1

388 7 0
                                    




"sir bumangon na kasi kayo ah!" paiyak ko nang sabi, andito ako sa condo ni sir Cormac dahil inutusan ako ni Mama Mia na gisingin siya.

Mama Mia ay ang manager niya, naghihintay na sila sa set. Sagada pa naman ang pupuntahan malayo dito.


"5 more minutes" napanguso ako sa sinabi niya, 2 months na akong nagtatrabaho bilang P.A niya at sa 2 months na iyon ay puro pambiwbiwisit lang ang ginagawa niya sa akin.


"sir galit na po manager niyo" gumawa siya ng ingay kaya alam kong tatayo na siya, agad akong tumakbo sa sala para hindi ko siya maabutan na tatayo. Ayokong nakikita na nakaboxer lang siya halos hindi ako makatulog noon.

Nag ayos muna ako sa condo niya dahil ang kalat niya, buti nalang maaga akong umuwi kagabi sa boarding house. Pagkatapos kong maglinis lumabas na siya na nakabihis na andoon narin ang gamit niya, pinagtimpla ko pa siya ng kape.

"tara na sir" nagmamadali kong sabi ayoko kayang mapagalitan.


"wait for me" wait for me daw ang tagal naman niya, nauna na akong lumabas at nang sumunod siya sa akin ay nalock na ang condo.


Sumakay kami sa kotse na siya na ang nagdrive, pero hindi pa kami nakakatigil nang inihinto niya ito at tumingin sa akin. Tumingin ako sa sarili ko baka may mali.

"seatbelt" hahawakan ko na sana pero tinanggal niya ang seatbelt niya.


"ako na ang kakabit. Ako lang dapat, kahit alam mo na ako lang dapat" hindi ako nakasalita amoy na amoy ko ang pabango niya mula dito. Bumalik siya sa upuan niya at nagdrive na.


Nagsoundtrip lang ako sa phone kong keypad. Nakakahiya man dahil ang mamahalin ng mga cellphone niya, oo mga dahil madami siyang cellphone.

"bakit hindi ka pa bumibili ng bagong phone?"


"sir pinadala ko kasi sa mga magulang ko iyon at ayos pa naman ito" tumikhim siya saka dina nagtanong.


Mahaba haba ang byahe kaya naman nagstop muna siya sa isang coffee shop. Ako ang lumabas dahil hindi siya pwede, kahit na madaling araw na ay baka may makakita sa kaniya dito. Isang libo ang binigay niya pero dalawang coffee lang naman ang kukunin ko.


Iba talaga kapag mayaman. Lumabas na ako pero nagulat ako ng makita siya sa duyan na mag isa agad akong nataranta may mga nagsisilabasan na mga tao sa kotse nila baka makita siya. Agad akong tumakbo pagkarating ko doon saktong natanggal ang takip ng kape at natalsikan ang kamay ko.

"aww.." bulong ko saka agad binaba ang kape agad na hinawakan ni Cormac ang kamay ko saka hinipan. Binaba niya ang facemask niya agad ko itong tinaas.

"anong ginagawa mo? May makakakita sayo dito" stress kong sabi sa kaniya, nakatitig lang siya sa akin inayos ko ang buhok ko dahil malakas nag hangin.


"let's go" sinundan ko siya hanggang makapasok siya sa kotse. Hanggang makapasok kami ay hindi ako umiimik, iniinda ko parin kasi ang hapdi sa balat ko eh.

"huwag mo kasing binababa ang mask mo sa madaming tao mapapagalitan tayo" ungot ko sa kaniya, tumawa lang siya ng mahina.


"opo hindi na po" hindi na kami nagsalita, nakatingin lang ako sa harapan habang paounta kami sa sagada.


"you can use my phone, may games diyan na nadownload para sayo"  nagliwanag ang mga mata ko, si ate Lexie lang kasi ako nakikihiram ng phone kapag maglalaro ako eh.

Kinuha ko ang phone niya saka inopen iyon, wala syang password. Naging busy ako sa paglalaro ng stick man, tumatawa pa ako mag isa kapag may namamatay.

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon