CHAPTER 38: bondings

13 1 0
                                    

Kat's POV

"Eh? Talaga?"

"Oo nga!!! Tapos lagi niyang sinasabi 'gumagawa na naman kayo ng baby 'no?' Ganun palagi!"

"WAAAH! GUSTO KO SYA  MAKITA!"

Nakalabas na ako ng ospital kanina. Kasama ko sila Steph, Joyce, Irene, Fielle at si Sis. Girls bonding. Si Zab at Ianne kasi may gagawin daw. Kaya kami kami lang. Pinag uusapan namin sila Noel, Noelito at France.

"Napaka matured na ng pag iisip nila. Lalo na si Noel" sabay inom ko ng juice.

Nandito kami sa bahay nila Steph.

"Teka nga lang! Naguguluhan ako! Magkaiba ba yung Noel at Noelito?" Takang tanong ni Fielle.

Binato sya ni Sis ng cornick.

"Gaga, magkaiba! Di mo ba na gets yung kwento nila ha?" Sis

"Hindi eh" fielle

Walang signal na naganap pero sabay sabay naming binato yung unan kay Fielle.

"Pinsan ka ba talaga niya?" Steph.

"Nakuha mo nga ang ganda, asan naman yung utak?" Irene

"Bakit ang slow mo!!" Joyce

"Ano ba laman ng utak mo ha!" Ako.

"Pasensya na! Mahina kasi ako sa ganyan! Parehas kasi ng name eh!" Fielle.

"Nakakaloka ka Fielle!" Steph.

Tuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa ang topic namin ay about sa mga naging young love namin.

Ahihi. Kilala niyo ba young love ko?

Nagsimula na mag kwento si Steph.

"Meron kami dating kapitbahay. Mas malaki yung bahay nila kesa sa amin kaya pag nasa terrace ko lagi kong tinitingnan kung may tao. Lagi kasing maid at driver lang yung nandun. Tapos nung isang gabi lumabas ako ng terrace namin, umiiyak ako nun kasi wala akong pasalubong nung umuwi si Daddy. Iyak lang ako ng iyak tapos may bumato ng bola ng soccer sa ulo ko na malakas. Parang nakalog nga yung utak ko eh. Hinanap ko kung sino yung bumato pero wala hindi ko nahanap. Maya maya may bumato ulit pero this time bola na ng baseball, na head shot nga ako nun eh. Tapos may tumatawa. Pag tingin ko dun sa kapitbahay namin may isang bata." Steph.

"O, tapos?" Kami yan. Excited eh.

"Tinanong ko sya kung bat niya ako binato, ang sagot niya para daw tumahimik ako. Nagbangayan lang kami ng bangayan. Gabi gabi nag uusap kami sa kanya kanya naming terrace. Pero isang gabi, nagtaka na lang ako kung bat sya pumunta sa bahay. Hiyang hiya nga ako eh. Tapos binigyan niya ako ng kwintas. Syempre kinikilig ako" kinikilig na sabi ni Steph

"Agang lumandi ah!" Ako

"Medyo? Haha. Pero nung binigay niya yung kwintas may sinabi sya. Aalis na daw sila. Lilipat na daw sila sa ibang lugar, lagi ko daw tatandaan na hindi daw sya mawawala hanggat na sa akin yung kwintas. Kinabukasan wala na sila. Umiyak nga ako nun eh" steph.

"Ang korni ng ending" Sis

"Wala manlang naganap na selos?" Ako

"Hoy! Seven years old palang kaya ako nun!" Sabi ni Steph.

Binato sya ni Irene ng unan.

"Whatever. Ako naman mag ku-kwento. Grade 3 ako nun nung nakilala ko yung lalaki na na-love at first sight ako. Ang aga kong lumandi. Gwapo sya tapos astig. Grade 3 palang kami pero meron na syang fansclub. Hindi ko alam ang totoong pangalan niya kasi tawag lang sa kanya nung mga kaibigan niya ay 'Yo'. Grade 3 pa lang ako pero kikay na ako. Nagpapa pansin ako sa kanya kasama yung kaibigan ko na kikay din. Pero nagulat na lang ako nung lumapit sya, as in malapit na malapit. Tapos sinabihan niya ako ng 'ayoko sa malandi. Kaya wag ka magpapansin'. Nung sinabi niya yun ay nasuntok ko sya sa mukha. Tapos nag transfer ako ng school. Simula nun, man hater na ako" irene

WCFILWB 2: When she Fall in or outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon