22

165 6 0
                                    

Sa huli ay dito sya sa kwarto ko natulog, nahsiksikan kami doon dahil gusto nya daw akong makatabi. Tumanggi ako pero binigyan nya lang ako ng masamang tingin kaya naman dali dali akong humiga sa tabi niya.

Umaga na at nagluluto na ako ng pagkain, nauna akong nagising kaysa sa kanya dahil tinawagan ko si Mama Mia para ipaalam na hindi makakapasok si Cormac.

"morning" agad akong napatingin sa pinaggalingan ng boses at nakita ko siya na balot na balot kahit ang init naman.

"sandali lang at matatapos na ito"

"just take your time hindi pa naman ako gutom" hindi ko na siya sinagot, nakita ko nalang na hawak nya ang phone ko habang nakaupo siya doon.

Hindi ko nilalagyan ng password ang akin dahil wala din naman akong itatago eh. Busy sya doon nang ibaba ko ang pagkain namin, umupo ako sa tabi niya at sinilip ang ginagawa nya doon.

Nasa parte sya ng sinearch ko kagabi na yung taong nakilala ko sa beach, agad syang tumingin sa akin. Inosente naman akong napatitig sa mata nya, bakit? Gusto ko lang naman malaman kung ano talaga ang pagkatao nya ah.

"you like him?"

"ha? Hindi. Familiar kasi sya sa akin kaya ginawa ko yan kagabi" pabagsak nyang nilagay ang cellphone ko sa table at kinuha ang remote at nanood.

Kinuhanan ko siya ng pagkain saka binigay sa kaniya, tahimik lang kaming kumakain dito sa sala.

"artista na nga kasama gusto pa ng ibang artista"

"ha? May sinasabi ka?" takang tanong ko sa kaniya, para kasing bumubulong sya eh. Natuto na ba syang magritwal?

"wala!" nanlaki ang mata ko sa sigaw nya, luh anong problema ng lalaking ito?

"malapit na matapos kontrata ko sayo ah, uuwu nadin ako ng probinsya pagkatapos non" basag ko sa katahikan naming dalawa.

"sasama ako"

"anong sasama?! Hoy may trabaho ka tsaka hi di pwede kasi hindi na tayo magkikita nun"

"edi mas lalong gusto kong sumama, ayoko ng naiiwan wala akong kasama dito" maktol niya na parang bata.

"hindi ka naman mag isa eh, pipili ako ng bagong PA mo para bago ako umalis ay matrain na siya"

"shut up Faith, just eat" napanguso ako sa sinabi niya. Ayaw na ayaw nya talaga na ganun ang sinasabi ko, kaya hindi ako makaalis alis sa kaniya eh dahil sa kakaganyan nya.

"alis muna ako mamaya sir, punta ako kila ate Lexie ulit" paalam ko, gusto ko silang makasama baka mamaya eh hindi na ako makapunta dahil sa busy ang schedule nya.

"sasama ako"

"ha? May sakit ka pa at saglit lang naman ako doon" sabi ko sa kaniya, ang tigas nanaman ng ulo niya. Wala syang sinabi at kumain nalang, namalayan ko nalang na nasa koste na kaming dalawa.

"kamusta kayo nang kalove team mo sir?"

"why would you ask it? Ikaw ang kasama ko ngayon pero iba ang iniisip mo"

Sungit talaga ng lalaking ito, nakarating kami doon sa apartment at syempre pinagtitinginan nanaman siya ng mga tao dito. Bored syang sumunod sa akin, saktong pagtaas ko ay agad na panghila nya sa akin at niyakap.

"tangina"

"Sky! Andito ka p-pala hindi ka nagsabi" boses iyon ng landlady dito, ano ba yun? Bigla kasi nya akong hinila neto eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon