"ang hirap kasi sayo parati kang nakadikit sa akin. Linta ka ba sir?" inis kong sabi pero tinawanan niya lang ako, andito padin kami sa building hinihintay yung photographer.
Lumayo ako sa kaniya ng kaunti pero lumapit lang siya ulit, kanina parin ako naiinis sa kaniya hindi ko alam kung bakit.
"sandale, pupunta lang ako banyo" paalam ko sa kaniya, tinignan ko siya at inunahan nang magsalita.
"huwag ka nang sumama sie diyan ka nalang" sabi ko saka nagmamadaling tumakbo papunta sa banyo, pagbaba ko ng pants ko ay sabi ko na nga ba may red days ako kaya pala naiinis nanaman ako sa pagmumukha niya.
Kinalkal ko ang bag ko at halos mapatampal ako sa noo nang maalalang hindi pala ako nakadala ng pad ko, paano na ngayon to? Malayo pa naman ang tindahan dito at pati grocery, kung lalabas pa ako ay baka malalagyan ang pants ko.
Kinuha ko ang phone ko saka nagtext kay Cormac,baka lang naman gusto niya.
'help'
Yan lang ang sinend ko pero ilang segundo lang ay bumalibag na ang pintuan kaya napatalon ako sa gulat na nandito sa loob.
"Faith!"
"andito ako, hindi ako pwedeng lumabas kasi red tide" napakagat ako sa labi sa sinabi ko, nakakahiya lalaki pa naman ramdam ko ang yabag ng mga paa niya.
May inabot siya mula sa itaas kaya naman napatingalla ako, may hawak siyang pad kinuha ko iyon.
"san mo naman nakuha ito?" taka kong tanong sa kaniya.
"lagi kong dala iyan, incase of emergency that you will have your red days while we are at work" naginit ang pisngi ko sa sinabi niya, so ganun pala iyon? Inaalala niya iyon?
"pinuputok ko naman sa loob bakit nagmemens ka pa?" halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya, siguro dahil sa iniinom kong pills na binigay ni ate Lexie sa akin.
Mabisita nga siya minsan.
"ewan ko po sir, diba po mas mabuting ganun para wala kang responsibilidad?" tanong ko sa kaniya, hindi na siya sumagot pa.
Natapos na akong magsuot ng pad at naayos ko narin saka ako lumabas andoon padin siya, buti walang pumapasok dito. Agad akong pumunta sa salamin at nag ayos ng mukha.
"sir tara na baka may pumasok" sumunod siya sa akin at nagulat ako nang merong bodyguards sa labas ng banyo,kaya naman pala walang makalapit. Hanggang sa makapasok kami ulit sa may kwarto ay tahimik na siya.
Hindi na ako nagtaka dahil minsan talaga ay ganoon siya. Nagpatuloy ang photshoot na ang seryoso niya kaya naman madaling natapos, alas tres palang tapos na siya sa lahat. Except sa practice niya pala para sa concert.
Magkatabi kami sa kotse pero hindi niya ako nilapitan, nakatingin lang siya sa may bintana. Hindi rin niya ako pinagbuksan ng pintuan gaya ng lagi niyang ginagawa.
"ma'am ayos lang kayo?" tanong sa akin nung guard kaya ngumiti ako at tumango sa kaniya. Sumunod na ako kay Cormac hanggang sa makarating siya sa stage nakasalubong ko si Mama Mia.
"oh himala hindi siya nakabuntot sayo" bulong niya sa akin, kami lang pala ang nakaalam.
"ewan ko mama Mia kanina pa iyan, hindi niya ako pinapansin kanina pa sa photoshoot" napatingin kaming dalawa sa kaniya at busy ang lalaking nag aayos ng gitara.
Napatalon ako sa gulat ng bigla siyang mag strum ng malakas,halos mapahawak ako sa dibdib ko sa gulat pati narin ang mga back up dancer niya. Galit na galit?