Kat's POV
Nakayakap sa akin si Brian habang naka pikit. Malalim din yung bawat pag hinga niya. Grabe naman yata? Masyado syang napagod kakalakad?
"Pinaaalala ko lang po na may broken hearted tayong kasama!" sabi ni Fielle.
Bumitaw si Brian tapos hinalikan ako sa buhok.
"Tama ba yung ginawa ko?" biglang tanong ni Lor.
Nakatingin lang sya sa malayo. Hay, ang lungkot nya
"Alam mo pinsan hindi kita gets! Bakit ba kasi kayo nag hiwalay? Mahal na mahal niyo naman ang bawat isa ah!" Fielle.
"oo nga naman!" ako.
Napa hinga ng malalim si Lor. Uminom muna sya ng juice bago magsalita.
"First girlfriend ni Ferguse si Thena. Hindi ko masyadong alam yung dahilan kung bat sila nag break. Pero nung mga time na nag break sila, ako yung nag comfort kay Ferguse. Syempre kaibigan niya ako eh. Ako yung laging pinagsasabihan ng problema ni Ferguse. Habang tumatagal ay nagka developan kami, later on sinagot ko sya. After a month may nagpadala ng package sa akin. Akala ko si Ferguse, si Thena pala. May laman na sulat at picture nilang dalawa yung package." Lor.
"ano laman nung sulat?" Bri
"Ang sabi dun sa sulat ay sya parin daw ang may ari kay Ferguse at pinahiram niya lang daw sa akin yun. Pero pag bumalik na daw sya, be sure daw na ibabalik ko si Ferguse sa kanya" malungkot sa sabi ni Lor.
"ganon lang? Kaya kayo nag hiwalay? Ang babaw ah!" iritang sabi ni Fielle.
I know na may reason pa kaya sila naghiwalay. I think she sacrifice again.
"Ang lolo niya. Ayaw sa akin ng lolo niya dahil hindi ako model. Wala akong maipagmamalaki hindi katulad ni Thena. Ideal ng lolo ni Ferguse si Thena kaya ganon nalang niya kami i-compare. Sobra akong nasaktan nung sinabi sa akin yun nung lolo niya. Pinapili niya din ako. Papayagan niya daw kami ni Ferguse magsama pero mawawalan ng mana si Ferguse or hihiwalayan ko si Ferguse at ibabalik kay Thena at hindi na sila guguluhin." lumulungkot yung mata niya.
"You sacrifice again, right?" sabi ko.
Hindi sya sumagot. Pero sabi nga nila, 'Silence means Yes'
"So, tama nga ako. Ba't ba ang hilig mo mag sacrifice, ha? Hindi mo ba naisip yung sarili mo?" asar na tanong ko.
Ewan ko ba dito sa babae na to. Hobby na yata mag sacrifice -_-
"Nag sacrifice ako kasi ikabubuti niya naman yun eh! Ano ba ang mapapala niya sa akin kung magsasama kami? Baka hindi pa sya makatapos ng pag aaral noh!! Gusto ko sya magkaroon ng magandang buhay kahit nasasaktan ako! Kayang kaya ko mag tiis!" umiiyak na sya.
Sinampal sya ni Fielle. Nagulat kami.
"Akala ko ba naman pinsan matalino ka? Alam mo ba yung word na selfish ha? Naranasan mo na ba maging selfish when it comes to love?" Fielle
Yumuko si Lor.
Alam ko. Alam ko na never pa syang naging selfish. Mas gusto niya na sya yung nasasaktan. Bat kaya ganyan ugali niya noh?
"You know what Lorianne? Thena is nothing compare to you. You want to be a model? Come on!" Fielle
Umiling si Lor.
"Wala sa bokabularyo ang mag model. Mahirap maging model. Laging pili lang yung kinakain mo. Puro damo—I mean gulay lang. Kaya, no thanks. So, ano pa-deliver tayo ng pizza?" biglang nag bago mood niya na ikinatuwa namin.
BINABASA MO ANG
WCFILWB 2: When she Fall in or out
أدب المراهقينThis is the book 2 of "When catwoman fall inlove w/ bataman" kindly support this story, ??? please!??