17

165 3 0
                                    



"bakit ang tagal niyo sa loob? Kayo nalang kaya hinihintay dito" sabi ni Elsa, yung iba ay naliligo na sa dagat. Nanginginig padin ang tuhod ko hanggang ngayon, hindi lang kasi siya nakaisa. Nakatatlo kami sa dalawang oras.

Nakasunod siya sa akin nakashades pa at may ngiti sa labi, saktong papalapit na ako sa dagat ay may dumating na dalawang lalake. Yung kaibigan ni Cormac,dumeretso siya doon saka nakipagfist bump.

"tara na Sky! We should have no time to waste" hinila agad ako ni Ate Lexie papunta sa dagat halos umakyat lahat ng init ng katawan ko sa ulo ko dahil sa lamig ng tubig.

Si mama Mia at ibang mga staff ay nandoon at nakaupo lang sa cottage, kami naman ay nandito sa dagat.

"bati na kayo ni sir?" tanong sa akin ni Elsa, tumingin ako sa may parte nila sir at nasa isang cottage silang tatlo pero may hawak hawak na alak ata iyon, binalik ko ang tingin ko kay Elsa.

"nag away sila?" tanong ni ate Lexie sa akin, tumango naman si Elsa. Nagakbayan ang dalawang ito, naging close na agad sila?

"marupok naman ito eh kaya nagkabati ata agad" natawa pa silang dalawa kaya naman hinampas ko sila, lumangoy sila papalayo sa akin.

Naghabulan lang kami doon manananghalian na nang umahon kami, hindi naman masyadong mainit kaya okay lang sa balat. Nakaahon na pala, naalala ko nakatshirt at short lang pala ako. Shirt rin ni Cormac ang suot ko ngayon at sila ay nakaswimsuit napanguso ako pati si Elsa nakaswimsuit.

Ako lang pala ang ganito at suot sa kanila, nakaswimsuit din naman ako yung binigay ni Ate Shiela pero hindi ko pinakita na suot ko. Ako nalang ang hindi pa umaahon, maiingay na kasi sila kaya naman nagsisitinginan ang mga kasama namin.

"huy Sky! Halika na gusto mo pa bang magbabad?"  tanong nila sa akin, tumayo na ako pero unti unting nakikita ang kabuuan ko agad silang napatayo at nakangising nakatitig sa akin.

"nice, suot mo pala ang bigay ko" sabay tawa ni Ate Shiela napatingin ako sa suot ko at halos lumuwa ang mata ko nang kitang kita na ang panloob ko at hapit na hapit narin ang damit ko sa katawan ko.

"sandali! Diyan ka lang!" histerical nilang sabi, lumapit si Mama Mia na may dalang cellphone.

"ay tanginang yan isa pa!" humangin kaya naman inayos ko ang buhok ko.

"ay putanginang ganda yan, paano ba gawin yan?" mura ni Ate Lexie, binaba na ni Mama Mia ang cellphone niya nagkumpulan sila doon at tinignan iyong litrato.

Nakalimutan ko rin palang magdalawa ng twalya, lalakad na sana ako papasok sa villa nang makita ko si Cormac na may towel na nakasabit sa balikat niya at naglalakad palapit sa akin. Kitang kita ko sa likod niya ang dalawa niyang kabigan na nagtatawanan at ang isa pay ay kumukha ng litrato.

"wear this bago ko pa sirain yang damit na yan at hindi na tayo makakalabas pa sa kwarto" agad ko itong kinuha at namula ako, pinulupot niya ako sa towel na hawak niya mukha tuloy akong lumpia.

"go to your friends, mag iinuman lang kami"

"bakit ka nagpapaalam?" sagot ko sa kaniya tinaasan niya ako ng kilay saka hinalikan ang noo ko.

"just in case" sabi niya saka naglakad na pabalik sa mga kasama niya. Naglakad naman ako papunta kila Elsa nang makitang kumakain na sila pero nakangiti sila sa akin.

"nakita ko yun"

"ang tamis naman ng halik mas matamis pa dito sa mangga" nagatawanan sila, para akong kawawang bata na nandito sa harapan nila. Inabot ko nalang ang pagkain at kumain na ng tahimik, nakabalot parin ang twalya sa akin.

Under His BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon