21

106 5 1
                                    

"ate naman bakit mo sinabi na nandito ako?" reklamo ko kaagad kay Ate Lexie kinaumagahan, kami palang ang gising at nagkakape kami dito sa may sala.

"sya ang tumawag Sky, sinabi ko lang ang totoo saka kawawa yung tao Sky hinintay kadaw nyang makauwi pero wala ka" hindi na ako nagsalita.

"wala na tapos na eh andyan na sya" sabi ko nalang sa kaniya, umalis na ang ibang kasama namin dito kaya kami nalang ang naiwan.

"hey" napatingin ako kay Cormac na kagigising lang habang naghuhugas ako ng baso.

"magbihis ka nan sir, babalik na tayo sa bahay mo doon mo nalang ituloy ang tulog mo wala ka namang trabaho ngayon"

"why do you sound like that? At kahapon hinanap kita noong nasa set palang kami" umirap ako ng wala sa oras.

Nakipagdinner ka nga sa iba eh.

"sir may ginawa lang ho ako at hindi napan po kailangan ata na lagi akong nakapaligid sayo" hindi siya nakapagsalita unti unti lang syang tumango.

Nang matapos akong maghugas ay umalis na rin kami, hindi ako masyadong nagsasalita hanggang  sa makarating kami sa bahay nya.

"ah sir lilipat na pala ako, pupunta nalang ako kay Elsa" biglaang sabi ko, binagsak nya ang susi ng kotse sa mesa kaya napatalon ako sa gulat.

"why?" mariin nyang sabi sa akin, nilabanan ko ang titig nya.

"naisip ko lang sir na hindi pwedeng ganito, magkatabi tayo natutulog o ginagawa natin ang mga bagay na hindi dapat"

Naglakad sya palapit sa akin hanggang sa isang pulgada nalang ang layo namin sa isat isa.

"may ginawa ba akong mali?" umiling agad ako, gusto kong humawak sa kanya para akong nanghihina na ewan sa ginagawa niya.

"bakit ka aalis? Bakit parang umaalis ka sa akin?"

Hindi ako umaalis, lumalayo lang.

"hindi naman sir, gusto ko lang maging independent" nakangiting sabi ko sa kaniya, umiwas ako ng tingin saka naglakad paalis doon.

Pumunta akong kusina para uminom ng tubig, hinintay kong umakyat sya ng kwarto para makaupo ako sa sala. Sumilip muna ako saka ko nakita na pumasok na sya sa kwarto niya.

"mukhang mahihirapan ako ah" nagempake na muna ako para deretso alis nalang ako mamaya, nang makita ko ang oras at naitext ko na si Elsa ay napagdesisyonan kong pumunta sa kwarto ni Cormac.

Pinihit ko ang door knob pero nakalock ito, kumatok ako ng kumatok pero walang sumasagot saka ko naalala na may susi din pala ako dito.

"Sir" pagpasok ko ay lumapit agad ako sa kaniya habang sya ay nakahiga sa kama at nakabalot sa kumot, hindi naman naka bukas ang aircon niya.

"nilalagnat ka!" halos mataranta ako nang kapain ko siya at sobrang init nya, mabibigat pa ang hininga niya.

Umupo ako sa tabi niya saka ko tinanggal ang kumot niya.

"sir! Upo ka muna papalitan natin yang damit mo"


"umalis ka na lang, kaya ko na to" nanghihinang sabi niya saka tinabig ang kamay ko, may kirot sa puso ko.

Tumayo sya saka dahan dahang pumunta sa banyo, agad akong tumakbo para alalayan siya pero saktong papasok na ako nang malakas nyang ibalibag ang pinto at kung malas nga naman ay natamaan ang kamay ko.

"aray!" halos mamalipit ako sa sakit at mapaupo ako doon pero hindi siya lumabas, nanatili sya doon habang ako ay nakaupo ay hinihipan ang kamay ko.

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon