"Goodmorning" napatalon ako sa gulat nang may yumakap mula sa likod ko, nagkakape ako dito kasi maaga pa. 4 am palang, kagigising lang ni Cormac.
Nahihiya parin ako sa ginawa namin kagabi, nagawa nanaman namin.
"napagod ka ba kagabi?" nakangising sabi niya, inirapan ko siya sa sinabi niya nagtimpla siya ng kape niya.
"sir naman sa atin atin lang ang nangyayari sa atin, huwag mong ipagkakalat at tama na sir baka ano pang mangyari" bigla siyang sumeryoso sa sinabi ko.
"ano pang mangyari? I am willing to give myself to you Faith at yun lang sasabihin mo?" nagulat ako sa tono niya, bakit ba ganyan ang tono niya para syang galit.
"you are my first!" agad akong napatingin sa kaniya, ako ang una niya? Ako ang nakauna sa kaniya? Eh ganoon din siya sa akin eh.
"weh?" yun lang ang nasabi ko, agad siyang napatampal sa noo niya nang sabihin ko iyon hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.
Impossibleng ako ang nakauna sa kaniya, hindi na siya sumagot sa tanong ko. Basta hindi ako naniniwalang ako ang nakauna sa kaniya.
"gusto mo mamasyal sir? May falls dito ligo tayo doon" nakangiting sabi ko, tumamgo siya sa sinabi ko saka umupo at tumingin sa mga bundok.
"im willing to love here..with you" nawala ang ngiti ko.
"huwag kang magbiro ng ganyan sir" sabi ko sa kaniya saka siya umiwas ng tingin at ngumiti, napanguso ako ano ba talaga ang pinapahiwatig niya?
Nagluto lang ako ng babaunin namin mamaya papunta sa falls, maganda kasi doon walang mga tao dahil tago at malayo talaga sa bayan.
"Faith pakilagay sa bag ang phone ko" kinuha ko ang phone niya at nilagay sa bag niya, iisang bag nalang ang gamit namin papunta doon at isang basket na may pagkain.
"ako na hahawak sa bag" kinuha niya ang bag sa akin, paalis na kami sa bahay. Ibang daan ang tatahakin namin dahil mataas talaga iyon.
"sir sulitin mo na babalik na tayo next week sa manila dahil madami ka pang gagawin" ngumuso ako, siya lang dapat ang babalik dapat isang buwan ang bakasyon ko pero dahil kasama ko siya sasabay ako sa kaniya na babalik sa Manila.
"yeah" walang gana niyang tanong, sumusunod lang siya sa dinadaanan ko hanggang sa puro paakyat na ang daan namin.
"yan talaga ang aakyatin natin?" nakangiwing sabi niya, ngumiti ako sa sinabi niya pero siya napangiwi.
Agad kong hinawakan ang kamay niya saka hinila na pataas, mainit na kasi mamaya kaya kailangan na naming magmadali. Kalaunan ay ako ang napagod, napatingin siya sa akin nang bigla akong umupo doon.
Isang akyatan nalang at makakarating na kami pero napagod ako, hindi na ata ako sanay dito eh. Nilabas niya ang tubig saka ako pinainom, siya na ang nagpunta ng straw ng tumbler niya sa bibig ko saka ako sumusop. Inunasan pa niya ang pawis ko kahit ang lakas na ng tibok ng puso ko, dagdag pa na ginagawa niya ang mga ito.
Nakatitig lang siya sa akin kahit pawisan na ako at hindi ko naman alam ang itsura ko, wala naman akong pakielam kung pangit ako sa harapan niya eh. Wala namang nagkakagusto sakin at lalo na siya hinding hindi siya magkakagusto sa akin kaya naman hindi ko na aabalahin pa anh sarili ko na magayos pa.
"ang ganda mo"
Halos tumigil ako sa paghinga ng sabihin niya iyon, nakatitig sya sa mukha ko na nakangiti. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil naiilang ako sa tingin niya sa akin.