5 (WARNING)

450 11 0
                                    


"Faith andiyan ka ba?" hapos mapatalon ako sa gulat at napatayo nang magsalita si Ate Lexie mula sa labas.

"o-opo ate nagpapainit lang po ng tubig" saka ko tinalikuran si Cormac na nakangisi habang nakatingin sa akin.

"sir hindi ako komportable sa tingin mo" sabi ko, biglang nawala ang ngiti niya at biglang sumeryoso tumango siya sa sinabi ko.

"im sorry" tumango nalang ako sa sinabi niya.

"lalabas na muna ako" halos matapon ko ang hawak ko nang umamba na siyang lalabas.

"teka lang sir, andyan sila sa labas baka mapagalitan ako"


"so what do we do now? Don't worry i can manage pakuluin mo na yan at para makakape na tayo" sabi niya saka lumabas, susunod na sana ako pero sa takot ko ay napatigil ako.

Ang dating maingay sa labas ay biglang tumahimik, iiwan ko na sana ang pinukuluan ko nang maalala ko magtitimpla nalang ako ng kape para mabilis at makauwi na siya.

Halos nakapikit ako paglabas ko saka ko minulat ang mata ko at nakitang nakaupo sa harapan nila si Cormac at pinalibutan siya nila ate Lexie.

"diba artista ka?" tumango naman si Cormac, nagbulungan ang mga nasa harapan niya.

"bakit ka andito? Buti walang nakakita sa inyo? Pero infairness ang gwapo mo ah pwede papicture?" napanganga ako ng sumilay sa kanilang mukha ang tuwa ng tumango si Cormac, pwera kay ate Lexie na nakatingin sa akin.

Lumapit siya sa akin at tumabi habang tinitignan namin ang mga kasamahan namin.

"bakit napunta dito yan?"

"ate umuulan kasi kaya pinapasok ko muna, hindi naman malalaman ng landlady eh"

Tumango siya sa sinabi ko saka humithit sa sigarilyong dala niya.

"may bagyo daw at bahang baha na sa labas malabong makauwi yan" agad akong naglakad papunta sa bintana at oo nga baha na talaga, iginala ko ang mata ko at nakitang wala doon ang kotse ni Cormac saan niya nilagay?

Naku! Baka kinuha na ng mga tambay, bumalik ako sa tabi ni ate Lexie, patapos na silang nagpipicture.

"baka may susundo rin sa kaniya ate"

"duda ako, may kumuha kanina sa kotse niya na parang bodyguard niya. Patulugin mo na sa kwarto mo kami ng bahala sa bruha na matanda" siniko niya ako saka naglakad papunta sa kumpol kumpol.

"magsipasukan na sa mga kwarto mga babae, hayaan natin silang mag usap" nagreklamo pa ang mga kasama namin pero pumasok din naman. Tumayo na si Cormac sa kinauupuan niya.

"uuwi ka na ba? Baka lumakas na eh, uwi ka na kaya"

"my driver got my car dahil hihiramin niya daw uuwi daw siya sa kanila saglit"

"ha? Edi magpapasundo ka?" umiling siya sa tanong ko.

"i'll sleep here beside you" nang sinabi niya iyon nagulat ako nang may sabay sabay na umubo mula sa mga kwarto.

"h-hindi pwede, s-sa baba ka ng kama"

"really? You will let me sleep there?" ngumuso ako sa sinabi niya, tinalikuran ko siya at nagtimpla ng kape. Kawawa naman siya kung pauuwiin ko pa, baka pagod din siya sa byahe.

"magkape ka muna, aayusin ko lang higaan mo" tumango siya, nilabas niya ang phone niya. Pumasok ako sa kwarto, sya nalang dito sa kama nakakahiya naman sa kaniya. Nilipat ko ang isang mahabang upuan para doon nalang ako matulog.

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon