Brian's POV
Kumakain parin kami ng street foods ngayon. Trip na trip ni Kat yung isaw pati Betamax or Dugo.
"Ang chalap chalap!!!!" Sinawsaw niya sa sukang maraming sili yung hawak hawak niyang isaw.
"Hoooo!! Ang saraaaap!!!" Sya ulit yun.
Actually, maingay talaga sya. Natatawa na nga lang ako pag tinititigan ko sya eh. Medyo marami na din yung tao dito kasi pa-gabi na. Pinag titinginan nga sya eh.
"Say 'ah' Bri. Dali!!!" Sabi niya.
Ngumanga naman ako. Sinubo niya yung isaw sa akin.
"Ay shiiiiit!!! Ang anghang!!!! Baka masunog na dila ko!!!" Nilagok ko yung softdrinks na binili ko.
"HAHAHA!!! Sorry na!! Favorite ko kasi yung maanghang!!" Binigay niya yung tubig na iniinom niya.
Ininom ko agad yun.
"OH MY GOOOD!!! WAAAAAAH" bigla syang sumigaw.
"Oy! Ano problema mo?" Tanong ko habang pinupunasan yung pawis ko. Shet lang talaga! Ang anghang!!!
"Bri!!!! Indirect kiss yun!!!!" Sabi niya tapos bigla syang namula.
"O? Ano naman?" Nag smirk ako
"Kasi naman eh!!!" Nagdadabog sya habang kumakain ng isaw
"HAHA!! Alam mo ba dati na ilang beses kitang hinahalikan? At sa lips pa" pang aasar ko sa kanya
Namula sya.
"Tumigil ka nga!" Sabi niya ng hindi nakatingin sakin.
"Tapos enjoy na enjoy ka" tuloy ko.
"WAAAAH! KADIRI KA!!!" Tinakpan niya yung mukha niya.
"HAHA!! Eto hindi na!"
Binaba niya yung kamay niya.
"Bri, ano yung quality time natin dati?" Tanong niya bigla.
"Kahit ano eh. Pag magkasama kasi tayo lahat ng bagay na ginagawa natin nagiging masaya" sabi ko.
"Ang korni mo!" Sabi niya.
"Totoo yun!" Sabi ko naman.
Nag kwentuhan lang kami. Hanggang sa napag pasyahan namin na umuwi.
"Bri! Punta muna tayo dun sa amusement park!!!" Bigla niyang sabi nung nag da-drive ako
"Bakit naman?"
"Parang ang ganda kasi sumakay ng rides ngayon eh!! Please? Please?"
"Sige na"
Pinark ko yung kotse sa may amusement park.
"WOW! ANG GANDA TALAGA PAG GABI!!!" Pumapalakpak na sabi niya.
"Oo nga noh!"
Medyo madami na yung tao kasi gabi na. Sa bagay, mas enjoy talaga pag gabi ka sumakay sa mga rides.
"B-bri" gulat na sabi niya.
"Para hindi ka mawala" nginitian ko sya. Tumango na lang sya.
Naglakad kami papuntang Caterpillar ng amusement park na magka entertwined yung kamay. Yeah, galing ng the moves ko no!!!
After ng ilang minuto ay na tapos na. Mahilo-hilo nga kaming bumaba eh. Pero MAGKA ENTERTWINED parin yung kamay namin.
BINABASA MO ANG
WCFILWB 2: When she Fall in or out
Novela JuvenilThis is the book 2 of "When catwoman fall inlove w/ bataman" kindly support this story, ??? please!??