Paika ika pa akong naglalakad papunta sa van na naghihintay sa amin sa baba, nauna akong sumakay para mapunta sa likod niya. Nakadalawa kasi siya sa akin, hindi na tuloy siya nakakakain.
Pumasok siya sa van ng nakangiti, maganda ang mood dahil sa nangyari. Hindi nalang ako umimik sa likod niya hanggang sa makarating kami sa isang building, may conference kasi at doon sila magpeperma kasama ang direktor.
Hindi na ako sumunod sa kaniya doon sa back stage, nanatili nalang ako sa labas kasama ang nga fans niya. Nilibot ko ang paningin ko at talaga namang madaming tao ang nandito.
Nagsimula na sila kaya naman nanatili na ako sa gilid, luambas si Cormac saka ngumiti halos magtulakan na ang mga fans niya na nandito sa harapan ko buti nalang ay may nga guard kaya hindi ako naaabala.
Sumunod ding lumabas si Valentina na tinanggap naman ang kamay ni Cormac na nakalahad napangiwi ako nang mas lalo silang maghiyawan, napatingin ako sa stage at nakita kong papaupo na sila Cormac pero nakatingin siya sa akin bigla niya akong kinindatan.
Agad akong napaiwas ng tingin at namula, ako ba yun? Para sa akin ba yun? Naghisterical ang nga fans niya nagsimula na silang magtanong tanong kaya naman umalis muna ako saglit para hanapin yung banyo.
Halos takbuhin ko na sa dulo ng hallway ng building para makapasok sa banyo, naginhawaan ang pakiramdam ko nang mailabas ko lahat. Nagsalamin muna ako at medyo nagtagal doon dahil wala naman akong gagawin doon.
Mas nauna pala eto kaysa yung practice niya para sa concert kaya naman baka maghapon nanaman siyang magpractice. Agad akong napatingin sa phone ko nang tumatawag si Cormac, tapos na ba?
"Hello?"
'Sky! Asan ka ba? Hinahanap ka na ni Cormac'
"mama Mia nasa banyo po ako, pabalik na po ako"
'sige bilisan mo at paalis nadin tayo'
Pinatay na niya ang tawag saka na ako bumalik doon, pababa na sila Cormac sa may stage. Hinintay ko siya sa labas, nakita kong pang kinukuhanan sila ng picture habang naguusap sila ni Valentina. Agad akong tumalikod at nauna na sa van.
"tapos na maam?" tanong sa akin nung driver, may mga reporter nadin dito sa labas kaya pumasok na agad ako.
"patapos na sila kuya" kinakalikot ang ipad niya habang hinihintay namin siya, may sariling kotse sila Mama Mia kasama ang assistant niya.
Nakarinig ako ng mga ingay papalapit dito kaya naman binuksan ko na ang pintuan,halos flash ng camera abg nakita ko kaya napapikit ako kaagad si Cormac na ang nagsara ng pinto saka nagdrive na paalis si kuyang driver uupo na sana ako ng bigla niya akong hinila at pinaupo sa kandungan niya.
"Cormac!" napasigaw ako dahil sa gulat nasabi ko pa ang pangalan niya, napatingin siya sa akin at nanlalaki ang mga mata.
"again!" pilit niya sa akin pero kumawala ako at umupo nalang sa tabi niya, ang init dito sa loob kahit nakaaircon.
"Faith! Say my name again!" agad niya akong niyugyog kaya naman napairap na ako ang kulit niya.
"sir tumigil ka sir mauubusan ka ng energy"
"naubusan nga ako kaninnang umaga eh" agad ko siyang nahampas ng unan na nasa hita ko kaya naman tawang tawa siya, masaya na siya?
Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating kami sa Araneta para magpractice siya ng concert niya sa makalawang buwan pa ang concert niya pero sold out na agad ang mga tickets.