6 (WARNING)

385 9 3
                                    



Nageempake na ako para sa pag alis ko nang biglang umupo si Cormac dito sa tabi ko. Nakakahiya parin yung nangyari kanina, para na akong apple sa sobrang pula ko pagkatapos non. Kanina pa niya ako tinitignan na parang nangaasar.

"sir wala kayong balak umuwi?"

"no im addicted to you" napapikit ako sa sinabi niya para akong nanlalambot, aaminin kong gwapo talaga kasi siya kaya madaming nagkakagusto pero pinipigilan ko rin ang sarili ko dahil langit sya lupa ako.

"sir umuwi ka na dahil uuwi ako sa amin" mamaya ako pa may kasalanan kapag may masamang mangyari sa kaniya.

"ihahatid muna kita" saka siya ngumiti sa akin, umiwas ako ng tingin at tinuloy ang pag aayos ng gamit ko.

Umalis na sila ate Lexi kanina pa kaya naman kami nanamang dalawa ang naiwan dito.

"tara na sir" sya na ang nagbitbit ng bag ko saka kami lumabas sa boarding, paglabas ko nga lang ay may tatlong chismosa ang nasa harap ng gate.

Ang aga aga huhu chismis nanaman diyan pa talaga sa harap halata na ako ang topic nila eh.

"padaan po mga ale"

"ay sige neng" umalis sila sa harap ng gate pero nabahala ako ng maalala na kasama ko pala si Cormac, napahinga ako ng maluwag ng nakabalot talaga sya na naglalakad palabas dala ang gamit ko.

Maglalakad na sana ako nang hawakan ng matanda kanina nag braso ko.

"ay iha nobyo mo ba yan? Jusko magtatanan na ba kayo?" huh? Pinagsasabi niya huhu.

"ah hindi po uuwi po ako sa amin ngayon dahil bakasyon ko ho" nagawa ko paring ngumiti. Naglakad na ako paliko doon para hindi na nila ako makita, saktong napatigil ang isang kotse sa harapan namin lumabas doon ang isang bodyguard ni Cormac may huminto rin na isang kotse.

Sumakay doon ang bodyguard niya pagkatapos niyang ibigay ang susi kay Cormac, agad na akong sumakay dahil naririnig ko nanaman ang boses ng mga chismosa kanina at tama nga ako nakasilip sila sa amin.


"ahh gossip early in the morning" saka siya tumawa, mageeroplano na ako na babyhe para mas madali kaso nga lang ang layo ng bahay namin kaya kailangan kong pang sumakay ng trycicle at maglalakad pa ako.

Nagdrive na siya papunta sa airport, pero nagtaka ako nang ipasok niya ang kotse sa pinagpaparkingan niya dito sa airport na pang celebrity.

"sir bakit di nalang sa harap?" hindi siya nagsalita, may naghihintay sa amin na dalawang lalaki nauna siyang lumabas saka ako lumabas na rin.

Hawak na ng isa ang gamit ko, nakaready narin ang private plane. Sinabi niya sa akin ang na ipapahatid nalang ako sa private plane niya, una na akong sumakay doon. Hindi ko naman first time na sumakay dito dahil pumupunta narin kami sa ibang lugar.

"bye-" napatalon ako sa gulat nang bigla siyang umupo sa kabilang side. Bakit sya andito?

"sir may business meeting ka ba doon?"

"gusto kong sumama sayo. Ayokong maiwan wala akong kasama" napanga nga ako sa sinabi niya, sasama siya sa akin?

"pero sir hindi pwede hahabulin ka ng itak ng tatay ko " mangiyak iyak kong sabi sa kaniya pero nagkibit balikat lang sya saka humiga na.

"sir naman! Ihatid mo lang ako pero hindi ka pwedeng pumunta doon!" ilang minuto lang ang byahe papunta sa aamin kaya kailangan ko syang kumbinsihin na hindi pupunta.

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon