Kat's POV
Monday na naman. At sobra akong nagluksa dahil hindi ako nakasama sa Tarlac!! Huhu. Pero nag shopping kami ni Momcy! And BUMILI AKO NG T-SHIRT PARA KAY BRIAN!! HIHI.
"Mom, nakita niyo ba yung jacket ko?" Nasa pintuan ako ng kwarto ko. Si momcy naman nasa sala nag susumba mag isa.
"What color?" Tanong ni momcy habang bigay na bigay sa pag sayaw.
Ang galing niya sumayaw! Bakit ako parang tuod kung sumayaw? Huhu.
"Yung orange" sabi ko.
"Nasa walk in closet mo na." Sabi niya
Pumasok ulit ako sa kwarto tapos sinuot yung jacket ko. Wala na po akong pasa ha! Sadyang umuulan lang po ng malakas tapos malamig din. Sana nga suspended ang pasok eh!!
"Alis na po ako, bye!" Sabi ko tapos humalik ako sa pisngin ni Momcy.
"Take care!! Bye!!" Momcy.
Sumakay na ako ng kotse. Bawal pa ako mag drive! Wala akong lisensya!! Pero sila Brian meron na noh? Haha. Cool nila!!
"Mam, asan na po pala si Sir Bruce?" Usisa nung driver namin.
"Ay, bumalik na po sa Canada nung Sabado. Bakit po manong?" Tanong ko.
"Kasi po Mam, nung umalis po kayo ng Momcy nyo para mag shopping ay may babae po na nagtanong kung nasa bahay daw po ba si Sir Bruce" manong.
Napatango ako. Bakit kaya?
"Siguro, about lang yun sa office" sabi ko.
"Ahh. Okay po Mam"
Hindi na ulit nagtanong yung driver namin. Hawak hawak ko nga pala yung paper bag na may lamang T-shirt para kay Bri! Hihi. Kinikilig ako. Paano ko kaya ibibigay to?
A. Hi Bri!! Binili ko yang T-shirt! 1,500 nga eh.
Ay wag ganon! Baka sabihin niya pinapamukha ko na di niya afford. Mayaman kaya yung gago na yun.
B. Brian! Here para sayo to. Binili ko yan kasi na realize ko na meron kang puwang sa puso ko. Pwede tayo na?
Pisti. Saan naman galing yun? Parang easy to get ang peg ko!
C. Hoy Brian! Iyo na yan! Bili ko! Pag na luma yan patay ka sakin!
Parang labag naman sa kalooban ko yun. Tsaka binigay ko pa, eh ayaw ko naman ipa-luma! Aish
D. Bri, iyo na lang to. Napulot ko sa basurahan. Nung nakita ko nga to sa basurahan ikaw agad na isip ko.
ANG PANGET NAMAN! PARANG SINABI KO NA DIN NA MUKHANG BASURA SI BRIAN!!
WAAAH! Kainis naman.
"Mam, nandito na po tayo" sabi nung driver.
Nag thank you ako sa kanya tapos bumaba na ako. Nanlaki naman yung mata ko nung nakita ko si Brian sa gate na ngiting ngiti. Yung tipong sumisigaw yung ngipin niya na 'AKO ANG NAGWAGI! MAMATAY KAYONG LAHAT SA NGITI KO!'
"Very beautiful morning to the most special girl in the world for me. Boquet of roses for you" inabot niya sa akin yung isang boquet ng pink and red roses.
"Ano na namang pakulo to?" Tanong ko.
"Wala naman. Gusto lang kitang pangitiin kasi di ka nakasama sa Tarlac!" Pinisil niya yung ilong ko.
"Nang aasar ka?" Sabi ko
"Hindi ah! Tara pasok na tayo! May new look sila Iro at Irene" hinatak niya ako.
Ahihi. Kinililig naman ako! Wag nga kayo! Hihi.
Pagpasok namin sa room ay bumungad agad sa akin yung mukha ni Iro na gusot. Habang si Irene naman ay tuwang tuwa.
"What ha—"
Pinutol agad ni Iro sasabihin ko.
"I know right. Naging nog nog ako! Parang mas maitim pa ako sa uling eh!" Sabi niya tapos nagdabog na umupo sa upuan.
"What happened to Iro?" Tanong ko kay Brian nung naka upo na kami.
"Sabi niya mag papa-tan daw sya kasi niyaya sya ni Irene. At ayun nag bilad sa araw. Nakatulog si Iro kaya ayun pag gising niya sunog na sya!!" Brian.
Pfft. Hahahah.
"HAHAHA!! Kasama niyo si Thena?" Tanong ko.
"Yeah. Laging naka cling sa braso ni Ferguse. Si Ferguse naman ay ngumingiti ngiti na kay Thena." Matabang na sagot ni Brian.
Pumasok na yung teacher namin sa English. Lecture lang ng lecture. Hanggang sa matapos yung mga sumunod na subject.
||recess||
Sabay kaming maglakad ni Brian papuntang canteen. Syempre all eyes on us. Kasama ba naman kasi ang bigatin ng school. Humanap kami ng mauupuan. Nagdatingan na din yung lahat pati si Fielle.
"Naks! Nerdita nasan ang alambre mo sa ngipin?" Iro.
Ang hard talaga nitong baklang to.
"Alambre ka dyan! Braces po yun noh! Tsaka okay na din yung teeth ko. Kaya wala na akong braces! Hihi" Fielle.
"Whatever pangit ka parin" Iro.
"Ang sama mo! Isusumbong kita kay Yex—hmpff" tinakpan ni Iro yung bibig ni Thena.
"Kanino mo sya isusumbong Fielle? May new boyfriend sya?" Vanz.
Tinitigan ni Iro si Fielle ng masama.
"Yeah. Yeah. New boyfriend niya. HOY! BAKLA KA! LIBRE MO AKO!" sabi ni Fielle. Napatango tango naman kami.
Napansin ko na magkasama si Ferguse at Thena sa kabilang lamesa. May pasa pa si Ferguse sa left side ng lips niya. Anyaere dun?
"Ay, Kat. May hinanda ako para sayo" sabi ni Bri.
Kinuha nya yung tupper wear tapos binuksan. May laman yung five cup cakes.
"Wow naman! Anong kaharutan yan Brian?" Ram
"Tol, sya lang? Di mo dinamihan? Hindi mo ba naiisip na gusto din namin tikman!! Tsk. Susumbong kita kay Jaggi!" Raf.
"Taray! Daming alam Brian! Saan no binili yan? How much magkano?" Iro.
Kanya kanya na silang sabi. Sabay sabay pa nga eh. Kaya wala akong naintindihan.
Sinubuan ako ni Brian ng cup cake tapos biglang nagwala yung crowd. Pati si Zero, hinahampas yung mesa! Sila Ram, Raf, Vanz, Geric at Irene humihiyaw. Tapos yung iba puro kalampag na..
"Grabe, nakakahiya." Napatakip nalang ako sa mukha ko.
Bigla akong inakbayan ni Brian.
"Don't mind eh." Sabi niya tapos sinubuan ulit ako ng cup cake.
Lalong lumakas yung hiyawan. Pero nung biglang pumasok yung principal ay pasimple sila na tumahimik at kunyari di nag iingay. Maya maya ay umalis na yung principal.
"Wait lang Bri ha. Punta lang akong CR" sabi ko.
"Sige, bilisan mo. Baka agawan ka ng mga nagwawalang tigre dito!" Sabi niya.
Pumunta na ako sa CR at umihi. Napansin ko na madulas yung sahig. Tsk. Tsk. Di maayos pag kakalinis.
Naghugas na ako ng kamay ng bigla akong nadulas sa sahig nung palabas na ako. And everything went black
BINABASA MO ANG
WCFILWB 2: When she Fall in or out
Ficção AdolescenteThis is the book 2 of "When catwoman fall inlove w/ bataman" kindly support this story, ??? please!??