Sypnosis

905 9 1
                                    


"eto na ang kwarto na bakante dito" mataray na sabi ng landlady sa pagtitirhan ko, habang bitbit ko ang gamit ko ay ngumiti ako saka tumango.

"at strikto ako. Walang lalake dito mapa umaga mapa gabi wala at ang bayad dapat on time maliwanag?"


"opo" sagot ko, nakakatakot naman ito. Umalis na siya pagkabigay niya ng susi ng isang kwarto sa akin.

Pumasok na ako dala dala ang mga gamit ko, napaupo ako sa kama na wala pang kutchon. Okay na ito sanay naman ako eh, ang kailangan ko lang ay makahanap ng trabaho dito sa Manila para makatulong sa mga magulang ko.

Una kong ginawa ay naglinis na sa kwartong iyon, madaming babae ang nasa kabilang kwarto. Swerte ako at mag isa ko lang dito, habang naglilinis ako ay may kumatok alanganin pa akong magbukas niyon.


Pagkabukas ko ay isang babae na may sigarilyo ang nabungaran ko, bigla akong nanginig sa takot at napahigpit ng hawak sa door knob.

"ahh bakit po?" ngumisi siya sakin.saka tumawa.


"inosente. Ikaw lang ang inosente dito hoy!" tawag niya sa isang babae pa lumapit naman ang kababaihan sa akin.

"may inosente dito mukhang bagong salta dito sa manila turuan niyo" saka sila nagtawanna, nakitawa nalang ako baka kung anong gawin niya sa akin eh.

Naging maayos ang paglalagi ko sa bahay na iyon kasama ang mga babaeng iyon, hindi nagtagal naging kaibigan ko narin sila kahit minsan hindi ako makaintindi sa sinasabi nila.


"may nakuha ka na bang trabaho?" tanong ni Lexie sa akin, yung parang leader nila. Umiling naman ako sa kaniya.


"ipasok na kaya natin siya doon?" sabi naman ng isa napanguso ako, inayos nila ang palda ko dahil tumataas na.

"gaga ka ba! Hindi pwede doon, madaming lalake doon baka mabastos siya!" sumang ayon naman ang iba.


"hmm may kakilala ako! Kaso kung gusto mo lang, nagtatrabaho sa isang kumpanya" nagning ning ang mga mata ko.


"talaga? Saan iyon? Pwede na iyon basta marangal" nag isip pa ang isa saka tumango.


"sige sasamahan kita para alam mo, sa lunes nalang" nagkwentuhan pa kami doon saka nila ako pinapasok sa loob dahil meron nanaman yung landlady na naniningil at masungit.

Napanguso ako na nakaupo dito sa loob ng kwarto ko habang naririnig ko sila sa labas.

"hayaan mo na siya anti hindi ka na nga ginugulo eh" panumbat naman nila, naiiyak ako lagi kasi nila akong pinagtatanggol dahil lagi rin akong sinisigawan ni anti.

Naitulog ko pa ang kaiiyak ko, kaya naman kinabukasan nagkulong lang ako sa kwarto ko kahit naririnig ko sila sa labas. Lalabas nalang ako kapag tatawagin na ako Lexie.



"Faith! Halika na pupunta na tayo" binuksan ko ang pintuan saka inayos ang damit ko ngayon kasi ang pagpunta namin sa magiging trabaho ko kaya masaya ako, hindi magtatagal makakapagpadala narin ako kila mama.

"Ate Lexie andito na ako" bago siya tumingin sa akin ay hinagis niya muna sa basurahan ang sigarilyo niya saka siya tumingin sakin at inakbayan ako.


Naging komportable ako sa kanila sa mga araw na nandito ako. Sumakay kami ng jeep saka bumaba sa isang building na malaki, nakakalula sa malaki pumasok kami doon at sinalubong kami ng isang babae na nasa 40 pataas siguro na edad.

Sumusunod lang ako kay Lexie hanggang sa pumasok kami sa isang kwarto na puno ng camera. Napatingin ako sa harap at halos malaglag ang panga ko nang makita ang isang gwapong lalake na nakaupo sa harap ng camera at nakasuit siya.

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon