Naalimpungatan ako ng tumama ang araw sa mukha ko, agad akong napaupo halla! Late na ako! Sunrise ang next na scene! Agad akong tumayo at tumakbo sa may terrace ng kwarto, hinanap ko sila sa baba pero hindi ko sila makita kaya kinabahan na ako.
May narinig akong ingay mula sa may baba napatingin ako doon at nakatingin sa akin si Cormac, mga staff na nag aayos na ng gamit nila. Napakamot ako sa ulo ko at nagpeace signa sa kaniya, napailing siya sakin. Agad akong napanguso hindi man lang ako ginising.
Pagpasok ko sa banyo ay nagulat ako nang may timba at tabo na doon, sino nagdala neto dito? Nag alin langan pa akong maligo noong una baka kasi hindi para sa akin eh.
Nagsuot lang ako ng shorts at oversized na shirt. May last place na kasing pupuntahan para matapos na ang music video niya.
"sir okay na po" nahihiya kong sabi kay Cormac nang makita ko siya sa lobby, nag uusap sila ni Mama Mia.
Pinandilatan ako ni Mama Mia kaya ako napayuko, kagabi kasi si Mama Mia sabi niya huwag ko daw sasabihin sa iba na alam niya. Halos mangiyak ngiyak ako hindi ko kasi maintindihan kung ano ang sinasabi niya,tapos magpapadoctor daw ako matapos ang dalawang linggo.
"lets go malayo layo pa ang byahe natin, kanino ka sasabay?" tanong ni Mama Mia, hinawakan ako sa braso ni Cormac kaya napatingin kami sa kaniya.
"sakin syempre" saka siya ngumisi, tinangya na niya ako habang nakatingin ako kay Mama Mia. Bakit ba kinakabahan na ako sa tuwing lumalapit siya?
Pumasok kami sa kotse ako na sana ang magkakabit ng seatbelt pero siya ang gumawa,napasinghap ako dahil sa ang bango niya. Nang matapos ay walang imik siyang umupo saka nagdrive.
"nagugutom ako sir" sabi ko habang nagkakalkal sa bag ko ng pera para makabili.
"where do you want to eat?" tinignan ko ang oras maaga pa naman siguro, mabilis naman magdrive si Cormac eh.
Nang makakita ako ng karinderya na walang masyadong tao tinuro ko iyon.
"doon na lang sir mas mura" he stop the car at tinignan ako.
"are you sure? We can eat in a fine dining restaurant if you want" umiling ako sa sinabi niya.
"hindi na, ayoko nung mga pagkain doon sir" tumango siya sa sinabi ko.
"iwan nalang kita dito sir? Kain lang ako saglit" tumango ulit siya habang nag phophone. Lumabas na ako ng kotse buti nalang wala pang tao dahil maaga pa naman.
"ate isa nga pong dinakdakan" natatakam na ako sa ulam ko, gutom na talaga ako. Umupo na ako sa gilid para magsimulang kumain.
"im hungry. I want that too what's that?" napatalon ako sa upuan ko sa gulat nang biglang sumulpot si sir sa harapan ko naka nakahood na at face mask.
"nakakagulat naman po kayo, sige sir orderan kita basta bayaran mo ha?" inirapan niya lang ako kaya natawa ako.
Nilapag ko sa harapan niya ang pagkain, noong una parang ayaw pa niya.
"masarap yan tikman mo yang taba niya" sumubo siya ng konti at nilasahan niya, bigla siyang ginanahang kumain kinuha pa ang sabaw at hinigop iyon.
Napangiti ako habang tinitignan siya, ang lakas ng appeal niya kapag nasa normal lang siya na mga lugar malayo sa mga mayayamang kagamitan.
Tumunog ang phone ko, tumatawag si Ate Lexie lumayo muna ako sa kaniya at sinagot iyon.