"wake up!" halos mapaupo ako sa gulat nang bigla akong sigawan ni Cormac sa may bandang tenga ko, tawang tawa sya sa harapan ko ngayon na bagong gising din.
Papasikat na pala ang araw, agad akong natulala sa harapan ko hindi pa kasi nagigising utak ko parang tulog pa kaya kailangan kopang matulala.
"ang aga mo namang gumising sir"
Nakapamulsa siyang nakatayo sa gilid ko agad niya akong hinila kaya naman halos matumba tumba pa ako, bumalik kami sa bahay naghahanda na sila nanay para sa gagamitin namin na mag aani ng nga gulay.
"dito muna kayo at magkape bago tayo bumaba" umupo kami doon tinemplahan ko siya ng kape buti nalang gusto niya ito simula noong pinatikim ko siya.
"walang starbucks dito sir" pang aasar ko sa kaniya inirapan niya lang ako saka nagkape na siya, humarap siya sa mga bundok.
Nang matapos kaming magkape pinagpalit ko siya ng jogging pants baka magrushes ako pa mapapagalitan.
"is it necessary that i will wear this? I can wear shorts you know" agad akong umiling at humarap sa kaniya nauna na sila nanay na bumaba.
"hindi pwede sir ako ang mapapagalitan kapag nagkasugat sugat ka, hindi patag ang daan natin sir kakahuyan" hindi na siya nagsalita, agad na kaming bumaba buti nalang natapos namin ni tatay ang hagdan na ginawa namin noon para hindi ako mahirapan.
"wala bang kulto dito?" biglaan niyang sabi agad akong napabaling sa kaniya at natawa saan ba niya napupulot ang mga sinasabi niya.
" bilisan niyo" sigaw ni tatay na nasa baba na agad naman siyang hinila ni nanay saka lumiko kaya nawala sila sa paningin namin.
Binabagalan ko ang paglalakad dahil sa kasama ko baka madulas o baka kung ano ang mangyari.
"Faith"
Agad niya akong pinaharap sa kaniya at siniil ng halik noong una nagulat pa ako pero kalaunan trinaydor nanaman ako ng katawan ko at nagpadala sa halik niya.
"hmmm" hinigpitan niya ang paghawak sa bewang ko hanggang sa binitawan niiya ako tinitigan ko pa siya bago niya ako hinalikan sa noo saka hinawakan ang kamay ko at sabay na naglakad.
Dinama ko ang puso ko at para itong nagwawala na.
"halika Cormac sumama ka sa akin" agad na hinila ni tatay si Cormav nang makarating kami sa baba talagang pinalayo niya kami sa isat isa, natawa nalang ako.
"anak halika marami rami ito" tinulungan ko na si nanay sa mga aanihin, medyo malayo rin sila Cormac kaya hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila.
Tinuturuan niya si Cormac kung paano kunin ang repolyo, natatawa ako dahil step by step talaga na tinuturuan siya ni tatay.
"kagabi, tinignan ko kayo sa duyan ng makatulog ang tatay mo" napatingin ako kay nanay nang sinabi niya iyon.
"magkahiwalay kami nay" biglang tanggi ko bakit ba ako tummatanggi?
"wala pa akong sinasabi anak, nang lumabas ako ng bahay tutuloy sana ako sa inyo pero nakita ko mula sa malayo" tumingin si nanay sa gawi nila tatay kaya napatingin din ako.
"nakaupo si Cormac sa tabi mo at dinuduyan ka habang natutulog, gusto ko sanang lumapit pero parang hindi maistorbo ang titig niya sayo" parang kinikilig pa na sabi ni nanay, agad nanamang bumilis ang tibok ng puso ko.