"sir! Halika na punta tayo sa taas!" sabi ko sa kaniya, tumingin naman agad siya sa akin at binuhat si Maco.
Nauna na akong maglakad papunta sa may hagdan na bato at umakyat na, bumungad sa akin ang damo walang kahoy sa mga paligid. Mahangin dito at kita na namin ang dagat na nasa malayo, umupo ako doon at humiga.
Napangiti ako ngayon lang ako nakapagrelax ng ganito sulitin o na at baka madaming problema sa pagbalik namin sa Manila. Naramdaman kong tumabi siya sa akin napamulat ako, napatingin ako kay Maco na tumatakbo takbo lang.
"you're relax?" tanong niya sa akin, tumango ako saka ngumiti pumikit nanaman ako.
"can i kiss you?"
"hu-" hindi ko pa naitutuloy ang sasabihin ko ng siniil na niya ako ng halik sa labi, agad akong napapikit dahil sa nararamdaman kong pagpapaubaya. Binuhat niya ako saka pinaupo sa hita niya na nakaharap sa kaniya at hinahalikan ako.
"malapit na" bulong niya nang tumigil kami, napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Anong malapit na? Agad akong humiwalay sa kaniya at umupo ulit sa tabi niya.
"sir dapat hindi na natin ginagawa iyon eh" nakangusong sabi ko, agad syang natawa sa sinabi ko.
"that's the kiss that i always want, with you" linapit niya ang mukha niya sa akin kaya nilayo ko ang mukha ko.
"layo ka nga sir" sabi ko at pinipigilang ngumiti dahil iba na ang nararamdaman ko. Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko kaya naman napahiga ako at napaunan sa dibdib niya.
"lipat ka na sa bahay pagdating natin sa Manila" napatingin ako sa kaniya.
"hindi pwede sir, okay na ako sa boarding ko" napailing siya at tinitigan ako.
"lumipat ka na.." ngumiti siya hinihintay ko ang sasabihin niya "gusto kitang makasama".
"sir hindi talaga pwede, assistant niyo ako sir. Kung gusto niyo lagi nalang po ako doon pero hindi po ako matutulog doon" napasimangot siya saka ako tinalikuran, napanganga ako ang sungit naman.
"sir.." kinalabit ko siya pero nanatili siyang nakatalikod sa akin, ano bang pinagpuputok ng budhi niya at biglang nagkaganyan.
"sir kausapin mo ako" napanguso ako ng hindi siya tumingin sa akin, mukhang isa lang naman ang gusto niya eh na gusto ko rin.
"kapag hindi ka tumingin sa akin talagang hindi ako lilipat sa bahay mo" mas mabilis pa ng ginawan niyang pagtingin sa akin kaya napaawang ang bibig ko, yun ang gusto niya?
Mapapasubo ako neto ah, napakamot nalang ako sa ulo at tumingin sa dagat.
"wala nang bawian ha?" sabi niya kaya tumango ako sa kaniya.
"great! Now i have company para naman hindi ako mabulok sa bahay!"
"basta walang makakaalam na magkasama tayo sa iisang bahay sir" normal lang naman na malaman nila iyon, pero sa pagkakakilala ko sa ibang tao dito ay ginagawang issue iyon.
"why?"
"ayokong pumasok sa magulo mong mundo sir" seryosong sabi ko, nawala ang ngiti niya saka unti unting tumango saka humiga ulit.
Walang nagsasalita sa amin, nakatulog ako dahil sa lakas ng hangin. Nakakaenganyong matulog kapag ganito ang paligid. Nagising nalang ako nang maramdaman kong may mabigat na nakadagan sa tiyan ko.
Pagmulat ko nakita ko si Maco na nakatingin sa akin, napatingin ako sa katabi ko pero wala na siya agad akong bumangon at binuhat si Maco. Bumaba na ako at naabutan ko si Cormac doon na tahimik na kumakain.