Kat's POV
Naglalakad na kami ngayon papunta sa gate.
"O, ano nginingiti ngiti mo?" Tanong ko.
"Wala"
Kampante pala itong gugong na to.
Nung nakarating na kami sa gate, hinarang agad kami.
Napangiti ako.
"Sabi ko sayo eh! Tara na, sa may canteen nalang ulit tayo" hinatak ko na yung kamay niya pero nag salita sya.
"Pinag sasabi mo?" Napatingin ako sa kanya.
Nakangisi sya. OMG! Pwede kaming lumabas ng school during class hours?
"Yeah. So tara na" hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko.
"H-ha?"
"Slow mo. Tara na sabi ko! Makakalabas tayo ng gate" sabi niya.
Whaaaaaaaat? NOOOOOOOOOOO!!!
Hinatak na niya ako palabas ng gate.
"WAAAAH! KUYANG GUARD! I HATE YOU!" sigaw ko sa kanya.
"Sorry, Mam. Napag utusan lang po" kuyang guard
Nung nasa labas na kami ng school may na realize ako.
"Asan kotse mo?" Tanong ko bigla.
"Mas maganda kung maglalakad tayo." Sabi niya
"Eh! Ayoko nga!" Nagmamaktol ako.
"Tss. Ang arte mo. Ang una kong ipapagawa sayo ay sumunod ka sa lahat ng iuutos ko! Including yung walang arte sa paglalakad!" Sabi niya.
"Eh paano kung ayoko?" Tinaasan ko sya ng kilay
"Edi irereport kita na nag cutting ka" ngumisi sya.
"Paano mo naman magagawa yun, aber? Tsaka pag nag report ka paniguradong damay ka!"
"I have connections. So, ano? Tara na?" Nang aasar na sabi niya
Wala na akong magawa kundi sumunod nga sa sasabihin niya.
Binabagtas namin ang kahabaan ng kalsada. Shet! Taray! Binabagtas!
Galing ako sa Canada pero pure na pure ako mag tagalog! Ang ganda ko talaga!
(Ano connect?Kaharutan mo naman!)
Sumabat yung epal na konsensya ko.
"Oy, hanggang kaylan ba tayo maglalakad? Kanina pa tayo lakad ng lakad! Pudpod na yung heels ng sapatos ko!" Reklamo ko.
"Pag wala ng kalsada. Tsaka wag ka mag reklamo! Kasalanan mo yan. Pumapasok ka sa school tapos may takong yang sapatos mo"
Ay, nag sungit? Bipolar pala to eh.
"Seryoso ka? Wala ng kalsada? Baka naman sa bundok na tayo makarating niyan!" Inis na sabi ko.
Nakuuu! Nakuuu!! Kung hindi ka lang gwapo! Baka pinukpok ko na sa ulo mo itong sapatos ko!
Ang sakit na ng paa ko no!
"Bri, nung nag hiwalay kayo ni Kat nagka girlfriend ka ba ng bago?" Tanong ko.
Sarreh ok? Nabobored ako kakalakad! Tsaka baka mapanis laway ko dito. Ipahid ko sayo eh!
"Hindi naman kami nag hiwalay. " sabi niya.
"Eh bakit naging ganito?" Takang tanong ko.
"Hindi ko alam. Ikaw alam mo?" Nakatingin lang sya sa bato na sinisipa niya.
"Tungeks ka ba? Syempre hindi!" Inirapan ko sya. As if na kita niya yun ah.
Nagpatuloy lang ulit kami sa kakalakad. Tahimik lang kaming dalawa. Maririnig mo lang yung mga tunog ng sasakyan pati yung takong ng sapatos ko.
Hay, kelan kaya mauubos tong kalsada? Masakit na talaga paa ko eh.
"Oy, marunong ka kumanta?" Tanong ko.
Tiningnan niya lang ako.
"Okay, sabi ko nga hindi"
Naglakad na ulit kami.
Bat ganun? Parang hindi ako convince na hindi sya marunong kumanta?!!!
"Seryoso Bri? Hindi talaga?" Tanong ko.
Dinedma niya naman ako. Suplado naman sya ngayon. Bipolar much? -3-
Naglalakad na kami ngayon sa mabatong lugar. Pero may kalsada parin.
Bwiset na kalsada yan! Pag ako talaga nainis babaklasin ko lahat ng kalsada!!! Argh!
"AY KALABAW— Ouch" natapilok ako.
"A-ayos ka lang?" Nag aalala niyang tanong.
"Ako ayos? Bwiset to! Magsama kayo ng kalsada! Pisti!" Pinipilit ko na tumayo pero WAAAAH! Hindi ko kaya!
Nakaka frustrate!
Ay taray! Frustrate! Umaasenso na ako.
"Masakit no?" Sabi niya
Aba'y gago pala to eh! Kita nang hindi ako makalakad tapos tatanungin niya kung masakit? Ano hulog ko na ba sa kanal?
Inirapan ko sya. Bwiset. -_-
"Sakay na" sabi niya.
"Gago ka ba? Paano pag nahulog ako?" Pag susungit ko.
Duh? Ipi-piggy back ride niya daw ako. Paano nalang pag nalaglag ako? edi na dis-beauty ako? Gosh!
"Sa tingin mo ba kaya kitang ihulog? Tsaka wag ka mag alala pag nahulog ka. Sasaluhin naman kita." Sabi niya
"Ang corni mo!"
Sinakyan ko na nga sya—este yung likod niya pala.
MGA UTAK NIYO ANG DUDUMI HA!
BINABASA MO ANG
WCFILWB 2: When she Fall in or out
Teen FictionThis is the book 2 of "When catwoman fall inlove w/ bataman" kindly support this story, ??? please!??