng suot at mag hilamos. Hindi ko kaya tumayo. Baka bigla na lang akong bumagsak, wala na yung sasalo sa akin. Wala na.
Kat's POV
*ring ring*
Kinuha ko yung cellphone ko at di na nag abala tingnan kung sino yubg tumawag. Inaantok pa ako.
"Hello"
--Rise and shine! Gumising ka na forevermore ko!!--
Nabuhay yung tulog kong diwa.
BINABASA MO ANG
WCFILWB 2: When she Fall in or out
Novela JuvenilThis is the book 2 of "When catwoman fall inlove w/ bataman" kindly support this story, ??? please!??