CHAPTER 20: Waterfalls

20 0 0
                                    

Kat's POV

Pagpasok ko ng gate ay hinintay ko muna na marinig umalis si Brian.

Nung narinig ko na ay nag sasasayaw ako!!!

"WOOO!!! YEAH! YEAH!!" sigaw ko.

Ewan ko. Bakit tuwang tuwa ako. Friends lang kami pero bakit ganito? Baka may kinalaman sa past ko?

Duh? Past ko na naman!!

Pumasok na ako sa bahay.

"Where have you been?" Bungad na sabi ni Bruce.

Naka upo sya sa sofa. May iniinom din sya.

"Sa school. Tsaka nag gala din ng konti" tutuloy na sana ako sa kwarto pero hinawakan niya ako sa braso.

"A-Aray.. Bruce!!" Daing ko.

"Konti? 9:00 pm na!!! Yun ba yung konti ha? Sino ang kasama mo?" Galit na galit na tanong niya.

"Kasama ko yung classmate ko!!!" nakahawak parin sya sa braso ko.

Mahigpit yung hawak niya.

"Lalaki 'no?" Tanong niya.

Kitang kita sa mata niya na nag aapoy sya sa galit.

Hindi na ako umimik para hindi sya lalong magalit.

Pero lintek! Pucha! Lalo niya pang hinigpitan yung kapit niya.

"Aray Bruce!! Ano ba problema mo? Masama ba na maging masaya ha?" Sabi ko. Binawi ko yung braso ko sa kanya pero mahigpit niya parin to na hawak.

"Hindi masama Kat!!! Pero gabi na hindi mo ba alam? Nung isang araw ng collapse ka sa SM kasama yung kaibigan mo! Nag report din sa akin yung nurse ng school niyo na sumakit yung ulo mo tapos nag punta ka sa clinic at malamang dahil na naman sa kaibigan mo?! At ngayon naman gabi ka na umuwi?" Sabi niya.

"WAG MO SILA IDAMAY, BRUCE! HINDI MO SILA KILALA!!!" Sigaw ko sa kanya

"Yeah! Hindi ko nga sila kilala!! Eh ikaw kilala mo ba sila? Ano ba ang pinag lalaban mo ha? Na good influence yang mga kaibigan mo? That's bullshit!!!" Marahas niyang binitawan yung kamay ko. At napa sabunot sya sa buhok niya.

"Yeah, I may not know them! But they know who am I!! Who is the real me!!" Gusto ko na isigaw sa mukha niya na mababait ang kaibigan ko!

"Bakit?! Hindi pa ba ikaw yan? Hindi ko ba kilala kung sino ka ha?!" Singhal niya sakin.

"OO BRUCE! KILALA MO NGA AKO! PERO IBA SILA! IBANG-IBA SILA, BRUCE! PATI YATA BRAND NG NAPKIN NA GINAGAMIT KO ALAM NILA EH! ALAM NILA YUNG PAST KO! IKAW ALAM MO BA?! "  sigaw ko sa kanya.

*PAAAAK*

Napahawak ako sa pisngi ko. Parang nag iinit na masakit.

"WAG MO AKONG PAG TAASAN NG BOSES! AT ANO? PAST? NAHIHIBANG KA NA! SA TINGIN MO MAY PAST KA? BAKIT  DATI KA BANG GALING DITO?! SINISIRA KA LANG NILA!" Sigaw ulit niya sakin.

"B-babe" nangangatal na sabi ko. Nanginginig ako.

"You are one week grounded" after saying that he stormed out.

Pumatak yung nga luha ko. Buti na lang hawak ko parin tong isaw na inuwi ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay nag bihis ako. Kinain ko din yung isaw. Habang kumakain ako umiiyak ako

"Huhu. Ang sakit!"

Putok yung labi ko dahil sinampal nga ako ni Bruce tapos sinawsaw ko yung isaw sa suka sa maraming sili. Ang hapdi!!!!

WCFILWB 2: When she Fall in or outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon