Nakarating kami sa pupuntahan namin ng wala kaming imikan. Bumaba ako dala dala ang ilang mga gamit niya, sinalubong kami ni Mama Mia. Villa na kami ngayon hindi na hotel.
Inikot ko ang paningin ko, maganda dito mahangin. Parang kagubatan, kanino ba ito? Baka naman pwedeng ganito nalang ang bahay namin doon sa probinsya?
Napanguso ako sa naiisip ko, malabong mangyari sa laki ba naman ng utang namin na hindi pa nababayaran.
"Faith come here" agad akong pumunta sa isang staff naa tumawag sa akin, magpapatulong ata eh.
"gusto mo bang bumili diyan sa palengke? Malapit lang dito hindi kasi kami nakabili eh" nahihiyang tanong niya sa akin.
"oo naman, akin na ang mga bibilhin" binigay niya sa akin ang listahan saka na ako umalis. Hindi na ako nagpaalam kay Cormac na aalis ako.
Umalis ako sa villa na iyon saka naglakad, buti nalang may napagtanungan ako kung saan talaga. Halos maiyak ako dahil madaming tao ang nasa palengke, mukhang palengke day nila ngayon ah.
Buti nalang kaunti lang ang pinabili niya sa akin, matapos ang dalawang oras na pag ikot ikot sa palengke ay natapos rin ako. Kaso nga lang pahirapan nanaman na makakuha ng trycicle.
"ano ba naman yan!" reklamo ko pa saka umupo sa gilid, ang init pa naman dito dagdag pa na maraming tao paunahan pa sa pagsakay.
"miss" napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko, isang lalake mukhang kaedaran ko lang.
"bakit?"
"sasakay ka ba? Wala pa akong pasahero pwede kitang ihatid" nagdalawang isip pa ako pero talagang wala na akong mapagsakyan kaya tumango ako.
Tinulungan niya akong magbitbit ng binili ko saka ako sumakay doon sa trycicle.
"saan ka ba bababa?" tanong niya sa akin, hindi ko alam kung saan yun ah pero ang alam ko lang villa eh.
"yung ano, sa malaking villa" tumango siya sa sinabi ko.
"nag iisang villa lang iyon dito at pribado ang pamilyang may ari kaya walang may alam kung kanino" napakunot noo ko, kailangan bang sabihin? Char.
"bago lang po kasi ako dito eh" tumawa ang driver, nakalimutan ko pala ang cellphone ko sa loob ng villa kaya baka tawag ng tawag na sila sa akin, kanina pa kasi ako wala doon eh.
"dito nalang po kuya" buti nalang alam ko talaga, bumaba ako saka niya ako tinulungan na ibaba ang mga pinamili ko.
"makikita ba kita ulit?" nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ha?" magsasalita na sana siya nang marinig ko ang isang kalabog sa loob ng villa, agad agad kong binitbit ang mga gulay at tumakbo iniwan ang driver sa daan.
Pagpasok ko nagulat ako nang may basag na paso sa harapan ko saka ko tinignan si Cormac na nagwawala doon sa set.
"Mama bakit po?" agad akong lumapit doon iniwan ko pa ang mga pinamili ko doon agad na humarap sa akin si Cormac na galit na galit.
Sa gulat ko ay agad akong naestatwa at agad niya akong hinablot sa braso saka hinila papunta sa mga walang tao.
"a-aray! Sandali sir nasasaktan ako" pabalang niyang binitawan ang kamay ko naiiyak nanaman ako ang sakit kasi nang pagkakahawak niya sa akin eh.
"ano ba! Where the hell have you been?!"
"s-sa palengke"
"nang hindi nagpapaalam sa akin? Seriously? Kailangan bang ipaalala ko sayo na ako ang boss mo?" yumuko ako hindi ako makatingin sa kaniya masyado siyang galit.